Forty Three
Maaga ako nagising dahil hahandaan ko pa ng umagahan itong mahimbing na natutulog na dalawang lalaking ito. Ipinusod ko ang aking buhok at nagsimulang maghanda na para makagawa ng soup para sa hang-over nila.
Sandaling lumabas sa kanyang kwarto si Oliver at kitang kita ko kaagad ang pagod sa mga mata nito.
"Gising kana kaagad?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"Ou! Nakakahiya naman sa dalawang bisita natin" sarkastiko kong sambit. Sinalubungan ko siya ng tingin "Ikaw, mukhang hindi ka pa natutulog."
"Ah ou- hindi padin ako tapos..." nakasimangot na sambit niya at pumasok na ulit sa kanyang kwarto.
Alas singko na ng madaling, inilagay ko ang apron saaking harapan at nag-umpisa nang magluto. Dahan-dahan ang bawat galaw ko upang hindi ko sila magising.
Pagsapit ng alas sais ay napangiti na ako dahil sa wakas ay tapos na. Lumabas na din sa kanyang kwarto si Oliver dala ang nga scratch paper niya.
"Anong oras ka papasok?" Tanong ko rito. Ipinagtimpla ko na din siya ng kape.
"10am." Malungkot na saad nito.
"Ang aga naman-" nagkibit balikat lang ito at sabay humikab.
"Siguraduhin mong iidlip ka kahit ilang oras pagkatapos mong kumain." Tumango tango na lamang ito at tsaka humigop bg mainit na kape.
Sabay kaming napatingin sa dalawang natutulog sa Sala at sabay ring napangiti.
"Akala ko hindi magiging komportable ang tulog ni Fabian since hindi naman siya sanay sa ganyang higaan." Bulalas ni Fab.
Napangisi lamang ako sa sinabi niya "But look at him now- kulang nalang pasukan ng langaw ang bunganga niya dahil sa himbing ng tulog. Nagisip pa akong ilipat siya sa kwarto ko at mabuti nalang hindi ko nagawa." Hindi nagtagal ay nagising na din si Matt- diretso kaagad siya sa banyo habang hinihilot-hilot ang ulo nito.
Paglabas niya ay inasar kaagad siya ni Oliver. "Inom pa kasi- buti nalang hindi ako sumali sainyo."
Mapang-aras lang siyang umismid at naupo na rin sa harap namin. Nakapag-hilamos na din ito.
Nagtama ang tingin naming dalawa at hindi ko maiwasang hindi ngumiti habang nagpapalitan kami ng tingin, clueless niya lang akong tiningnan at may tanong isip.
"May ginawa ba ako kagabi? Bakit parang may iba sa tingin mo." Sambit niya. Nagkikibit balikat lang ako sa kanya habang nagpipigil ng ngiti.
Lumipas pa ang ilang minuto at nakita na namin ang pag-galaw ni Fab. Walang sali-salita itong hinanap ang banyo- sabay sabay naming itinuro at makaraan ng ilang minuto ay iniluwa na rin siya.
Katulad ni Matt ay nakapag-hilamos na rin ito. Titig na titig kami sakanya hanggang sa umupo siya sa harap ko.
"Ano ba kasing meron sa inyong dalawa at nag-inum kayo? May pasok kaya ngayon!" Bulyaw ko sa kanilang dalawa.
Tumayo na ako upang ipagtimpla sila ng kape- si Oliver din ay naghahain na ng umagahan namin.
"Tapos dito niyo pa talaga naisip na matulog. Hindi man lang kayo nahiya saakin..." dugtong ko pa.
Nang humarap ako sa kanila upang ibigay ang kape ay kaagad kumunot ang noo ko dahil nahuli ko silang nagbu-bulungan.
Napatikhim akong naupo sa harap nila at sinamaan sila pareho ng tingin.
"Now tell me- buong oras niyo ba akong topic?"
Walang alinlangan silang tumango sa sinabi ko at natawa. Psh! Nagsimula na din kaming kumaing apat ngunit kapansin-pansin ang pananahimik ni Fab sa harap ko.
BINABASA MO ANG
His Cryptic Smile
RomantizmSabrina Verzonilla is a college student, an average girl who had a simple dream at yun ang ay makatapos sa pagaaral at matulungan ang kanyang pamilya, everything is so simple about her but when she came across to this young man who's name is Fabian...