Two

647 22 0
                                    

Two

I travel for almost 3 hours kasama na dito ang traffic para lang makauwi, masigla akong sinalubong ni Mama na halata ang pagod dahil sa maghapong pagtatrabaho.

"Kumain kana?" Tanong niya saakin.

"Hindi pa Ma!" Tamad kong inilapag ang aking bag at nagbihis ng pambahay para makakain na, nang nasa tapat na ako ng hapagkainan ay hinanap kaagad ng mata ko si Papa pero hindi ko ito mahagilap.

"Nagiinum na naman." Sabi ni Mama. Napahinga na lang ako ng malalim at nagfocus na sa pagkain. Sabay din kaming napatingin ni Mama sa aking kapatid na kakapasok lang, may pasa na naman ang mukha niya.

"Sino na naman ba ang may gawa niyan sayo?" Galit na bigkas ni Mama sakanya. Inirapan niya lang si Mama at nagdiretso na sa pagpasok sakanyang kwarto.

Napahawak sa kanyang batok si Mama dahil sa konsumisyon at naupo nadin sa harap ko.

"Nakausap ko na ang Tita mo, may vacant pa daw na room malapit sakanila, sigurado ka bang magdo-dorm ka?" Tumango ako.

"Para mas malapit sa school Ma at maghahanap pa ako ng Part time job."tugon ko sakanya.

Lumapit saakin si Mama at may tinanggal sa mukha ko. "Kung matino lang sana ang Papa mo at naghahanap buhay, madali lang sana ang lahat. Pasensya kana Sab, initindihin mo nalang ang Papa mo." Tipid akong ngumiti kay Mama at tumango.

Matapos kong kumain ay niligpit ko na din ito, nagdiretso kaagad ako sa aking kwarto upang ayusin ang mga dapat ayusin. Inihanda ko na rin ang aking Laptop upang makagawa ng Resume para sa plano kong pag-a-apply. Inayos ko na rin ang mga gamit ko na posible kong magamit sa paglipat nitong weekend.

Patulog na ako ng makatanggap ako ng text galing kay Matt.

"Tulog kana?" Anang niya.

"Hindi pa, nagreply pa ako diba?"

"Sabi ko nga. Anong oras start ng class mo bukas?" Tanong niya.

"1pm, ikaw?"

"10am." Tipid niyang sagot. Natigilan ako sandali at nagtype ulit.

"Sige na, kita nalang tayo sa school bukas. Matutulog na ako. Goodnight :)"

"Okay, Goodnight"

Napahiga ako sa kama at inaantok na napapahikab at nang tuluyan ng pumikit ang mata ko ay kaagad akong mapabangon ng kinilabutan na naman ako ng maalala ko ang mga ngiting iyon.

He had this mysterious smile na para bang nakikita ko lang sa mga napapanuod ko, iyon bang "killer" sa isang pelikula na masaya sa ginagawa niyang pagpatay.

Hindi ko alam kung papaano ako nakatulog ng gabing iyon, basta ang alam ko lang buong gabi akong binalot ng takot dahil sa ala-alang iyon at ipinagdarasal ko na lang na sana bukas hindi mag-krus ang landas naming dalawa.

~*~

Kaagad akong napalinga-linga sa paligid at hinanap siya ng mata ko at noong nakonpirma kong wala ito ay labis labis na galak ang naramdaman ng dibdib ko. Finally!  tahimik ang subject ko na ito.

Katulad ng mga nagdaang subject, puro pagpapakilala at introduction lang ang nangyare, sinubukan ko ring itext si Matt ngunit may klase pa ito kaya nang matapos ako sa pagkain sa canteen ay napaupo ulit ako sa bench kung saan ako pumwesto kahapon.

Nagbrowse ako sa internet ng mga part time job at pinasahan ang lahat na alam kong qualified ako. Ilang minuto pa ang nagdaan ng tinigil ko ang ginagawa ko at nagmasid sa paligid, this maybe my favorite spot in this school, bukod sa may puno sa tabi ko ay hindi rin gaanong mainit dito, mahangin rin.

Ipinasok ko na ang phone ko sa bag at niyakap ito, dinama ko ang pag-agoy ng mga dahon ng maramdam ko ang pagtabi saakin ng iniiwasan kong tao.

"Hi!" Una niyang bati saakin. Napaurong ako ng konti dahil sa presensya niya. Binalot ulit ako ng kaba at naiilang na tumingin sakanya.

"H-Hello." Sagot ko habang nauutal.

"Kaklase kita kahapon diba? First year ka din?" Masiglang tanong niya saakin. Sandali akong natigilan at hindi kaagad nakasagot.

"Ou." Umurong ulit ako ng kaunti at konting galaw nalang ay mahuhulog na ko.

"By the way I'm Fabian Montero" nakangiting pakilala niya saakin. Inilahad niya rin ang kanyang kamay sa akin. Naningkit akong naiilang na tinanggap iyon.

"I-Im Sabrina Verzonilla" nauutal na pakilala ko. Sumubra ang kanyang ngiti ng tinanggap ko ang mga kamay niya at mas lalo akong nahihiwagaan.

Siguro kung hindi ko nakita kahapon ang mga misteryosong ngiting iyon ay baka isa na ako sa nahuhumaling sa kanya ngayon.

Kumalas na ako sa pagkakahawak sa kanya at pasimple siyang pinagmasdan habang nakatanaw siya sa paligid.

He smiling like so genuine right now at wala akong mahanap na salita para idescribe ang kagwapuhan niya. Nang mapansin kong titingin na siya saakin ay maagap na akong umiwas ng tingin sakanya. Mas lalo akong napahigpit ng hawak sa Bag ko at umurong ng kaagad manlaki ang mata ko, mahuhulog na pala ako.

Mabuti na lang at maagap niyang nahila ang kamay ko at napigilan ito.

"S-S-Salamat." Nauutal na bigkas ko at nupo na ng maayos.

Ngumiti ulit siya sa harap ko at magsasalita na sana ng pareho kami mapatingin sa likod namin.

I saw Matt, mahigpit ang hawak niya sa kanyang bag at para kaming may ginawang mali dahil sa tingin niya.

"Lets go, Sab!" Aniya. Dali-dali akong napatayo at sumunod sakanya. Awkward na lamang akong nagpaalam kay Fabian at sumabay na kay Matt.

"Kanina na pa doon?" Anang niya.

"Hindi gaano" Walang kainte-interes na sagot ko.

"Akala ko ba wala kang gusto sa lalaking yun? Bakit parang kinakabahan ka?!" Bumalik na ang tono niyang mapang-asar.

Kung alam mo lang ang dahilan kung bakit ako kinakabahan ay baka hindi mo ako maasar ng ganyan. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at naramdaman ko na lamang ang pag-akbay niya sa akin.

Nakangiti na siya saakin habang ginugulo ang ulo ko. "Kumain kana?" Tanong nito.

"Yup. Why? Lilibre mo ko?"

"Sure, ano ba gusto mo?" Tipid na lamang akong napangiti at sa huling pagkakataon ay napasulyap ulit ako sa pinuwestuhan namin at kaagad nanindig ang balahibo ko ng makita ko'ng nakatayo siya roon habang seryosong seryoso ang tingin saamin ni Matt.

Sandali akong napatigil at tiningnan siya, napahinto na rin sa paghakbang si Matt at napatingin sa tinitingnan ko.

"S-Sino tinitingnan mo?" Tanong niya.

Umalis na si Fabian, pero naiwan parin akong nakatanaw sakanya hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin ko.

"Did you find him creepy?" Wala sa ulirat na bigkas ko.

"S-Sino?" Napailing-iling ako at nagsimula ng humakbang. Kumawala na rin ako sa pag-akbay ni Matt at naglakad mag-isa habang napakalalim ng iniisip.

I feel his mysteriousness again, but why? Bakit parang ang lalim ng bawat tingin niya saamin? Did I do something wrong?

VOTE, COMMENT

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon