Twenty One

367 12 0
                                    

Twenty One

"Gumising kana! Malalate kana sa school mo..." sigaw ko kay Oliver na mahimbing pading natutulog. Hinainan ko na siya ng makakain ng biglang tumunog ang phone ko.

"Nasaan na ang 10K mo ngayong Month. Baka gusto mong puntahan kita diyan sa bahay niyo." Text saakin ni Taba. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at agad nagtungo sa banyo para makaligo na at makapasok.

Isang simpleng white t-shirt at pants ang suot ko, nagsuot din ako ng mahabang jacket para pamproteksyon ko sa init sa maghapong pagde-deliver. Naabutan ko  din na kumakain  si Oliver sa kusina habang may binabasang libro. Hinalikan ko lang siya sa kanyang ulo at tuluyan ng nagpaalam.

Nirefresh ko muna ang sarili ko sa mga item na idedeliver ko, inayos ko ito sa aking likod at tsaka nagsimulang magmaneho. Una sa listahan ko ay ang kukunin kong barong sa isang sikat na boutique at idedeliver sa address na binigay saakin nung babaeng tumawag saakin kahapon.

Maaga ako nakarating sa boutique na pagkukunan ko ng barong, sinabi ko lamang ang pangalan ko at pinapasok na nila. Dahan-dahan nilang ibinigay saakin ang barong dahil napag-alaman kong isang bachelor daw ang magsusuot nito.

Dahan-dahan din ang aking pagmamaneho dahil baka kapag nagusutan ko ito ay mas mahal pa sa buhay ko ang kapalit nito. Halos magmakaawa pa naman saakin ang may ari ng boutiqe kanina para lang ingatan ko.

Sa isang mamahaling restaurant ako dinala ng address na binigay nila, madami rin ang mga tao na narito ngunit parang may shooting na nangyayare. May mga kung ano-anong ilaw ang nakafocus sa hardin nito. Tinanggal ko ang pagkakakabit ng helmet sa aking ulo at pumasok na sa loob. Hinanap ako ang pangalang Jeka dahil iyon ang pangalan ng pagbibigyan ko ng item, sakanya ko din makukuha ang bayad sa deliver fee.

Nagtanong-tanong ako kung kani-kanino para lang makita siya at nung makita ko na ito ay agaran na akong lumapit.

"Kayo po ba si Ms. Jeka?" tanong ko sa nakasalaming babae na mukhang organizer ng lugar na ito.

"Ah yes, sino po sila?" tanong niya saakin. Kaagad kong pinakita ang barong na bitbit ko sakanya at ngumiti.

"Ako po yung tinawagan niyo kahapon about sa pagdedeliver ng barong dito po?"

Tumango-tango kaagad siya saakin. "Ahhh ou nga pala... Wait!" kinuha na niya ang saakin ang damit at tinabi. Napasulyap sulyap ako sa paligid habang hinihintay ko siyang iabot ang bayad niya.

"Te-Teka lang, naiwan ko pala sa sasakyan ko ang Bag ko. Wait mo lang muna ako dito." Aniya. Napa-ou na lamang ako at naupo sandali. Kinuha ko ang phone saaking bulsa at tinext ang kapatid ko habang naghihintay.

"Nakapasok kana? Nakaalis kana ba sa bahay? Goodluck sa exam mo!" text ko sakanya. Naghintay ako ng ilang minuto sa reply niya ngunit wala akong natanggap. Baka nagrereview na iyon.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid at halatang-halatang busy ang mga tao sa pagpe-prepara sa gagawin nila.

"Nandito na ba siya? Nandito na ang interviewer. Wala parin ba si Sir?" rinig kong sigaw nung isang babae sa kakasulpot lang na lalaki. Naka-corporate attire silang dalawa.

"Hindi naman siguro mang-i-injan yun si Sir diba?" ani noong babae sa lalaki.

"Kahit na ayaw niyang gawin ito-siguro naman may ginintuan puso padin yung boss natin na iyon. Kung alam niya lang kung gaano tayo nagmakaawa para lang mangyare ito."

Bigla ng sumulpot sa harap ko si Ma'am Jeka. "Naku pasensya na kung natagalan. Ito na pala yung payment. Thank you again, lagi namang open yung shop mo diba? Para sana sa susunod naming transaction ikaw nalang ko-kontakin namin." 

"Naku, opo. Sure po anytime, anywhere palagi po akong nandiyan. Isang tawag lang..."

"S-Sige. Thank you again. Sa uulitin." ngumiti lamang ako at nagdiretso na sa paglabas ng bigla akong matigilan sa paghakbang ng may makita akong pamilyar na lalaking dumaan sa likod ko. Unti-unti akong napalingon kung sino ito at gayun na lamang ang paninigas ng tuhod ko.

Hindi ko maiwasang hindi siya titigan, napapalibutan na siya ng mga empleyado niya. Nakita ko din na isinusuot na sakanya ang barong na dala ko.

So ikaw pala ang magsusuot nun? Ikaw din pala ang i-interbyuhin rito. Nang mapansin kong titingin siya sa dako ko ay kaagad akong nagtago at hindi ko alam kung bakit. Biglang kumabog ng sobra ang dibdib ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Naging busy na ang buong lugar at mukhang magsisimula na rin ang gagawin nila, sa huling pagkakataon ay dinungaw ko ulit siya. Nakaupo na siya sa malaking sofa habang nakatutok naman sakanya ang bawat ilaw at camera- may binabasa siya roon.

Mukha namang maayos ka sa lagay mo ngayon, wala naman pala akong dapat ipag-alala.

Tuluyan ko ng inihakbang ang aking mga paa upang makalabas na sa lugar na iyon ng sa hindi inaasahan ay mukhang nakuha ko pa ang atensyon ng mga tao roon.

Gosh! Nasagi ko ang isang babae dahilan para matapon sa damit niya ang iniinum nitong kape. Napaso din ang kamay ko dahil halos  kalahati ng laman nito ay nasalo ko.

"Shit!" gigil na sabi nung babae saakin.

"N-Naku s-sorry po." paghingi ko ng pasensya

"Anong sorry? Hindi mo ba nakikita kung anong okasyon ngayon at sorry? Shit! Ano na ang gagawin ko any minute magsisimula na ang shoot." sinubukan kong pagpagan ang damit niya ngunit markang marka padin ang kape rito.

"S-Sorry po talaga." bigla na kaming napalibutan ng napakaraming tao at nagwo-worry sila sa damit nito. Ikinuyom ko ang aking kamay at kinagat ang aking ibabang labi upang maitago ang init sa aking kamay.

Napaatras ako at pilit na humihingi ng tawad.

"What are you doing? Hindi pa ba tayo magsisimula?" kaagad umalingaw-ngaw sa buong lugar ang boses lalaking nagsalita sa likuran ko. N-Napalunok ako at hindi lumingon.

"You are wasting my time...." asik niya sa taong nasa unahan ko.

Kahit hindi ko siya nakikita, hindi ko maiwasang hindi mapangisi sa tono ng kanyang pananalita. Nagbago siya at hindi ko maitatago iyon.

Anim na taon nga naman ang nagdaan Sab, ang dating habol na habol na sa Fab ay paniguradong ibang iba na talaga ngayon.

"S-Sorry Sir." nagsi-alisan na ang mga tao sa harap ko, binangga lang ako sandali nung babae at umalis na din sa harap ko.

Sinikap kong hindi magpakita sakanya pero mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng may biglang humigit ng aking kamay at may ibinigay na panyo saakin.

"You keep saying sorry even if you are also in pain. Right Sab?"

Natigilan ako at natulala, unti-unti akong napalingon sakanya. Wala akong nagawa kung hindi panuorin siyang itinatali  sa aking kamay ang panyong binigay niya.

"Kilala mo pa ako?" wala sa loob kong sambit

Bigla kong nasilayan muli ang mga misteryosong ngiti na kailan man ay hindi nawala sa isip ko.

"Of course, you are my first love Sabrina Verzonilla"

Biglang may luhang pumatak sa aking mga mata habang nakatitig ito saakin. You are really Fabian Montero.

VOTE, COMMENT

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon