Thirty Four

349 11 0
                                    

Thirty Four

Pumasok ako na parang normal na araw lang, iwinala ko ang nangyare kaninang umaga at nag-focus sa trabaho.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtatrabaho nang makatanggap ako ng tawag mula kay Matt.

"Hang out tayo mamaya?" Tiningnan ko lang ang text niya at hindi pinansin. Nakatanggap pa ako ng sunod sunod na text at hindi ko na ninais na tingnan pa ito dahil paniguradong si Matt lang yan at nangungulit.

Makaraan ang ilang oras ay halos lahat kami ay napatingin kay Sir Raymond dahil sa sinabi nito.

"Carlos papuntahin mo nga muna dito si Sab." Rinig kong sabi ni Sir Raymond.

"Bakit daw po?" Clueless kong tanong kay Sir Carlos at nagkibit balikat lamang ito saakin.

I clear my throat bago ko pasukin ang opisina ni Sir Raymond.

"Yes Sir? Tawag niyo daw po ako."

Nakangiti siyang may iniabot saakin na mga papeles. "Pwede bang pakibigay ito sa Top floor. Kailangan kasi nila ito, nga pala anong meron kayo ni Sir Montero? I mean he wants you to personally give it to him." Nakagat ko ang aking labi dahil sa sinabi ni Sir Raymond. Naguumpisa na naman siya at nandito na pala siya?

"Magka-" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil biglang pumasok ang Manager ng planning department.

Mahigpit ang hawak ko sa mga papeles na aking dala. Pagkapasok ko sa elevator ay pinindot ko kaagad ang top floor at nag-ayos ng aking sarili.

Pagbukas nito ay ramdam ko na kaagad ang tensyon habang papasok sa opisina niya. Kitang-kita rin ang kaba sa mga empleyado niya, mukhang wala sila ngayon sa mood.

Kaagad na may lumapit saakin. "Ano pong kailangan nila?" Tanong nito.

"I'm from inventory department, ibibigay ko daw po ito kay Sir Montero." At ipinakita ko sakanya ang mga papeles na dala ko.

"Naku, mukhang wrong timing ka ngayon. Mainit ulo ni Sir. Pero kung urgent talaga- puntahan mo siya sa dulo'ng office nito." At itinuro na nga niya ang opisina nito. Tipid na lamang akong ngumiti bilang pasasalamat at nagsimula nang maglakad.

Nakita ko ring hindi magkadarapa sa pagtatrabaho si Jeka at kaliwaan ang mga tawag sakanyang telepono. Ano kayang meron? Kararating lang niya pero eto agad-?

Tinahak ko ang kanyang opisina at noong nasa tapat na ako ng pintuan nito ay nagpakawala muna ako ng isang malalim na paghinga bago kumatok.

"Come in." Tamad na sabi niya.

Binuksan ko na ang pinto at nakita ko kaagad siya. Nakayuko ito at papeles kaagad ang inaatupag. Kapansin-pansin din ang tambak na nga papeles sa table niya.

Napalunok ako at nagsimula na ring lumapit sa harap niya. Dahan-dahan kong inilapag ang mga documents na dala ko.

"From inventory dep-" unti-unti niya'ng iniangat ang kanyang ulo dahilan upang hindi ko naituloy ang sasabihin ko.

Biglang lumapad ang ngiti niya nang makita ako. Ngunit kapansin-pansin ang paglubog ng mga mata niya, at pamumutla ng labi, hindi rin maayos ang pagkakalagay ng neck-tie niya.

"Okay ka lang?" Wala sa sariling tanong ko.

"Ha?!"

"Okay ka lang ba?" Paguulit kong tanong sakanya.

Pagod siyang tumango saakin kaya maagap kong idinapo ang kamay ko at pinakiramdaman ang noo niya.

"May lagnat ka." Bulyaw ko rito. Ngumisi siya at mahigpit na kinuha ko ang kamay kong nasa noo niya.

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon