Twenty Two

366 8 1
                                    

Twenty Two

"Nasaan ka?" Tanong saakin sa kabilang linya ni Matt.

"Bakit?"

"Stress ako, samahan mo kong uminom!" Napatingin ako sa wall clock ng bahay. Alas otso palang naman ng gabi.

"Ikaw, nasaan ka ba?" Balik kong tanong sakanya.

"Nasa labas na ng Building namin, kita tayo sa dating gawi." Aniya.

"Basta ba libre mo. Go ako!"

"Ou na... ililibre na kita."

"Okay deal..." tinakpan ko lang ang pagkaing hinanda ko kay Oliver at nag-iwan ng note. Nagpalit lang ako ng short at jacket na may hoodie, dala ko din ang phone ko at kaunting pera at tsaka naglakad patungong sakayan ng jeep. Hindi ko na binalak pang dalhin ang aking Motor dahil baka masubrahan kami sa pag-inum at delikadong magmaneho ng lasing.

Pagkarating ko sa Restobar ay nakaupo na kaagad roon si Matt. Nakadutdot din siya sakanyang cellphone.

"Aga ah! Akala ko ako na naman maghihintay sayo..." bungad ko sakanya.

"Nag-taxi ako dahil alam kong sandamakmak na naman yang sasabihin mo kapag late ako." Napangisi ako sandali sa sinabi niya at naupo- sakto naman ang dating ng mga inorder niya. May mga bote na din ng beer sa harap naming dalawa. Binuksan ko kaagad ang isa nun at walang sali-salitang ininum ito.

"Woaa, dahan-dahan mas mukha ka pang stress saakin." Napairap ako sa kawalan ng bigla kong maalala ang nangyare kanina.

-Flashback-

"Of course, you are my first love Sabrina Verzonilla" mabilis kong pinunasan ang luha sa mata ko ng bigla siyang napahalakhak habang kaharap ako.

"Are you expecting me to say it? Don't get me wrong!" Huling sambit niya at tsaka ako tinalikuran.

Nakakailang hakbang na siya papalayo saakin ng bigla itong huminto at tumingin ulit. "Kung tapos kana sa panyo, itapon mo na lang. Baka kasi mag-isip ka pang isauli pa saakin. I don't use a trash anymore"

Nagbago na siya, sobrang laki... napaismid ako at nagbalak na rin sanang talikuran siya ng magsalita ito ulit.

"And yeah, I've change. I turned to a man who is so manipulative katulad ng first impression mo saakin." Hindi ko na alam kung ano na ang naging emosyon niya pero tinalikuran ko na siya.

Hindi ako makapaniwalang- naiisip ko siya araw-araw for the past 6 years. How can I? Bigla akong nainis sa sarili ko. Ako lang ata ang nagtatanong at nalulungkot sa kung ano na ang kalagayan niya ngayon. Ako lang ata! But since napatunayan ko ng okay naman pala siya, titigil na ako for the last time titigil na akong isipin ka.

-End of flashback-

Nagsisimula ng maging malabo ang paningin ko kay Matt dahil sa alak, mukhang napaparami na ang inom ko.

"Ano ba kasing problema mo?" Lasing na sabi saakin ng kaharap ko.

"A-Ako?" Itinuro ko pa ang sarili ko at natatawang binatukan siya. "May mga tao lang kasing nagbabago, naiinis ako."

"Bakit? Bakit ka naman naiinis?" Hindi na maidilat ni Matt ng maayos ang mata niya dahil sa kalasingan.

"W-Wala."

"Lahat naman nagbabago, ikaw nagbago ka- hindi mo man nahahalata pero ang laki ng pinagbago mo. Mas naging matapang ka naging palaban. Ako naman, mas nirespeto ko ang mga babae, mas nakita ko ang kahalagahan nila. Si Oliver, dating basagulero ngayon tingnan mo halos hindi na lumalabas ng kwarto niya dahil subsub sa pagaaral. Lahat ng tao nagbabago, kayo nagbago kayo dahil sa pagkamatay ng magulang niyo, sa hirap ng buhay. Ako nagbago ako dahil sayo, dahil nakita ko ang kahalagahan ng babae nang mawala ka. Kaya huwag kang mainis sa tuwing may nagbabago, normal yun." Sabi niya at tuluyan na itong bumagsak sa mesa.

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon