Twelve

431 13 0
                                    

Twelve

Nakarating kami ng Hospital na ilang na ilang ako, hindi ko alam kung anong gusto kong sabihin sakanya dahil sa sinabi niya. Hinayaan ko na lang siya na dumikit saakin, wala na rin naman akong magagawa.

Inalalayan ko lang maupo sandali sa waiting area si Fab at tumayo na ako para makapagtanong.

"Dr. Sanchez po?" Tanong ko sa reception ng Hospital  at tsaka ipinakita rito ang letter na binigay saakin ng nurse.

"Nasa 2nd floor po ang offie niya, sino po ba ang ie-examine?" Tanong nito.

Itinuro ko kaagad si Fab na nakanaw saamin.

"Kaya niya po ba maglakad? Kailangan niyo po ba ng wheelchair?" Sasagutin ko na sana ito ng maagap na tumayo si Fab at iika-ikang lumapit saamin.

"Hindi na, kaya naman niya akong alalayan." Nakangiting sambit nito. I rolled my eyes- haist! For sure dahil saakin kaya ayaw niyang mag wheelchair.

Nilisan namin ang reception area ng nakaalalay ako sakanya.

Nakabusangot kong pinindot ang 2nd floor ng elevator habang itong lalaking kasama ko ay walang mapaglagyan ang ngiti.

Pagbukas ng pinto ay inalalayan ko ulit siya, pinapasok lamang kami sa Office ni Ms. Sanchez at inexamine na siya, naghintay ako sa labas ng office, tahimik na nakaupo.

Makalipas ang ilang minuto ay kumunot noo na ako ng may benda na sa kamay niya at may cast na rin sa kanyang braso.

Kasabay nang paglabas niya ay ang paglabas din Doctor.

"Ikaw ba ang girlfriend niya?" What the-? Girlfriend talaga?

"Ay-h-hindi po-"

"Yes Dok, siya nga po." Nakangiting banat naman ni Fab.

Ngumisi si Dok at may ibinigay na result saakin, pati rin ang reseta.

"Make sure na hindi masyadong magagalaw ang kamay niya, na-examine ko na din ang likod niya at so far wala naman gaanong bali, yung balikat niya lang yung medyo nag-iba, pati din ang binti. Pero wala namang dapat ipagalala." Paliwanag nito saakin.

"And also make sure na parati siyang chinecheck ng nurse sa school niyo para mabilis ang recovery niya." Dugtong niya pa.

Pareho kami nagpasalamat at nagpaalam kay Doktora Sanchez at ngayong kitang kita ko na ang bandage sa kamay niya ay para akong nakonsensya sa mga naiisip ko.

Ako ang may kasalanan sa nangyare sakanya and yet simpleng dikit niya lang saakin ay ginagawan ko na kaagad ng malisya. Haist!

Kaagad akong nagpara ng taxi upang maihatid ko na siya sa bahay nila at para makapag-pahinga na rin. May pasok rin ako bukas sa part time job at kailangan ko rin makapagpaalam dahil sa mga event sa parating na university week.

Sandali akong napasulyap sa katabi kong tahimik na nakamasid sa daan. "Okay ka lang? Masakit padin ba ang braso mo?" Paguuna ko ng usapan.

"Yeah, I'm fine. Ikaw? Pagod ka na ata, tahimik kana." Sabi niya naman,

"Hindi naman, iniisip ko lang ang paparating na event. Mukhang magiging busy tayo-kakahinga ko pa nga lang sa exam, tapos meron na naman." Pagmamaktol ko.

His Cryptic SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon