XVI

11.4K 425 28
                                    

  Fujima's PoV

May bulkang sasabog in three...

Two...

One!

"WHAT THE HELL DID YOU SAY?!! SHE WHAAATT?!"

There. He just explodes. Zehel.

Galit na napatayo ang lalaki habang kausap sa intercom ang isa sa mga head ng Security ng RedSphere na inutusan niyang magbantay kay Liza... or should I say... Zila.

Hmmm. Wag kayong magalit sa 'kin dahil lang alam kong si Zila ang pinakasalan ni Zehel at hindi si Liza. Hindi ko naman sinabi kay Zehel yun eh. I don't meddle in marital affairs of my friend. Isa pa, interesting para sa 'kin ang mga susunod na mangyayari.

Mukha lang akong walang pakialam pero isa talaga akong tsismoso.

Una pa lang, alam ko nang hindi si Liza ang babaeng nilapitan ng Legal Adviser ng RedSphere. First time I saw her, I knew that she's different. Hindi siya si Liza. Lalo kong nakumpirma na tama ang hinala ko nang makita ang lagda ng pangalan niya sa marriage contract at sa agreement paper nila ni Zehel. It was different. Gumawa ako ng sariling background check kay Liza, and that's where I found out na may kakambal pala siya.

Si Zila nga. Si Zila na napakalaki ang pagkakaiba kay Liza. Ewan ko ba dyan kay Zehel at hindi niya yun mapansin pansin. He's too dense on his so-called vengeance, hindi niya tuloy makita kung sino ba talaga ang babaeng kasama niya ngayon.

Haha. As I was saying, mukha lang akong walang pakialam... pero inaanticipate ko na kung anong mangyayari. Kayo ba hindi naeexcite?

Ang report ng mga Bodyguards ni Zila, nag-C.R.lang daw ang babae tapos nawala na lang ito bigla.

"WHAT? DISAPPEAR?! SHE JUST CAN'T EVAPORATE ON THIN AIR! SHE'S NOT A NINJA!!" nanggagalaiting sabi ni Zehel.

Yeah. She's more than that. She's a daredevil.

Nang mawala sa linya ang kausap ni Zehel, galit na napaupo si Zehel sa silya. Katatapos lang ng meeting niya at ito agad ang sumalubong sa kanya. Mukhang tama ang hinala kong mas pasasakitin ni Zila ang ulo niya.

"That damn woman! Bakit niya tinakasan ang mga bodyguard niya? Gustong-gusto na niya yatang sinusuway ako! Hindi naman siya dating ganyan!"

Right. Si Liza kasi... walang tutol kay Zehel. Inlove na inlove ang babaeng yun sa lalaking 'to. But since hindi nga si Liza nga ang babae... goodluck kay Zehel at sa paghihigante niya. Hahaha.

Ngumiti lang ako. Pa-mysterious effect para mas cool.

"Maybe she just want to stroll all by herself. Hindi mo siya masisisi, mahirap mamasyal nang may kabuntot na isang dosenang lalaki sa'yo," sabi ko.

"Kahit na! Dapat nagsabi pa rin siya!"

"Bakit? Papayagan mo ba siyang mag-isa kung sakali?"

"Hell No!!"

"See? Don't blame her, then."

Nakasimangot na lumingon si Zehel sa 'kin. "Are you siding with her?!"

"No. I'm just stating the obvious reason why she escaped her guards," sagot ko.

Umangil lang si Zehel. "Damn her! Hanggang kelan ba niya pasasakitin ang ulo ko?"

Haha. Kanina kasi tumawag si Mana, ang mayordoma sa Mansion ni Zehel sa Aiden. Nagsumbong na hindi daw kumain si Zila, tapos nakuha pa raw magsalita ng babae sa matanda. Palaban nga talaga si Zila, pero alam ko naman na di magagawa ni Zila na mambastos ng matanda. Over-acting lang talaga si Mana.

"Baka nahihirapan din si Liza sa sitwasyon niyo..." sabi ko.

"Wala siyang karapatang magreklamo. May kasunduan kami!"

Hindi na ako nagkomento kahit gusto kong sabihin sa kanya na ibang tao ang ginagamitan niya ng blackmail contract niya. Nakakapagtaka din kasing sumusunod si Zila sa gusto ni Zehel gayung pwede naman niyang sabihin na hindi talaga siya si Liza. Pero hindi eh... nananatili lang ding tikom ang bibig ni Zila.

Hmmmm. I'm wondering kung anong kakahantungan ng dalawang 'to.

Nae-excite pero siyempre di ko nga yun pinapahalata.

Mmmm. Paulit-ulit ba ako?

Hahaha.

Napatingin ako kay Zehel nang bigla siyang tumayo at naglakad palabas ng office niya.

"Where are you going?" tanong ko.

"House," sagot niya.

House. Hindi home. See the difference?

"What about the meeting with the Square Enix Board?"

"I will deal with them tomorrow!" Tuluyan nang lumabas ng silid si Zehel kabuntot ang mga bodyguards niya.

Hmmmm. Distracted na siya. Nabalitaan lang na tinakasan ni Zila... naaburido na siya. Di pa siya inlove ng lagay na yan. What more kung mainlove pa siya?

I don't want to think about it. Haha. But I will surely wait for it.  

Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon