Zila's PoV
Tumingin ako kay Fujima. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya dahil passive ang expression ng mukha niya. But somehow... somehow, may kahina-hinalang glint of amusement akong nakita sa mata niya. Na para bang may nakakatawa sa eksena namin ngayon ni Zehel at Sagara.
Well, sabagay medyo nakakatawa nga ito ano. Zehel and Sagara being rival but business partners. And me as Liza, Sagara's ex-boyfriend.
"Fujima," tawag ni Zehel sa kaibigan/E.A. niya.
"Yes?" sagot ni Fuji.
"Accompany this man at the Function Hall, please..." tukoy ni Zehel kay Sagara.
Lol. This man daw. Ni hindi man lang niya magawang tawagin si Sagara sa pangalan nito.
"Hey! I have a name, Devoncourt! Don't use 'this man' to refer me!" angil ni Sagara.
"Whatever!" sagot lang ni Zehel. "Animal doesn't have names."
Napasinghap ako... at napatiim-bagang naman si Sagara. Ang lupet talaga nito ni Husband.
Magrereklamo sana si Sagara pero tumalikod si Zehel at hinila na ako pabalik sa loob ng building. Malupet!!
"PAPAKAININ KO LANG 'TONG BABAENG 'TO!! PAKISABI SUSUNOD NA AKO!" sigaw ni Zehel kay Fujima na di na lumingon. Basta hawak niya ako sa braso at hinila kung saang direksyon.
Lumingon ako sa dalawang naiwan, si Sagara... tiim-bagang pa rin sa pagkakatingin kay Zehel at si Fujima naman... pokerface.
Lol.
Pero maya maya, nag-usap na ang dalawa at sunod na segundo eh magkasabay na umalis papunta sa kabilang panig ng lobby.
Bumaling ako kay Zehel. Gaya ni Sagara, tiim-bagang din siya. Mukhang ayaw niya talaga sa presensya ni Sagara. Mukha siyang badtrip at the maximum level.
"You really have no idea Len Sagara owned Maxwell?" tanong ko.
Umiling si Zehel. "Hell no! If I knew, we'll never be partners in business! I won't let that happened! He's a bastard and--- Wait!"
Biglang bumaling si Zehel sa 'kin at tumigil siya sa paglakad. "Ikaw!"
"Ako!" gulat kong sabi.
"Di ba ex-lover mo siya?!"
Napahumindig ako. Ginugulatan na naman ako ni Zehel. "O eh ano ngayon?" Excuse me, hindi ko siya ex-lover 'no! Si Liza 'yun!
"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin na siya ang President ng Maxwell?!"
Nablangko ako bigla. "Er..."
Craaap. Tungaw! Natural, alam dapat ni Liza na si Sagara ang may-ari ng Maxwell kasi di ba, naging sila? Pero ako...
"Ahehehehe," tawa ko na lang.
Bumitaw ako kay Zehel at nagpatiuna nang lumakad. Pero sinundan ako ni Zehel at binomba ng tanong ang tenga ko.
Kesyo gusto ko raw yata siyang maging 'tanga' sa harap ni Sagara. At pinagtatawanan daw siguro siya ng lalaking 'yun habang nakatalikod. At kung anu-ano pang ka-paranoid-an na pumapasok sa utak ni Mister.
"You should have at least told me so I can----"
"Look husband!" pigil ko kay Zehel sabay tingin sa kanya. "Hindi ko alam na siya ang may-ari ng Maxwell, okay? Anong pakialam ko dun?! Oo, naging kami pero hello! Wala akong amor sa mga business business na 'yan. Tsaka saglit na panahon ko lang naka-relasyon si Len, malay ko ba kung nagbebenta lang siya ng bakal-bote o nag-aalok sa Avon products o nagbebenta ng droga! Basta wala akong pakialam sa business niya kaya huwag mo akong paulanan ng laway mo porke't di pa ako naliligo, okay?!" sikmat ko sa mukha ni Zehel.
Natameme naman ang lalaki. "Ganun?"
"Oo! Genern!"
Sa bandang-huli, nagkibit-balikat na lang si Zehel tapos hinila na ulit ako papunta sa isa pang mahabang hallway. Awa naman ng umulang laway, tumahimik na rin ang asawa ko.
Magkahawak-kamay kaming dumeretso sa isang malawak at malinis na bulwagan na napagtanto kong Cafeteria. 'Canteen' sa mga Pinoy.
Wew. Dito humantong ang lunch date namin. Pang-asar talaga ang tadhana. :3
"So... what do you want to eat?" baling ni Zehel sa 'kin.
Umismid ako. "Ano bang meron dito?"
"I don't know. I barely eat here..."
"Tsh! Ang sabihin mo, hindi ka talaga kumakain!" sikmat ko habang pinagmamasdan ang paligid.
The whole room was huge and very classy. Para akong nasa isang malaking French restaurant. The style was very cozy and sensual. Weh! Yung totoo, Cafeteria 'to o isang first rate restaurant?
Hmmm.
Not a bad place to have a lunch date. :3
"Kumakain ako. Hindi ako robot," sagot ni Zehel maya maya.
"Robot ka! Wala ka ngang puso, di ba?"
Sa pagkagulat ko, ngumiti bigla si Zehel sa 'kin.
"Kung wala akong puso... Paano ka makakapunta dito?" tinuro ni Zehel ang dibdib niya.
Para akong minaso sa sinabi niyang 'yun. Pakiramdam ko rin eh binuhusan ako ng mainit na tubig. Maryosep! Hindi pa rin niya nakakalimutan 'yung hirit ko!
Hinikit ko si Zehel palapit sa counter at nagpatay-malisya. "Kuuuu!! Kumain na tayo! Gutom na talaga ako! Ikaw din, kain na. Anong gusto mo? Mais? Ang corny nung huling sinabi mo eh!"
Humagalpak ang tawa ni Zehel dahil dun. "Haha! Sorry. I don't know how to joke."
So. Nagjo-joke pala siya. Eh kung binabatukan ko kaya ang guwapong lalaking 'to, ano?
BINABASA MO ANG
Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)
HumorAVAILABLE FOR PRE-ORDER! DM WESAPH OFFICIAL ON FB FOR SLOTS! May nag-offer sa'kin ng kasal, tinanggap ko. Malay kong para sa kakambal ko pala ang alok na'yun! At ayaw niyang maniwala na hindi ako ang kakambal ko! Bra, anong gagawin ko? -GodZila