XXVII

10K 364 35
                                    

  Rau's PoV


Namumula na ang mukha ni Zehel sa pagkakatingin sa aming tatlo. Men, masakit na talaga ang tiyan ko.

"Now. Now. Anong kaguluhan ito?"

Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng tinig and there we saw three tall teenagers standing behind us.

"O! Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Rave sa nagsalita.

"Napadaan lang... kapatid ko."

Right. Kapatid ni Rave ang nagsalita. Bunsong kapatid in fact. Sixteen years old Clark Ian Devoncourt better known as 'Cid' or 'Thief X'- the leader of underground group 'Tripoli'. Cid is tall for his age, dominating in fact. And his sullen expression is precious. Malaki ang pagkakahawig niya kay Zehel pagdating sa "character" at "attitude"... not to mention "attitude problem". Siya ang lalaking di mo agad agad malalapitan dahil maiintimidate ka sa kanya. He bore the Devoncourt's famous 'devil stare'.

"Call me 'Kuya'..." sabi ni Rave sa kapatid niya.

"Ayoko." simpleng sabi ni Cid. Pasensya na kayo...gaya ng sinabi ko, may attitude talaga ang batang 'to.

Katabi niya ang dalawang kaedad niya na sa kaalaman ko eh mga Devoncourt kiddos din.

One was a fearsome-looking, androgenous-faced, ever-serious 'godly' boy I recognized as the great 'Nuclear Prince', Soram Florence Devoncourt Hansford or simply Soram. Tagapagmana ng Nox-Seraphim Ind., isang exclusive giant company na nagmamanufacture ng advance weaponry and technologies... at ng kinatatakutang NUCLEAR BOMB.

Men, that kid is a future killer of humanity. Ayon sa naririnig ko... cold-hearted daw ang batang 'to. Walang pakialam at walang pakiramdam. Well... base on his cold-manacing-gray eyes, I think... totoo ang tsismis.

Beside him standing, was another kid with smiling face and angelic eyes. Kung ngayon ko lang siya nakita, I would tell na napakabait ng binatilyong 'to dahil sa inosente at mala-anghel na mukha niya. But I know better. He's John River Chroix Devoncourt Bourne, a devil and a playboy. Kung gaano kahaba ang pangalan niya... ganundin kahaba ang listahan ng babae niya. Tsk! Tinalo pa ako ng batang to pagdating sa chicks.

"So... anong ginagawa ng mga pamangkin ni Zehel dito?" tanong ko sabay ngiti sa tatlo.

"We're here to play..." simpleng sagot ni Cid na hindi ngumiti.

Kumunot ang noo ni Rave. "Play? Play what?"

"Ejax," seryosong sagot ni Soram.

Oh! Ejax. Narito sila para sa Ejax. Ang Ejax ang bagong labas na product ng RedSphere. Isang advance game console na may special features para sa superb gaming experience.

"I hope you guys prepared twenty five million dollars..." sabi ni Zehel. "Hindi libre ang Ejax, mga bata."

"Pero uncle ka namin!" reklamo ni River.

"Right! And Ejax is not your Uncle," sagot ni Zehel. "Twenty five million dollars, nephews!"

Hahaha! Business is business. Yan si Zehel.

Nakasimangot na naglabas ng card ang tatlong lalaki. Platinum card. Wow. Erebor Account. Rich kids.

Ngumiti si Zehel sa mga pamangkin. "Great. Yan ang mga nephew ko! Galante! Fujima, pakihanda ang kailangan nila."

"If you're not my uncle... gagawin kong bomb testing site ng nuclear weapon namin itong napakataas at napakaganda mong RedSphere Tower. Thank god, we're related by blood or I'll send a missile with 18,000 tons of TNT on this building then it will be crushed into bits together with your cute Ejax," walang expression na sabi ni Soram.

Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon