LXX

8.4K 356 1
                                    


  Zila's PoV

Kumunot ang noo ng Ginang sa pakakatingin sa 'kin bago tumaas ang kilay dahil sa katangahang sinabi ko. At mukhang magsasalita siya may pumigil lang.

"Mistress Vanessa, its Danny!" sabi nang isang babaeng nakauniporme ng puti. Parang nurse ata. Ewan. Mukhang nurse eh.

Nabago ang expression ng mukha ng mommy ni Zehel at napatayo siya sa upuan. "What happened to my baby?!" Nag-aalala ata siya.

Baby? May baby na anak ni Mistress Vanessa?

"Hindi pa rin po siya kumakain at matamlay siya."

"Oh no," nagmamadaling umalis ang ginang kasama ang babaeng nurse. Naiwan ako sa komedor na nakatayo.

Anyare?

Baby? May kapatid pa si Zehel.

Nawalan na ako ng ganang kumain kaya hindi na ako bumalik sa pagkakaupo. Sumunod na lang ako palabas dun sa pintong nilabasan ng mommy ni Zehel.

Na-curious kasi ako. Kilala niyo ko, daig ko pa ang pusa sa pagka-curios ko.

Sinundan ko ang dalawang babae sa mahabang hallway hanggang pumasok sila sa isang silid. Sunod agad ako. Naririnig ko silang nag-uusap.

"Wala syang sakit sabi ng mga doctor," anang nurse yata. "At normal po lahat ng vitals niya."

"Pero bakit Ayaw niyang kumain? At bakit nanghihina siya?" tinig ng ginang.

Sumilip ako sa pintuan ng bukas na silid.

Nakita kong tila nursery room for baby nga yun. May mga toys, ABC's posters, at kung anuanong pambaby na abubot. May crib din sa gitna ng silid.

Nakatayo sa gilid ng crib si Mistress Vanessa kung saan naman nakahiga ang isang...

Orang Utan??!!

Si Baby Danny ay isang Orang Utan?!

"Pffft!!!" di ko mapigilang mapatawa.

Napalingon tuloy sa kin ang Mistress Vanessa. "What are you doing here?!"

Uh oh.

"Uhm I was just... Mmmmm lurking?" hindi siguradong sabi ko habang nakangiwi. Umalis ako sa pagkakatago sa may pintuan at tuluyan nang pumasok sa loob ng kuwarto.

Wow ako nang intruder.

The room was brightly lit kaya kitang kita ko ang orang utan na pabiling biling sa crib na tila di mapakali. "What happened though? He's Danny?"

Nakatitig sa 'kin ang Mommy ni Zehel na parang gusto niya akong paalisin pero di niya nagawa dahil umuungol ang hayop.

"Baby, what is wrong with you?"

Baby. Gusto kong tumawa nang malakas dahil di ko akalain na ang medyo mamaw na nanay ni Zehel eh may ganitong side, pero di ko ginawa. Bilang animal lover napukaw ang damdamin ko nang hayop.

Lumapit ako sa tabi ng crib at nakiusyoso.

"Anong nangyari sa kanya?"

"Ako po ang nagbabantay kay Danny," anang mukhang nurse na katabi ko.

Sosyal. May sariling bantay ang orangutan.

"Nung isang araw pa po namin napansin na matamlay siya at di kumakain."

Iniunat ko ang kamay ko para hawakan ang hayop na nakagulong sa crib pero tumigil ako at mabilis na tumingin kay Mistress Vanessa. She was looking at me with weird expression.

"Can I touch him?" sabi ko.

"You're not afraid?" ganting tanong ng ginang. Umiling ako. "Then you can."

Itinuloy ko ang paghawak kay Danny.

He was relatively a small orangutan compare to his peers in Africa. Pale din ang balat nito at halos mamula-mula naman ang balahibo.

Hinawakan ko ang leeg ng hayop. Ramdam kong pumiksi si Danny na parang nasaktan tapos gumulong ito sa ka bilang bahagi ng crib.

"What did you do?!" sigaw ni Mistress Vanessa sa 'kin.

"Nothing," sagot ko agad. "Hinawakan ko lang ang leeg niya. He flinched, he must be in pain!"

"Pinatingin na namin siya sa vet, wala naman daw problema sa kanya. They did all sort of examinations to my baby."

Kita kong malambot ang expression ng mukha ni Mistress Vanessa. Mukhang nagaalala siya sa hayop.

"Do you have a gloves?" tanong ko sa nurse ni Danny.

Tumango ang babae at pagkatapos ay may kumuha ito sa drawer. Mayamaya ay inabot niya sa 'kin ang rubber white gloves. Isinuot ko yun sa kamay ko.

"I need a flashlight," sabi ko pa. Inabot din sa kin ng babae ang isang maliit na penflashlight.

Sa sulok ay nakatingin lang si Mistress Vanessa, at iba rin ang paraan ng pagtitig niya sa 'kin.

Tinulungan ako ng nurse na itihaya ang orangutan sa higaan. Pansin ko na nakatitig din sa 'kin ang hayop. Ngumiti lang ako. Naalala ko yung mga orangutan na naging kalaro ko sa Johannesburg noon.

"Hello Danny, how are you?" sabi ko sabay pisil sa sikmura ng hayop. Walang reaksyon. Kung ganun, hindi sa sikmura o tiyan ang sakit niya.

Itinapat ko ang flashlight sa mata ni Danny, tapos tinapik ko ang pisngi nito. Biglang naging dilated ang pupil sa mata ng hayop. May reaksyon. May masakit.

Sinabi ko sa nurse na tulungan akong ibuka ang bibig ng hayop nang dahan-dahan. Mahirap pero nagawa naman namin. Inilawan ko ang lalamunan ng orangutan, normal naman ang nakita ko.

"Weird. Normal ang color ng lalamunan niya. Walang inflammation na nagaganap. Eh bakit nasaktan siya sa leeg niya kanina?" nasabi ko.

Mistress Vanessa walked beside me. "You think its something?"

"Well sigurado po ako na may sakit siyang nararamdaman. Normally sa mga orangutan mataas ang pain tolerance nila. But because Danny is a pampered pet, mahina siya sa maliit na sakit. He's affected by it deeply. Wait..."

Muli kong inilawan ang bunganga ng orangutan.

"Liza?!"

Si Zehel! Boses ni Zehel yun.

"What are you doi--"

"Tumahimik ka Zehel! May ginagawa ang asawa mo!" sigaw ni Mistress Vanessa. Nagulat man ako di ako nagpahalata.

Nagfocus ako sa hayop.

Sa lalamunan walang problema... Pero yung gum at wisdom tooth sa left side ay may build up ng cavities. Masakit 'to.

Hinawakan ko ulit ang leeg ng orangutan, at muli pumitlag ang hayop.

"That's it!" Lumingon ako kay Mistress Vanessa. "Yung nerve sa ilalim ng pisngi niya ay namamaga dahil sa bulok na ngipin!" sabi ko.

The woman looked at me blankly same as Zehel na nakatayo sa may pintuan.

"So you mean to say, may toothache siya?"

Nagkibit balikat ako. "First time din na narinig ko ganitong case. Well gaya ng sabi ko. Hindi iindahin ng normal na orangutan ang toothache. Pero si Danny ay pampered pet, di siya lumaki sa gubat so mahina siya sa sakit."

Inalis ko ang guwantes ko at lumapit kay Zehel.

"Dentists lang kailangan ni Baby Danny," I said to no one in particular.

Zehel just smiled at me. Mukhang gets niya nangyari.

"Are you some kind of vet? How did you know all that?" maang na tanong ni Mistress Vanessa sa 'kin habang kinakalong si Danny.

Ngumiti ako sa mommy ni Zehel. "Hindi po. Animal lover lang."

"Just like you Mom," segunda ni Zehel.

----  

Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon