Zila's Pov
"Mahal ko nga siya..." sabi ko pa. Seryosong nakatitig lang sa mukha ko ang dalawang lalaki. Sobrang seryoso, gusto kong sabihing 'Waah! Uto-uto!' pero di ko ginawa. Kasi... seryoso din ako.
"Pero hanggang doon na lang yun," humugot ako ng hininga bago nilagok ang tubig sa baso na inabot ni Fujima. Pagkainom ko, ipinatong ko ang baso sa lamesa at tipid na ngumiti sa dalawang lalaking nakamasid lang sa 'kin.
"But..." umpisa ni Rau. Hindi ko mailarawan ang expression niya. Somehow, he looked very dismay over something. "But... you can do anything. I mean..."
Umiling ako. "Nagkakamali ka, Mr. Freyman. Hindi ko hawak ang sitwasyon sa pagitan namin ni Zehel. Alam kong aware kayo sa kasunduan namin."
"Alam ko," tumatangong sabi ni Fujima. Of course, alam niya. Siya ang nagpapirma sa 'kin ng terms of agreement eh.
"Hindi ako," sagot ni Rau. "Kasunduan? So may kasunduan sa pagitan niyo?"
Tumango ako. "This is nothing but just a marriage of inconvenience. At least, on my part... it is."
Halatang nagulat si Rau sa narinig mula sa 'kin. What? Iniisip ba niyang mahal ako ni Zehel kaya ako pinakasalan ng lalaking yun? Da hell! That is so freakin' ridiculous!
"But you love him!" pilit ni Rau.
"So what? Gaya ng sinabi ko, walang halaga kay Zehel ang nararamdaman ko!" sabi ko. Bahagyang tumaas na ang boses ko dahil ang totoo, napa-frustrate na ako. Sa kung saang bagay, di ko alam. "Freak! I'm just a no one, okay?! I keep on bragging about being a Devoncourt, but it was nothing! My surname is empty! I'm still me! I'm just a lousy woman who have no one! No families, no friends, no anything! I don't even have my own name!"
Tama naman yun, di ba? Zila? Where is Zila? Wala si Zila!! Hindi siya makalabas dahil sa pesteng kasunduan na 'to!
"Know what? I think... mas okay pa nga kung itutuloy ng matandang hukluban na yun ang plano niya! Kunin niya si Zehel at ipakasal sa prinsesang anak niya. I think mas bagay sila! Me? I'm... I'm out of here!" deklara ko.
Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang emosyon ko ngayon. Feeling ko, naghahalo na si Zila at Liza sa loob ko. Sino nga ulit ako? Teka. Teka. Ipaalaala niyo nga sa 'kin kung sino ako! Para kasing nahihirapan na ako. O baka nahihirapan lang ako dahil maysakit ako?
Kung bakit naman kasi ang dalawang lalaking 'to, napaka-mausisa. Ayoko pa naman na pine-pressure ako.
"But Liza, Zehel wants your child!" ani Fujima.
"No. You're wrong. He just wanted my ovary, nothing more. Come to think of it... siguradong may ovary din yung Caroline na yun. Siya na lang ang magbigay ng anak kay Zehel. Mas gaganda pa ang lahi nila. Kung ako, magugulat lang si Zehel dahil baka itlog ng dinosaur ang lumabas sa 'kin imbes na sanggol!" simangot na sabi ko.
Sabay na ngumiwi sina Fujima at Rau sa sinabi ko.
"Pero Liza. Talaga bang---"
"Hep! Hep!" awat ko kay Rau. "Tama nang tanong. Kaya hindi ako sumasali sa Miss Universe kahit maraming nag-aalok sa 'kin na sumali eh, 'yan ang iniiwasan ko. Q and A portion, kaya tigilan niyo ako sa kakausisa niyo!" pinal na sabi ko.
"Weh? May nag-alok sa'yong sumali sa Miss Universe?" di makapaniwalang tanong ni Rau bago ako tinitigan mula ulo hanggang paa.
Hindi naman maipinta ang mukha ni Fujima. Lol. "With your height? Seriously?" sabi ni Fujima.
Umingos ako sa dalawa. "Huwag niyong maliitin ang binti ko... strechable yan!"
One moment, nakangiwi lang silang dalawa. Next moment... parehas na silang gumugulong kakatawa.
"WHAHAHAHAHAHAHHAHAHA!!"
"WHAHAHAHAHAHAHAHA!"
Hmmmm. Ako na naman yata ang may sala. Ako ba? Sorry na. Tsk! Wish ko lang nandito si husband at nakikitawa sa kanila. Mas gusto ko ata yun.Tahimik lang akong nagmasid habang patuloy na malakas na tumatawa ang dalawang lalaki sa harap ko. Hinayaan ko lang sila. Hindi ko alam kung nakakatawa yung sinabi ko dahil hindi naman ako nagpapatawa. In fact, frustrated pa nga ako ng lagay na yun.
Nahihilo na naman ako, mas mabuti pa siguro kung umuwi na lang ako. Wala naman pala akong aasahan sa lugar na 'to. Zehel is nowhere, he's off having lunch with the princess and the king. Tama, Zehel is a prince! Better match sila ni Lady Caroline, kumbaga sa fairytail. At ako naman ang dragon na alaga ng sorcerer, extra lang sa istorya. Tsk! Heto na naman ako, self-pity na naman.
BINABASA MO ANG
Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)
HumorAVAILABLE FOR PRE-ORDER! DM WESAPH OFFICIAL ON FB FOR SLOTS! May nag-offer sa'kin ng kasal, tinanggap ko. Malay kong para sa kakambal ko pala ang alok na'yun! At ayaw niyang maniwala na hindi ako ang kakambal ko! Bra, anong gagawin ko? -GodZila