LXVIII

9.1K 328 4
                                    


  Zila's PoV

Sa isang private helipad kami dumeretso ni Zehel. Some securities followed us with our luggages as we approached the place. Akala ko sa Sephiro kami dederetso ng asawa ko kaya nagulat ako nang sabihin ni Zehel na sa Verona daw kami pupunta. Napamulagat tuloy ako. Ayoko lang ipahalata kay Zehel na na-excite ako bigla baka kasi nakarating na si Liza dun at magiging offbeat ang reaksyon ko kung magugulat ako.

Pero why not, coconut?

I mean, hello Verona po yun! As in, pinakaadvance yatang siyudad sa Pilipinas. A city with its own estate and government. Oh my geezus, I'm so excited.

Its been a long dream of mine to go to Verona. Even our team, NatGeo wants to enter that city and have it featured in our magazine but no luck, hindi pumayag ang Chancellor na pasukin ng media ang lungsod.

Verona is a private city with walls surrounding it. Walls up to 100 meters high. Puro mayayaman daw tao dun at walang mahirap.

Verona is also the lair of Devoncourts. Doon nagmula ang buong angkan ni Husband. Para silang royalty ng Pilipinas, mga buwisit sa sobrang yaman.

(Otor na mukhang singit-- este sumisingit: To know more about Verona please read Fat Girl Diary Season 1 on wattpad, UN ko iamthelocke24. Wag niyo na ako i-follow, wala akong kwenta.)

Sumakay kami sa helicopter na maghahatid sa 'min sa Verona. Sabi ni Zehel saglit lang din daw ang magiging byahe. Somewhere around north Luzon lang naman ang siyudad. Yeah yeah of course I know. Obsessed sa Verona ang boss ko dati kaya nakapag-research na rin ako ng tungkol sa siyudad.

"Mom requested to see you again. I can't say no," mayamaya'y sabi ni Zehel habang nasa ere kami. Lumingon ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa 'kin.

"You mean, si Mistress Vanessa?" tanong ko.

Tumango si Zehel bago hinilot ang sentido niya. He must have been very tired from all the traveling. And this suspect of meeting his whole family again seems to give him more stress. Naalala kong hindi nga pala ganun kalapit ang loob niya sa parents niya.

"Will that be alright to you?" sabi ni Zehel. Ako pang inalala niya.

Tumango ako. "Makakatanggi ba ako eh Mommy mo yun? Kapag nag-request syang sakalin ko ang sarili ko gagawin ko, takot ko lang."

Bahagyang tumawa si Zehel bago ako pinitik sa ilong. "Baliw."

Ngumiti lang ako.

I have seen Mistress Vanessa during our wedding. She seems to be a woman of refinery, of perfection... of snobbery. Ni hindi ko natandaang kinausap niya ko nung wedding. Nakatingin lang siya sa 'kin at hindi ngumiti. Father lang ni Zehel ang bumati sa 'kin noon. Galit kaya siya sa 'kin? Ayaw niya na maging asawa ako ng anak niya? I mean, me as Liza?

Eh bakit gusto niya akong makita?

Tsk! Huwag naman sanang isa rin siyang dinosaur na lulunukin ako ng buo. Kundi mapipilitan akong magtransform sa pagiging Ultraman. Este, Ultrawoman pala.

"Aren't you afraid?" untag ni Zehel.

Nakita kong palingon lingon sa 'min yung pilot. Tsaka ko lang napansin na siya rin yung piloto noong pumunta kami ni Bunny Hubby sa Sephiro after ng kasal. Siguro tanda niyang galit si Zehel sa 'kin noon at nanibago siya sa biglang pag-iiba ng trato sa 'kin ng halimaw kong asawa.

"Afraid kanino? Sa nanay mo?" maang kong tanong.

Tumango si Zehel. Bakas sa mukha niya ang pagaalala.

Sumaltak ako tapos inikotan ko siya ng mata. "Sino ba ako husband? I'm the crazy woman who punched thugs and goons at San Diego---"

"Hindi sila thugs at goons. Ibabalik nila yung wallet mo, baliw ka!" awat ni Zehel na natatawa.

Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon