Zila's PoV
It's a bright sunny day. The sky was so clear with blue athmosphere and cottony clouds. Purrfect!!
A good omen, may I say. Tamang-tama sa Zoo date namin ni Husband. Yes naman, mga pipol. Sineryoso nga ng medyo engot kong asawa ang sinabi ko na pumunta kami sa Zoo dahil gusto kong makakita ng puting elepante.
For godsake!! May puti bang elepante? Utak ni Zehel minsan kinakalawang din talaga.
Pero dahil mas maraming kalawang 'yung sa 'kin, gusto ko talagang masiguro na hindi tsismis 'yung balitang may puting elepante nga dito sa Santa Clara Nature Reservoir and Zoo.
Santa Clara Zoo is located just a few miles away from Silicon Valley. Tanaw na tanaw ko nga sa entrance ng Zoo ang mataas na tower ng RedSphere.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nakarating ako dito sa Santa Clara Zoo. Three years ago, isinama ako ng Boss ko sa NatGeo dito mismo para i-cover ang tungkol sa isang uri ng amphibian na nakuha umano sa Australia.
It was a Green Gentile. Isang uri ng sea turtoise na nahahawig sa dinosaur ang balugbog at mukha. Tawa nga ng tawa noon ang Boss ko kaya ipinangalan niya sa 'kin ang pagong na'yun.
GodZila.
Doon talaga 'yun nagsimula. Ang sabi-sabi na dinosaur ako. XD
Hmmm. I wonder kung nandito pa si GodZila. Siguro wala na. Malamang naibalik na siya sa Australia. O siguro tinupad ng mga staff ng Zoo ang wish ko noon na dalhin na lang sa Great Barrier Reef ang pagong para doon magparami.
"So... saan tayo?"
Naputol ang pagmumuni-muni ko dahil sa pagsasalita ni Zehel sa tabi ko.
"O. Nandito ka na pala. Nai-park mo 'yung kotse? Nahirapan ka?" Tanong ko.
Masyado kasing crowded ang Zoo ngayon dahil maraming turista. Palibhasa kasi at linggo kaya maraming pamilya ang namamasyal. Punong puno ang parking lot.
"Yeah. Just over there. Medyo malayo," sagot ni Zehel na tumitingin tingin sa paligid.
"Sinabi ko na kasi sa'yo na mag-commute na lang tayo. Today's Sunday, most families were on date," sabi ko.
Tumingin si Zehel sa 'kin at ngumuso.
Cute.
"So? Pamilya din tayo! Let's go, hanapin na natin yang puting elepante na sinasabi mo!" piksi niya bago hinawakan ang kamay ko at pinagsalikop sa kamay niya. Tapos hinila na niya ako papasok sa mismong loob ng Zoo.
A warmth feeling slowly crept from the center of my inner core as I stared at Zehel's and mine's hand interlocked together. Simpleng gesture pero grabe ang epekto sa 'kin. Masarap sa pakiramdam pero at the same time, may masakit din. At 'yung sakit na 'yun alam kong nagmumula sa napipintong paghihiwalay namin ni Zehel.
Pero habang hindi pa, eenjoyin ko muna ang bawat sandali na kasama siya. Tulad ngayon.
Bahagya akong ngumiti bago dumikit kay Zehel. "Mukhang masaya sa lugar na 'to. Sana pala sinama natin si Mana at si Joyce."
"Psh!" ingos ni Zehel. "Ang wirdo mo. Kabarkada mo eh si Mana na matanda at si Joyce na ubod naman ng bata."
"Hah! Sumbong kita kay Mana... tinawag mo siyang matanda!!" banta ko kay Zehel.
Pero dedma lang naman si Mister kaya naningin na lang ako sa paligid.
Totoong medyo marami ngang tao ang namamasyal sa Santa Clara Zoo. Pami-pamilya na may kasamang mga batang takbuhan dito at doon.
BINABASA MO ANG
Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)
HumorAVAILABLE FOR PRE-ORDER! DM WESAPH OFFICIAL ON FB FOR SLOTS! May nag-offer sa'kin ng kasal, tinanggap ko. Malay kong para sa kakambal ko pala ang alok na'yun! At ayaw niyang maniwala na hindi ako ang kakambal ko! Bra, anong gagawin ko? -GodZila