LXXXI

9.1K 309 5
                                    


  Zila's PoV

Alam ko naman na engot ako, oo alam ko. Wala nang mas eengot pa sa 'kin. Babaeng hindi nag-almusal, tumakbo hanggang mahimatay sa gutom.

Pramis. Ni hindi ko nga na-realized na nagpassed-out na pala ako dahil sa gutom. Akala ko tumakbo lang ako sa jollibee at nag-order ng pagkain, yun pala nawala na talaga ako sa mundo.

Buti't nakita pa ni Zehel ang katawang-lupa ko. Kung hindi, mamamatay ako dahil sa katangahan ko.

"Eat, you prat!" sikmat ni Zehel sa 'kin na inabutan ako ng pagkain sa styro. Yun yung inihanda ng mga organiser ng event.

"Salamat," sabi ko sabay lapang doon sa pagkain.

Gutom na nga talaga ako. Walang pause ang pagsubo ko. Dere-deretso. Tipong bibitayin na mamaya. Kung hindi pa ako pinitik ni ZEHEL sa noo, di ako pepreno.

"Chew your food, stupid! Baka mabilaukan ka dyan!" tipong inis na sabi niya.

Zehel was just staring at me while I munch on my food with irritated face. Siguro badshot siya kasi binuhat niya ako mula Area 13 hanggang sa finish line para lang makakain.

Anyway, mukhang nawala na ang topak niya. Kinakausap na niya ako ulit eh. Good. Ayokong umalis na ganun ang trato niya sa 'kin. Malulungkot ako.

"Did you guys finished the race?" tanong ko kay Zehel patungkol kanina nung tumakbo sila sa finish line ni Caroline.

Tumango si Zehel.

"Thanks to myself. Pero hindi kayo manalo," sabi ko.

Umismid lang ang lalaki.

"Tsh! Kung ako ang partner mo eh di sana panalo ka!" buska ko sa kanya. "Bakit kasi si Caroline pa inalok mo?"

"Wala akong choice! Isa pa, naiinis ako nung makita sashiopaoshi kausap si Sagara at washuwashi adsghkfgshkll nagseselos awdmmmmougashikarabombom..."

Pahina nang pahina yung boses ni Zehel kaya hindi ko na siya naintindihan.

"Ano?!" tanong ko.

Kumunot lang ang noo ni Zehel. "Wala!"

"Daya naman nito! Ano nga yun?!" pilit ko.

Zehel just scoffed. "Mas maganda sayo si Caroline! That's it!"

Tumaas-bumaba ang kilay ko dahil sa narinig pero hindi ako nag-comment.

Itinuon ko ang pansin ko sa pagkain at hindi nilingon si Zehel kahit ang totoo eh gusto ko siyang sabunutan at sampalin siya kaliwa't kanan.

Alam kong hindi ako ganun kaganda kompara kay Caroline pero kailangan bang ipamukha? Sipain ko siya eh!

Nakatingin sa 'kin si Zehel pero hindi ko talaga siya kinibo.

"What?" aniya nang mapansing hindi ako nagsalita.

Dedma.

"Hey! Talk!"

Ayoko nga.

"Liza!"

Nagpaka-busy ako sa pagkain. Kunyari interesado ako dun sa ilang pirasong karne at yun lang ang tinitigan ko. No pansin kay Zehel.

"Liza Marie Madrid Devoncourt! I'm talking to you! Look at me!"

Waleeey. Hindi kita papansinin. Talk to air, Zendrel Lebano Viechek Devoncourt!

Wait... bakit alam ko ang buong pangalan ni Zehel? Lol. Saan ko nga ba nakita ang... ah. Sa marriage certificate, nung pumirma ako. Naalala kong naamaze ako sa haba ng heritage name ni Zehel.

Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon