LVIII

9.6K 339 37
                                    


  Zila's PoV

"Hoy Zehel! Hintay!" sigaw ko sa nakatalikod nang pigura ng asawa ko. "Saan ka pupunta?!"

Hindi sumagot ang lalaki. Napakamot na lang lalo ako.

"UY!! HINTAYIN MO NAMAN AKO!! ZEHEL-TOT!!"

Dedma.

Hayyss.

No choice ako kundi ang habulin siya. "ZEHEL!! ANO BA KASING KINAGAGALIT MO NA NAMAN?! KAHIT KELAN TALAGA ANG----"

*boogsh!*

Tumalsik ako bigla nang may sumalpok sa 'king isang tumatakbong pigura mula sa ibang direksyon.

Napaupo ako sa aspaltadong daan dahil sa lakas ng impact.

"Pakshet na buhay 'to, oo! Bakit ba ako lagi ang nage-eggroll sa kuwentong 'to?!"

"Oh my God! Sorry Ma'am!" sabi ng pigura na dahilan ng pagtalsik ko.

Nang tumingala ako, nakita kong nakatayo sa harap ko ang isang teenage boy na halatang hinihingal. Despite the fact that the boy looked very tense, I can see that he's quiet a looker. Meaning, he's another handsome boy on the loose.

Pero kahit guwapo siya, sinamaan ko siya ng tingin. 'Yung mala-T-Rex.

"DO YOU EVER HAVE EYES?! OR YOU JUST USE THEM AS A DISPLAY TO YOUR IGNORANCE!!?" sigaw ko.

Pisti! Galit ako!

Halatang nagulat ang lalaki sa pagsigaw ko pero distracted siya dahil madalas na paglingon nito sa likuran.

"Ah. I'm really really sorry, Ma'am. I'm in a hurry and---"

"LIZA!! WHAT THE HELL HAPPENED TO YOU?!" dumagundong ang boses ni Zehel sa buong paligid. At sabay kaming napatingin ng binatilyo sa asawa ko.

Nagmamadaling lumapit si Zehel sa 'min. At mas kunot ang noo niya ngayon kesa kanina.

"This boy! He bumped on me!" agad kong sumbong kay Zehel habang bumabangon sa aspaltadong daan.

Humawak si Zehel sa braso ko at galit na binalingan ang binata na natuod yata sa pwesto niya.

Hala kang bata ka! Lalamunin ka ni Monster!

"DO YOU EVER HAVE EYES OR YOU JUST USE THEM AS A DISPLAY TO YOUR--- RIVER?!"

Huh? River! Anong river? Ilog?

Natigilan kasi si Zehel sa pagsigaw at maang na napatingin lang sa lalaki. "River!!"

Ilog? May ilog ba dito?

Luminga-linga ako sa paligid. Naghahallucinate yata ang asawa ko. Nakakakita ng ilog.

"Uncle!" gulat na sabi ng binata.

"What are you doing here, River?!" sabi ni husband na biglang dinagukan sa likod ang binata.

Napamulagat ako. River? Pangalan pala iyung River? Akala ko lugar. Turned out, pangalan pala ng lalaking bumangga sa 'kin ang River na 'yun.

At wait... tinawag niyang 'Uncle' si Zehel?

"What? Uncle?" singit ko. Naguguluhan na talaga ako.

"Yes honey. This young man here is my nephew. He's my cousin Anne Devoncourt's son. And I'm wondering what on Earth is this bee doing in here," sagot ni Zehel.

Napatingin ako sa lalaking pamangkin ni Zehel na ngayon ay tila distracted pa rin sa kung anong bagay. Truly, medyo halata nga sa lalaki na Devoncourt nga ito. He inherited the clan's most prominent chocolate eyes and dark stare. The boy just look like a little bit debonair.

Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon