LXXVI

8.9K 305 5
                                    


  Zila's PoV

The sound of the alarm blustered my ears, nagising ako bigla.

Pupungas-pungas akong bumangon bago inabot yung cellphone sa tabi ng lampshade at pinatay ang alarm.

Five o'clock in the morning. Ang aga pa. Gusto ko pa matulog. Huhu!

Akto akong hihiga nang matamaan ng kamay ko ang isang pigura sa tabi ko. When I open my eyes to look, muntik na akong mapasigaw ng monster.

Si Zehel! Nakahiga siya sa tabi ko. At mukhang mahimbing ang tulog niya. Ni hindi man lang natinag nung alarm nung cellphone ko.

Hala! Teka! Bakit siya nasa ko natutulog?

Nagkamot ako ng ulo at mabilis na inalala ang nangyari kagabi.

Aah. Oo nga.

Sabay kaming kumain ng hapunan kagabi. Tapos tinulungan niya ako magligpit ng pinagkainan. Oo tama. Ang mahal na hari eh naghugas ng plato.

Katuwiran niya ako nagluto so siya ang maghuhugas. Niloko ko pa siya na baka mapasma ang kamay pero hindi niya ako naintindihan. Hindi pala alam ni Zehel yung term na 'pasma'.

Hinayaan ko na lang siyang maghugas.Tinamad ako magpaliwanag eh.

Pagkatapos niya maghugas, naglaro kami ng chess. Huwag niyo na itanong kung sino nanalo... pero sige sasabihin ko rin. Siyempre si Zehel!

Genius siya dun eh. Siya yung hari sa larong chess. Samantalang ako yung pawn. Twenty times niya ata ako natalo. Sa huli, niyaya ko siya sa larong dama para sana makabawi ako, kaso di niya alam kung ano yung dama. Kaya ayun, di ako nakabawi, talunan talaga ako.

After naming maglaro, nagkuwentuhan lang kami.

Kinuwento ni Zehel yung buhay niya nung solo-flight siya during college time. Nag-aaral siya sa Harvard bilang first year tapos nagtatrabaho din siya sa Starbucks. Tawa nga ako nang tawa kasi di ko maimagine na barista siya sa Starbucks eh.

Turn out, hindi lang isa kundi lima ang part-time job niya noon. Muntik ko na tuloy siyang kaawaan.

"I got part-time job not because I don't have money. I decided to work to gained experience," ani Zehel kagabi. "Yung experience kasi, yun yung hindi kayang bilhin ng pera. Through experience we gained knowledge. And knowledge is the most important weapon of all. So I can succeed."

O di ba? Ang astig ni Zehel?

Hangang-hanga ako sa kanya kagabi nung nagkukuwento siya kung paano nagsimula ang RedSphere.

"I transfered from Harvard to Stanford during my junior years. I want to study advance computer and robotics. Yung mga unang taon ko dun, nasimulan ko ang Red Sphere. May tumulong sa akin para simulan ang kompanya. Isang pilantropo na nagkakapital sa mga tulad kong may pangarap," kuwento ng asawa ko.

"Sumugal siya?" Tanda kong tanong.

"He trusted me. Nakita niya yung proposals ko, I guessed he was impressed!"

Yabang di ba?

"O tapos?"

"Sinimulan ko ang RedSphere. At first as a foundation, with only twenty five staff including workers. Kalaunan, lumago. Technology innovator ang RedSphere so in demand sa panahon na yun, tinangkilik ng ibang company so we boomed. Eventually, nabili ko yung isang place sa Silicon Valley at yun ang nakita mong RedSphere sa California."

Dun sa buong panahon na nagkukuwento si Zehel, napatunayan ko kung gaano siya kasipag at katiyaga na tao. Very diligent. Kapag may nasimulan, tatapusin niya yun. He's also selfless... and very kind.

Si Joyce? Yung dalagita na kasambahay sa Mansion sa Aiden? Biktima pala yun ng human trafficking. Tinulungan lang ni Zehel na makuha sa mga sindikato.

"Dinala yan sa Mexico City si Joyce. Pinangakuan ng trabaho sa Singapore pero sa Acapulco siya ibinagsak. Turned out, sindikato nga yung nasamahan niya."

Awang-awa ako kay Joyce dahil sa kwento ni Zehel.

"Buti nakuha mo ang batang yun."

Tumango si Zehel. "Yeah. Hindi ko maimagine kung anong pwedeng nangyari sa kanya kung hindi ko siya nailigtas. She could have been killed."

Totoo. Buti talaga mabait si husband kahit na halimaw ang pagkakakilala ko sa kanya.

Ang sabi pa ni Zehel, binigyan na lang niya ng trabaho si Joyce kasi daw ayaw pang umuwi dito sa Pilipinas.

Buong gabi yata kaming nagkuwetuhan ni Zehel, to the point na kahit pumunta na siya sa kuwarto niya eh nakasunod pa rin ako dahil sa pakikinig sa talambuhay niya.

At nung humiga siya sa kama niya eh humiga ako sa tabi niya para makinig.

Hanggang makatulog ako.

Aaah. Kaya kami magkatabi sa kama. Kasi gawa dun!

Jusme, Zila! Feeling mo naman ginapang ka nung tao. Eh ikaw pa nga ang intruder sa kuwarto niya eh.

Iginala ko ang tingin ko sa paligid. Oo nga. Nasa kuwarto nga ako ni Zehel. Tsk!

Lumingon ako kay Zehel. Tulog na tulog pa rin siya.

Nakasanday pa ang isang paa niya sa unan habang natatakluban ang kalahati ng mukha niya ng buhok.

Napangiti ako nang walang dahilan.

Niyugyog ko na lang si Zehel. "Oi!" untag ko.

Umungol sa umpisa si Zehel.

"Oi Zehel! May meeting kang maaga ngayon!"

Hinawakan ko ang balikat niya at ginalaw yun. "Husband, gising na."

Nagmulat nang isang mata si Zehel. Nung makita niya ako, pumikit ulit siya.

"Bruha," narinig kong bulong niya.

"Huwag mong laitin ang buhok ko sa umaga, bakulaw ka. Bumangon ka na dyan!" singhal ko.

Hindi natinag si Zehel. Deretso lang siya sa pagtulog.

Sumaltak na lang ako bago bumangon pababa sa kama.

"Bahala ka nga dyan," bulong ko. Hinayaan ko na lang matulog si Zehel. Tutal 7 a.m. pa naman ang call time niya. I could wake him up at six o'clock.

Naghilamos ako at nagtoothbrush tapos ay naghanda ng almusal ng mahal na hari.

Bilang na ang araw na pagsisilbihan ko si Zehel kaya sinasamantala ko na. I cooked fried rice, tapos yung tinapa na galing pang Maynila tsaka nilabas yung fruit salad na ginawa ko kagabi.

Not a grand breakfast. Hindi naman siguro magrereklamo si Zehel.

By six o'clock, binalikan ko ang lalaki sa kuwarto niya. Tulog pa si Zehel kaya no choice ako kundi gisingin siya nang bongga.

"ZEHEL!! ANDYAN NA SUNDO MOOOO! BANGON NA!!" sigaw ko.

Epektib naman. Bangon agad si Zehel. "What time is it?"

"Six na po, Kamahalan!"

Umungol nang reklamo si Zehel at matapos niyang kumunot ng noo. Tumayo siya at dumeretso sa banyo.  

  Habang naghahanda si Zehel sa pagpasok, hinanda ko yung pagkain niya. Nilagay ko sa sealed Tupperware. Sa daan na daw siya mag-aalmusal. Kasi sa Sta. Rita pala yung meeting nila at hindi dito sa Verona kaya medyo namamadali ang loko.

Patulog-tulog pa kasi. Lol.

"Liza?" tawag ni Zehel mula sa kuwarto.

Hindi pa sana ako sasagot kaya lang naalala kong ako nga pala si 'Liza'. Nkalimutan ko lang.

"Yes?"

"I'm going to Manila this afternoon so I might be late going home."

Ganun?

"Alright. Ingat ka dun," sagot ko. "Wag mo akong mami-miss, okay?"

Narinig kong tumawa lang si Zehel.

After a time, lumabas na rin siya sa kuwarto. In all suit and tie and messy black hair.

Wafu! Hayup!

"I'm going wife," aniyang nakangiti.

"Okie! Don't worry, behave lang ako dito. Kakausapin ko na lang yung mga halaman para di ako mainip. He he!"

Tumawa ulit si Zehel. "Huwag mong gawin yun please, baka may makakita sayo. Pwede kang mamasyal sa town proper! Binibigyan kita ng permission! Yun na lang gawin mo!"

Tumango na lang ako bilang tugon. Dumating na kasi yung sundo ni Zehel. He bade goodbye and I waved as he go.

Iniisip ko kung magpapaalam ba ako kay Zehel na babalik sa dati kong buhay, gaya kaya nito? Nakangiti habang kumakaway?

Nah. That's impossible.

Baka ibala ako ni Zehel sa kanyon kapag sinabi ko ang totoo.

Tsk!

Nang makaalis si Zehel nagligpit ako ng kusina. Tapos ay naglinis sa garden. Wala naman kasing masyadong gagawin. Liit ng bahay ni Zehel eh.

Nagplano akong pumunta sa District 2 ng Verona pagkalinis kaya naligo ako. Pero nung nagbibihis na ako biglang nag-ring yung phone ko.

Nagulat ako dahil si JM ang rumehistro doon. Sinagot ko agad ang tawag.

"Hello JM?"

"Zila!" tila gulat na tinig ni JM.

"Yeah? Anong problema?"

"Zila, si Liza!"

Kumabog agad ang dibdib ko.

Narinig ko ang tila malalim na paghinga ni JM sa kabilang linya. Lalo akong kinabahan. "Anong nangyari?"

"Zila! Alam na ni Liza..."

"Huh?"

"Alam na ni Liza na ikaw ang pinakasalan ni Zehel gamit ang pangalan niya!"

Parang biglang naging black and white ang paligid ko dahil sa narinig. Si Liza...

"Nabasa niya sa society page ng isang magazine nung pumunta kami sa Laoag kahapon."

"A-anong sabi niya? How did she take it?"

"She's mad! Very angry, Zila! Pinaliwanagan ko siya pero sarado ang isip niya."

"Oh my god!" napahawak ako sa bibig ko. Pinigilan kong umiyak, natatakot ako. For the first time in my life. Naramdaman kong natakot ako.

"She thought you betrayed her!"

"I could never betray her!"

"Hindi niya alam ang tunay na sitwasyon, Zila! Umalis siya, pumunta sa Maynila. Sinusundan ko siya ngayon I think doon siya sa Mansion niyo sa Las Piñas!"

"Pupuntahan ko siya!" sagot ko.

"Sige! Doon na rin ako papunta," tugon ni JM.

Nang mawala sa linya si JM ay agad akong nagkumahog pagkuha sa gamit ko tapos ay tumakbo ako papuntang garahe at inilabas ang sasakyan ni Zehel.

Kailangan kong bumalik sa Maynila. Jusko! Kailangan kong kausapin si Liza bago siya gumawa ng hakbang na pagsisisihan namin parehas.

----

Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon