XXII

9.5K 322 1
                                    


  Zila's PoV

The heck! Umalis na nga si husband Zehel at iniwan ako. Pumasok na siya sa RedSphere, sinundo ng ever-mysterious niyang Executive Alalay niang si Fujima.

Ako naman... ano pa eh di nganga lang dito sa bahay niya. Hindi ko tuloy alam ang gagawin. Gusto kong maglangoy sa dagat, pero malamig naman ang hangin at isa pa, singtaas ng building ng RedSphere ang alon. Baka anudin ako sa Pacific Ocean sa laki nun.

Inaya ko na lang maglaro ng volleyball ang MIB Boys sa tabi ng dagat. Beach volleyball style, si Mana ang ka-team ko at ang isa pang katulong. Yung mabait na medyo bata pa, si Joyce.

Kaso lugi kami, dahil bukod sa matanda na si Mana, hikain pa pala si Joyce. Di na ako nagtaka nang tambakan lang kami ng MIB Boys. Nang bumalit ang isa sa mga lalaki, tinamaan ako sa mukha at gulong ako sa buhanginan.

"Waaah! Sumbong kita kay Zehel!" sigaw ko dun sa lalaki na agad namutla.

"I... I'm sorry, Maam! It's just that... Ahhmm..." tarantang sabi ng MIB Boy.

Tumayo ako sa buhangin at nagpagpag ng braso. May gasgas ako sa siko pero binalewala ko lang. "Kidding!" sabi ko. "Fight on!"

Sa bandang huli... talo din kami. Suko si Mana eh, matanda na daw siya. Daya. Ganado pa naman ako.

Pagkatapos ng laro, pumasok na rin kami sa Mansion at dahil wala na naman akong magawa... gumala na lang ako paligid.

Natuklasan ko na sobrang laki nga talaga ng Mansion na ipinatayo ni Zehel. It was so grand, puwede mo na siyang ihalintulad sa Buckingham Palace, though mas homey ang ambiance dito kesa dun sa Buckingham. Yeah, nakapasok na ako sa Buckingham Palace... at nakakatakot ang lugar na yun. Maraming rules eh, maraming bawal. Kulang na lang eh yung sign na... "Breathing, extremely prohibited!"

Umakyat ako sa third floor ng Mansion at namangha ako dahil meron dung Recreation Room, Leisure Room, Mini-Bar, Library, Gym, Gaming Room at kung anu-ano pang room.

Sa sobrang dami, di ko na alam kung para saan ang iba.

Pero sa mga yun... may isang room ang nakatawag ng pansin ko... ang Room na nasa pinakadulo ng hallway. Hindi ko alam pero nang makita ko yun, iba na agad ang naramdaman ko. Parang may kung ano dun na humihila sa 'kin papasok. Kaya wag niyo akong sisihin, kung nagawa kong humakbang papalit dun sa pinto at pihitin ang seradura nun.

Kaso... nakalock ang pinto. At.. wala akong susi.

Dali-dali kong hinanap si Joyce. Nakita ko siya sa Laundry Area, tinanong ko agad sa kanya ang susi nung Room na nakita ko.

"R-Room po sa third floor? Yung sa dulo ng hallway?" gulat na tanong niya.

"Oo, yun nga."

Nakita kong natigilan ang babae at nag-alumpihit. "Eh kasi Maam... ano..."

Napamaang ako. Parang biglang nagka-Parkinson disease si Joyce, nagpuputol putol ang salita niya. "Bakit? Anong meron sa room na yun?"

"Ah kasi Maam... nandun yung... yung... ano..."

Kumabog ang dibdib ko.

"Ano? Anong nandun? Aaah! Siguro nandun yung.... yung nakatagong..."

Nanlaki ang mata ni Joyce sa pagkakatingin sa 'kin at lalo akong kinabahan at kinutuban.

"Nakatago siguro sa kuwartong yun... ang... ang..." *lunok laway* ".... MANIKA NI ANABELLE?!!!" takot kong sabi. "Waaaaah!"

Napakamot bigla si Joyce. "Hindi Maam Liza! Ano po bang sinasabi niyo?"

"Eh? Eh ano ba kasing nandun? Sabihin mo na!" Pabitin pa eh.

"Yun ang dating silid ni Mam Lesana at nandun lahat ng mga gamit niya..." sabi ng isang tinig na bagong dating.

When I turned to look, I found Mana standing while smiling sadly. "Kay Lesana po?" tanong ko ulit.

Tumango ang matanda. "Oo, ayaw ni Sir Zehel na may papasok dun kaya hindi namin yun binubuksan. Ni malinis nga ay hindi namin magawa. Tsk! Ayaw ni Sir... magagalit siya."

Napaisip ako.

Ganun? Hmmmm. So, kaya pala nakalock ang pinto nun. Bawal pa lang pasukin... pero gusto kong pumasok dun. Nacu-curious talaga ako. Hindi ko alam pero malakas talaga ang panghatak ng room na yun sa 'kin. Hindi kaya... si Lesana yun... yung tumatawag sa 'kin dun?

Yay! Nangilabot ako bigla sa naisip ko.

Tumingin ako sa matanda at nagpasya. "Pwede ko po bang mahiram ang susi sa kuwartong yun?" sabi ko.

Napanganga ang matanda. "Ineng, di mo ba narinig ang sinabi ko?"

"Narinig po."

"O. Eh bakit para yatang nabitin sa hangin yung sinabi kong magagalit si Sir Zehel pag may pumasok dun?"

Nagkamot ako sa ulo. "Alam ko po yun, narinig ko yun ng malinaw at na-process naman ng utak ko. Pero Mana... ako ang bahala kung magalit si Zehel. Basta pahiramin niyo ako ng susi ng kuwartong yun. Please!" pagmamakaawa ko.

Kumunot ang noo ni Mana. "Hindi ka ba natatakot sa asawa mo?"

"Natatakot din po. Pero hindi ako mapipigilan ng takot ko." simpleng sagot ko.

Napabuntunghininga na lang si Mana sabay iling. "Bahala ka. Basta wag mong kalimutan yung babala ko."

Ngumiti ako at tumanco nang iabot sa 'kin ng matanda ang susi. Hehehehe.

Kumakandirit na tumakbo ako pabalik sa third floor. Lesana... wait for me.

(Tigas ng ulo ni Zila. Hehehe. Yari ka talaga!)
--  

Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon