L

9.7K 341 11
                                    


  Zila's PoV

Zehel pushed Caroline away, but the girl won't budge. Nakapulupot pa rin siya sa asawa ko.

"Eherrmmm!" hindi ko mapigilang tikhim. Sinusubukan ako ng phyton eh. Si Caroline ang bagong version ng Anaconda. Hindi halatang sawa.

"Eherrrmmm!!" Mas malakas na tikhim ko. 'Yung tipong lalabas ang lalamunan ko sa tindi ng pwersa.

Effective naman. Lumingon si Caroline sa 'kin.

Nginitian ko agad siya... ng plastic. Sabay kaway. "Hello!" bati ko.

Dahil nasa'kin ang atensyon ni Caroline, nagawang itulak ni Zehel ang babae palayo sa katawan niya. Very good. Venomous ang Caroline na 'yan, baka matepok ang mister ko.

Halatang nagulat ang babaeng phyton sa pagtulak ni Zehel sa kanya. Nakaawang ang labi niya, pero kahit ganun... ang ganda-ganda pa rin niya.

Saklap!

Pero siyempre kunwari di ako affected na maganda siya. Half-insecure lang ako. Hehe.

"Er. I know you!" turo ni Caroline sa 'kin na muling kumapit sa braso ni Zehel. "You're that Maintenance Girl from RedSphere, right? The one who caused trouble! I thought you're resigned already?"

Ngumiti ako ng mas plastic. Maximize 200%.

"Yeah. That's me! That Maintenance Girl. It's true, I'm resigned... but I got a new position now. In fact, I'm promoted," lumingon ako kay Zehel na hindi nakakapagtakang nakataas ang isang kilay. "Right, Sir?"

Kumunot ang napakakinis na noo ni Caroline. "Promoted? On what position? Wait... could you possibly be Zehel's new..."

Ngumiti ako.

"Executive Assisstant?"

Dang. -______-

"No. I'm no Fujima nor Rau. I'm not his E.A. My position is much higher than that..."

Gusto kong bumunghalit ng tawa ng makita kong umikot ang mata ni Zehel. He was so cute doing that.

"Higher?" tanong ni Caroline na tila naguguluhan.

Tumango ako bago kinuha ang braso ni Zehel na hawak ng babae. "As you can see... this man beside you and me... is my HUSBAND!"

Nanlaki ang mata ni Caroline at mas umawang ang labi niya. Uh oh. The barbie looked very shock.

"H-husband?"

Tumango ako at pinakita ang pesteng wedding ring na dumikit na yata sa daliri ko.

"This is our contract. Diamond ring. Signed by Zehel and me, witnessed by our relatives, approved by the Priest and blessed by God," sabi ko.

Yaaaah. Taray o. Nganga ang sawa sa banat ng dinosaur. Rawr! Hahaha!

Naramdaman ko ang pag-akbay ni Zehel sa 'kin kaya lumingon ako sa lalaki. Zehel looked like he was about to laugh. Aba! Natutuwa pa yata ang gago sa speech ko. Pero lumingon lang siya kay Caroline.

"Yes, that's right," ani Zehel habang pasimple akong sinasakal sa leeg. "This stupid woman here... is my wife."

Langya! Sinabi nga niyang wife niya ako pero nilagyan naman niya ng label na 'stupid'! Eh kung sinisipa ko kaya ang guwapong lalaking 'to?!

Tumingin ulit ako kay Caroline at pinigilan kong tumawa dahil sa expression ng mukha niya. Para siyang nilunok ng... dinosaur! Bwahahahaha!

Nanlalaki ang mata niya habang nakaturo sa 'kin.

Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon