Zila's PoV
May apat na araw na rin ang nararanasang pag-ulan sa buong West Coast ng America. Hindi ko alam kung may bagyo ba dahil tinatamad akong manood ng balita.
It had been a gloomy week for me. Matamlay ang pakiramdam ko.
Kasabay ng pagtamlay ng kalangitan ay ganoon din ang nararamdaman ko.
Zehel's been out for a week. Kailangan niyang pumunta sa Shanghai, China para sa week-long conference niya sa ilang business tycoon sa buong Asia.
Ni hindi man lang kami nagkausap nung umalis siya. Paggising ko, hinanap ko si Zehel pero sinabi ni Mana na wala na raw ang lalaki, maagang umalis kasama sina Rau at Fujima.
Kainis! Di man lang ako ginising para magpaalam. Tsk! Sabagay, sino ba naman ako? I'm just his wife! Sa papel!
Pero miss ko pa rin siya. T^T
Isang linggo ko na siyang di nakikita. At ayoko nang magtaka na nalulungkot ako. Kasama ang mga bagay na 'to sa mga pagbabagong nararamdaman ng puso ko.
I admitted that I love him, it's normal feeling to miss him, isn't it? Oo, namimiss ko ang malaking tengang lalaki na 'yun. Masama ba 'yun?
Oo, alam ko rin. Kailangan ko nang sanayin ang sarili ko na di siya makita. Dahil babalik na ako sa dating ako. Masyado nang komplikado ang sitwasyon ko.
JM found Liza and he's persisting her to tell the truth. Ayon sa isa pang mensahe ni JM, hindi raw nagkukuwento si Liza ng kahit ano tungkol sa pagkamatay ni Lesana. Tikom daw ang bibig dito. Kaya hindi rin magawang sabihin ni JM kay Liza ang tungkol sa 'kin at ang pagpapakasal ko kay Zehel. Walang kaide-ideya ang kakambal ko na nagpapanggap ako bilang siya.
Then there was that blue-eyed poncho Sagara! Malakas ang pakiramdam ko na iba-blackmail niya ako. Hindi pa lang sa ngayon pero alam ko malapit na. And when that happens, dapat wala na talaga ako sa poder ni Zehel.
I really have no choice but to go back to my true and free-spirited self.
One week. At one week na rin akong walang ginagawa kundi ang maglakad sa tabing-dagat habang nagmumuni-muni. Gusto ko na ngang tumambling sa buhanginan dahil sa sobrang inip eh. Maiba lang ba.
Napabuntunghininga na lang ako habang tumatanaw sa malawak na karagatan.
Nakita kong nagsisimula nang malusaw ang dilim ng mga ulap at pumapalit ang liwanag mula sa araw. Hmmm. Mukhang gaganda yata ang panahon ngayon.
Mula sa garden na kinatatayuan ko ay naglakad ako papasok sa loob ng Mansion. It's seven o'clock already, and I haven't even taking my breakfast.
"Mana! Yohooo! Where are you?!" sigaw ko sa buong kabahayan dahil wala na namang katao-tao sa bulwagan.
"Manaaa!"
"Huwag kang sumigaw... may kinuha lang ako sa taas," bungad ni Mana na bumababa sa hagdanan.
"Sorry na, gutom na po ako eh..." sabi ko.
"O eh bakit di ka kumain? May hain na sa mesa."
"Gusto ko may kasabay. Pangit kumain nang mag-isa," sagot ko.
Nakangiting lumapit sa 'kin si Mana at nanunukso ang mga mata niya. "Eh saan ka ba galing na bata ka? Madaling araw pa lang eh wala ka na sa kuwarto mo."
Ngumuso ako. "Naglakad lang po dyan sa labas. Naiinip ako eh."
"Naiinip? O eh di ba sanay ka namang mag-isa?"
Psh! Noon 'yun. Noong panahong isa pa akong dinosaur-on-the-loose.
"May namimiss ka 'no?" ani Mana na panay ang ngiti at kislap ng mata. "Si Zehel ba?"
BINABASA MO ANG
Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)
HumorAVAILABLE FOR PRE-ORDER! DM WESAPH OFFICIAL ON FB FOR SLOTS! May nag-offer sa'kin ng kasal, tinanggap ko. Malay kong para sa kakambal ko pala ang alok na'yun! At ayaw niyang maniwala na hindi ako ang kakambal ko! Bra, anong gagawin ko? -GodZila