XLV

9.9K 385 32
                                    


  Zila's PoV

Zehel... my unknown husband. Ano kayang nangyari kung hindi mo suot ang maskara na 'yan? What would have happened if... wait...

"Lesana..." wala sa loob na sabi ko dahilan para titigan ako ni Mana.

Nakipagtitigan ako sa matanda. Gusto kong patunayan sa kanya na hindi ako guilty sa pagkamatay ni Lesana. Dahil wala naman akong kinalaman dun.

Matapos ang ilang minutong sukatan ng tingin... ngumiti si Mana at nagpahid ng luha sa pisngi. "Wala ka talagang kinalaman sa pagkamatay niya kung ganun. Ang isang kriminal ay hindi makakatakas sa titig na nanunuri."

Tumango-tango ako. "Sabi ko sa inyo, not guilty ako."

Mahinang tumawa si Mana. "You can't blamed me for hating you before. Si Mam Lesana kasi... ang isa sa mga nagpaunawa kay Zehel na sobra-sobra na ang ginagawa niyang trabaho. She helped him accept his self for who he is. Isa rin si Mam Lesana sa mga taong bumasag sa pader na itinayo ni Zehel sa palibot niya. She helped him be human again. She helped him smile and see the world outside his empire. And most of all... she loved him."

Naumid ako bigla at hindi ko alam ang irereact ko kaya nanatili lang akong nakatingin kay Mana.

"You knew that, of course. Isa ka sa mga taong selos kay Mam Lesana."

What the! Di po ako 'yun. Yung baliw ko pong kakambal 'yun.

Mana looked at the vast ocean again and sighed. "But then she died..."

At ako raw ang suspect.

"And Zehel returned to his old self- cold-hearted, workaholic, unsmiling..."

Nalungkot ako bigla at bumigat ang dibdib ko. Kahit wala akong kinalaman sa nangyari kay Lesana, bumalik ang guilt na naramdaman ko noon dahil sa kakambal ko.

Parang gusto ko tuloy kontakin si JM para malaman na agad ang katotohanan kay Liza. Hindi ako matatahimik dahil na rin sa nalaman kong pinagdaanan ni Zehel. Hindi lang basta si Lesana ang biktima rito kundi maging si Zehel.

Nang bumalik ako sa silid ko, yun ang iniisip ko. Si Zehel, si Lesana, si Liza at ang mga bagay na natuklasan ko kay Mana. On one side, gusto kong malungkot para kay Lesana. Kasi nawala siya ng wala sa panahon. She could have had a better future with Zehel. But on other side... naguguluhan ako sa kanya. I will never forgot those words written on that guy, Martin's love letter for Lesana.

Malinaw pa sa sikat ng araw na niloloko at nagtataksil ang babae kay Zehel. She must be the one that made Zehel smile, oo... pero sa huli, si Lesana rin ang maglalagay ng luha sa pisngi ng asawa ko.

Tulad ng gagawin ko rin sa hinaharap. At sa dulo ng lahat ng ito... si Zehel pa rin ang lalabas na biktima.

Anong gagawin ko para mapigilan 'yun?

No Zila... hindi mo 'yun mapipigilan. Wala kang magagawa. Remember, you're out of the picture. You're just borrowing your twin's name.

Habang nakahiga ako sa kama nang sumapit ang gabi, hindi ako makatulog. Isip ako nang isip ng maraming bagay. Ng mga mainam na plano. Pero kahit anong piga ko sa utak ko... wala akong maisip. Kaya naiwan akong nakatulala habang nakikipagtitigan sa mga butiki sa kisame.

When the grandfather's clock strike at midnight, narinig ko ang tunog nun at lalo na akong hindi nakatulog. I kept on thinking about Zehel and how I missed him.

I missed him? Hala Zila!! Anong sinasabi mo?

Napabangon ako sa kama dahil dun at madali kong kinatok ang ulo ko para matauhan ako. Iuumpog ko na sana ang ulo ko sa dashboard ng kama nang makarinig ako ng yabag mula sa labas ng pinto.

Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon