XLIX

9.6K 332 3
                                    


  Zila's PoV

"I wanna eat breakfast, wife. Pagsilbihan mo naman ako," nguso ni Zehel sa'kin. Pinigilan ko ang mga kamay ko na pisilin ang pisngi niya dahil nakakagigil ang ka-cute-an niya.

Zehel is pouting his lips. Oh god!

"Nakuuu! Wag mo akong artehan, hindi mo ako alipin Zehel!" sabi ko na lang.

"Bakit sinabi ko bang alipin kita? Sabi ko... WIFE. Asawa! Tsh!"

Naumid ang dila ko. He just called me 'wife' with utmost conviction. It sounded so true, iiyak na ako!

"Ganun ba? O wait lang! Pagsisilbihan ka na ng wife mo!" tumayo ako at nagmamadaling tumakbo papunta sa kusina para kunin ang mga inihanda ko kanina.

Nanginginig ang kamay ko dahil sa kakaibang pakiramdam ko ngayon. I'm actually in daze. Hindi lang dahil kay Zehel kundi dahil na rin sa... sa message ni JM.

Alam na niya kung nasaan si Liza. At ang nakakagulat... hindi ko alam kung paano ako magre-react.

I'm expecting this to happened. Noon pa, alam ko nang mahahanap ni JM si Liza. Hindi naman ako nagduda sa kakayanan ni JM eh. Kaya lang... nagtataka ako sa nararamdaman ko. I should be happy, right? Ito ang ginusto ko, ito ang plano ko.

Eh bakit parang... hindi ako masaya?! Bakit?

"LIZAAAAA!!"

"Ay Lizaaa!" gulat kong sabi nang marinig ang sigaw ni Zehel. "Heto na! Heto na po!"

Tumakbo ako dala ang tray na may lamang pagkain papunta sa dining hall kung nasaan si Zehel.

"Okay. Heto na ang pagkain mo, kamahalan," sabi ko sabay lapag ng pagkain sa harap niya.

"Saluhan mo ako," ani Zehel.

"Aba'y siyempre! Alangan namang sa'yo lang 'yan. Hello! Masayaka! Ako nagpagod dyan, natural lang na lumamon din ako, no?" ismid ko.

Ngumiti si Zehel. "Bunganga mo... tsk!"

At ang nangyari, nagsalo kami ni Zehel sa plato at kumain ng sabay. Tahimik lang kami nung una at nagpapakiramdaman. Hindi pa rin nawawala isip ko 'yung muntik nang mangyari kanina.

Sabi nga sa wikang Hapon...

'Bokura ga ita'

We were there.

Andun na kami o. Konting konti na lang. Tadhana lang ang humadlang. Posible kayang dahil 'yun sa biglang pagkakaroon ko ng balita kay Liza? The circumstances isn't right.

Oras na makita at makausap ko si Liza... matatapos na lahat ng pagpapanggap ko at babalik na ako sa dati kong mundo.

Sa mundo kung saan wala si Zehel.

Kaya ko pa bang bumalik? Kaya pa ba? Hindi na siguro mahalaga 'yun di ba? Ang mahalaga'y maibalik ang dati sa lahat at managot ang dapat managot. Hindi ba't yun naman ang goal ko... matapos kong malaman ang totoo, babalik na ako sa dati kong ako.

"May problema ba? Bakit ang tahimik mo?" biglang tanong ni Zehel na napatigil sa pagkain.

"Huh?" nag-angat ako ng tingin at nagtama ang mata namin ni Zehel. "W-wala! May iniisip lang..."

"Anong iniisip mo?"

"Ahmm. Iniisip ko kung... kung anong gagawin ko maghapon..." sabi ko.

Bahagyang natigilan si Zehel pero maya-maya ngumiti ulit siya sa 'kin. "Huwag mo nang isipin. Sumama ka na lang sa 'kin sa Planta."

Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon