LXII

9.5K 399 6
                                    


  Zehel's Pov

Tahimik na tahimik ang paligid. Tanging hampas lang ng alon sa dalampasigan ang naririnig ko.

Bumangon ako sa kama at naglakad papunta sa balkonahe na kadugtong lang ng Master Bedroom.

The moment that I opened the door. Blast of cold wind hit my face. I swear I could feel some sleet of ice piercing my skin.

My face turned numb.

Malamig na ang panahon... naalala kong papasok na ang Fall Season. Tanaw ko mula sa balkonahe ang malawak na karagatan. Namumuti ang dalampasigan dahil sa lakas ng alon.

May bagyo na naman yatang parating.

Alam kong matibay ang pagkakagawa ng bahay na 'to dahil na rin sa malalim at matigas na pundasyon. Pero hindi ko pa rin maiwasan na di mag-alala.

Maybe my wife and I should go back to Philippines. It's a lot safer there. Mas mapapanatag ako kahit nasa trabaho ako kung maiiwan ko si Liza sa Sephiro.

At least doon, pamilyar sa asawa ko ang paligid. Hindi gaya dito.

Paano kung nagkataon na nasa ibang bansa ako at nagtatrabaho tapos biglang may dumating na malakas na cyclone? Tabing-dagat itong bahay at kahit gaano ito katibay... wala pa rin itong laban sa matinding sakuna.

Look at what happened during the times of Hurricane Katrina. Halos lumubog ang buong west coast ng America dahil dun.

No. Hindi ko ipagsasapalaran si Liza sa lugar na 'to.

'Are you hearing what you saying, Zehel?' pitik ng isang bahagi ng utak ko habang nakatitig sa malawak na dagat.

Parang totoo... nakita ko ang isang ako na nakatayo sa harap ko. 'Yung ako na matagal ko ring hindi nakita. My talking reflection.

"What do you mean?" tanong ko.

'You are concern with that murderer. What's happening to you?'

Nakakunot ang noo ng isang ako. At parang nagagalit siya sa 'kin.

Sa pagkasabi niya ng salitang 'murderer' ay napakislot ako. At dumagsa sa utak ko ang alaala na nabaon sa malalim na parte ng nakaraan ko.

The death of Lesana.

'The one you're referring to as your wife... is the one who killed your true love! Don't forget that!!'

Nahigit ko ang hininga ko bigla. The realization that hit me makes guilt rush inside my body.

My conscience is screaming.

Liza killed Lesana... bakit pa ako concern sa kanya? Anong nangyayari sa 'kin?

'I never killed anyone. I swear to God.'

Nag-flashback sa utak ko ang sinabing 'yun ni Liza. Hindi ko alam pero gusto kong maniwala sa sinabi niyang 'yun. When she said those words to me... kitang kita ko sa mata niya na nagsasabi siya ng totoo.

Those eyes were the eyes of angel. Windows of innocence and truth.

'She's just fooling you...' said the 'me'.

"No," nasambit ko bigla sa kawalan. "Hindi ko alam kung pinatay nga ni Liza si Lesana dahil kahit ang batas ay di 'yun napatunayan."

'Ano gusto mong sabihin? Na isusuko mo na ang kaso ni Lesana?' tanong ng ilusyon sa harap ko.

Napatitig ako sa kadiliman.

Isusuko si Lesana. Si Lesana.

Pinakiramdaman ko ang nasa loob ko at namangha ako sa nararamdaman kong sagot mula dito.

Dati... mabanggit lang ang pangalan ni Lesana ay umiiyak na ako. Hindi lang sa lungkot kundi maging sa malaking galit sa pagkamatay niya.

I felt miserable at gusto kong makaganti. But now... nagtaka ako. Wala akong maramdaman na galit at lungkot.

Ang natitira ay sundot ng konsensya dahil ang malaking bahagi na iniwan noon ni Lesana sa puso ko... ay napunan na ng iba.

Si Liza... na dapat sana'y kinamumuhian ko.

There you go... umamin na ako sa sarili ko. The great Zendrel Devoncourt... is now the victim of his own scheme.

Napabuntung-hininga ako bago muling tumingin sa ilusyon sa harap ko.

"Masisisi mo ba ako?" tanong ko.

'Mahal mo na ba siya?' tanong niya.

"Paano kung oo?" tanong ko ulit.

Liza's quirky smile suddenly flashed before me at pakiramdam ko'y sumikat ang buwan sa madilim na kalangitan.

Si Liza... si Liza at ang malaking pagbabago sa kanya. Ang tawa niya, ang pagsimangot niya, ang pagsagot niya sa 'kin ng pabalang at ang pagpapatawa niya sa 'kin kahit di niya sinasadya.

'Kung ganun... sino ang mahal mo? Si Liza... ? O ang PAGBABAGO niya?' tanong ng ilusyon bago siya naglaho sa kawalan.

Naiwan akong tulala.

Pagbabago. That's right.

Noon naman hindi ganito ang naramdaman ko sa kanya. Before, Liza has no appeal on me. She's just a common bitch dress as a supermodel who wants to impress me.

Pero kung kelan pa siya naging balahura. Walang modo. Walang breeding at walang kaappeal-appeal... at tsaka naman siya napansin ng puso ko nang todo-todo.

Her simplicity plus insanity drove me to notice her so much I can't sleep at night thinking about her.

Muli akong humugot ng hininga bago naglakad palabas ng balkonahe, deretso hanggang sa labas ng master bedroom.  

Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon