FUjima's PoV
Matapos kong kausapin si George, sumunod na agad ako kay Zehel sa inner office. As an E.A. it's my job to attend his needs. And as his bestfriend, I need to know what's the meaning of that glimmer on his eyes. Nah. Hindi ako tsismoso, gusto ko lang talagang alamin ang lahat.
Ini-expect ko na nagbabasa si Zehel ng mga papeles na nasa mesa niya tulad ng lagi niyang ginagawa tuwing dumarating siya sa opisina. Pero nagulat ako nang makita siyang nakatulala sa hangin habang nakasandal sa upuan niya. His expression was somewhat odd and vague. It was like he was in between reality and fantasy and have no idea how he got there. Okay, masyado bang malalim? Heto na lang...
Mukha siyang BANGAG!
Sa kung anong bagay, yun ang di ko alam at di ako sigurado.
"Good morning, boss!" casual na bati ko bago pasimpleng inilagay ang report ng Team Alice sa ibabaw ng mesa niya.
Hindi agad ako napansin ni Zehel. Deretso lang siya sa pagtitig sa kawalan, hindi ko tuloy mapigilang ma-curious sa iniisip niya. He is clearly space-out. At bihira ang pagkakataon na ganito si Zehel. Mostly, he's driven, attentive and focus. Pero ngayon, lutang lang siya.
"Hey!" malakas na untag ko sa lalaki. At saka lang lumingon si Zehel sa 'kin bago kumurap-kurap. "Knock on your thought. What's got you this time?" sabi ko.
Umiling lang si Zehel bago kinuha ang mga papeles na ipinatong ko sa mesa niya at nagsimulang basahin yun. Napaka-secretive din naman niya minsan. Too bad, madali lang din siyang basahin.
"You need anything? A good breakfast? Hot coffee or what?" tanong ko ulit.
For the second time, umiling si Zehel. "No. I just had my breakfast at home."
Breakfast. Home.
Wow. Alien words. Si Zehel kasi ang taong hindi naman mahilig mag-"breakfast" sa "home". Hindi na ako nagkomento at nagkibit balikat na lang.
"Where's Freyman?" tanong ni Zehel.
"Rau? Hindi pa dumadating, Boss. He just had a nice hook up last night. Huwag mong asahan na papasok siya ng maaga ngayon," sagot ko sabay ngiti. "Anything else?"
"Nothing..." sagot ni Zehel kaya naglakad na ako palabas ng office. But halfway, Zehel called my name. Kaya lumingon ako.
"Yes?"
Zehel had this funny look on his face. Nakakunot ang noo niya at bahagya ring nakakiling ang ulo niya. He look like he was suffering from migraine or something. "May problema ba?" tanong ko.
"Well... may gusto lang akong itanong pero..." nag-iwas ng paningin si Zehel at pinigilan kong mapangiti nang makita ang bahagyang pamumula ng tenga at pisngi niya. A sign that he was feeling embarassed over something. "I just wanted to ask... why... why..."
"Why what?"
"Why... ahmm.. oh damn!" inis na usal ni Zehel. "Why women find Spongebob adorable?! I mean... he's nothing but a yellow stingy sponge that lives under the sea? Anong meron sa kanya at gusto siya ng mga babae?!" gigil na tanong ni Zehel.
Natulala ako.
Totoo ba yung narinig ko o naghahallucinate lang ako?
Si Zehel? CEO at founder ng isa sa pinaka-successful na technology innovator company sa buong Silicon Valley... nagtatanong ng tungkol kay Spongebob?!
What the bloody hell is wrong with him?!!
"Spongebob?" ulit ko.
Seryosong tumango si Zehel kaya naisip kong seryoso talaga siyang malaman ang sagot.
Pinigilan ko ang urge na tumawa ng malakas dahil alam kong mapapahiya si Zehel kapag ginawa ko yun. Humakbang ulit ako papalapit Zehel at seryosong humarap sa kanya.
"Well, probably because Spongebob is an adorable character even if he's just a sponge who tried to live under the sea. He's yellow and... has huge eyes and his attitude is somewhat childish," sagot ko.
"Hmmm. Like a little silly blond boy with cute blue eyes," mahinang sabi ni Zehel.
"Exactly. Most women find them irresistable..." dugtong ko.
Tumango-tango si Zehel bago absentminded siyang nagkamot ng ulo niya. "And what about that rawr?"
"What rawr?" kunot-noo kong tanong.
"Rawr! Rawr! That rawr!" frustrated na sabi ni Zehel. Parang nahihirapan siya kung paano ipapaliwanag ang gusto niyang sabihin. "Rawr! Mmmmmm... Urggggh..."
Napangiti ako nang wala sa oras. "Rawr? Well... I don't know what do you mean by that boss..." komento ko.
Sumimangot si Zehel. "That woman... kasalanan niya 'to. Hinawaan niya ako ng kabaliwan niya," bulong bulong na sa usal ni Zehel.
Pffft.
"But I know one thing..." sabi ko sabay ngisi. "Rawr means 'I love you' in dinosaur."
Pagkasabi ko nun, tumalikod na ako at naglakad palabas ng inner office. Iniwan ko si Zehel na nakanganga at may lumulutang na question mark sa ulo.
"Rawr? I love you?"
Haha! Bahala siya dyan. Imbento ko lang naman yun.
BINABASA MO ANG
Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)
HumorAVAILABLE FOR PRE-ORDER! DM WESAPH OFFICIAL ON FB FOR SLOTS! May nag-offer sa'kin ng kasal, tinanggap ko. Malay kong para sa kakambal ko pala ang alok na'yun! At ayaw niyang maniwala na hindi ako ang kakambal ko! Bra, anong gagawin ko? -GodZila