Zila's PoV
Napamulagat ako sa narinig kay Zehel.
Tinatanong niya 'ko kung sino ako! Hala! Nabuking na ba niya na hindi ako ang tunay na Liza? Dahil ba... dahil ba masyado akong naging seryoso sa pagpapakita ng tunay na ako?
Ako bilang si Zila? Isang... animal lover, daredevil photographer. Naku! Hindi ko kasi talaga napigilan ang sarili ko. The natural 'me' just came out the moment I heard the tiger's cry. Mahirap i-resist ang nangyari dahil higit sa limang taon ko na 'yung ginagawa sa National Geographic.
Para akong isang sundalo na nagiging alerto kapag nakakarinig ng putok ng baril. 'Yun ang pakiramdam ko kanina. My body just act on its own accord and my mind suddenly erase the fake fact that I'm 'Liza', the socialite wife of Devoncourt, supermodel-chuchu.
Tsk!
Hindi na ako magtataka kung mabuking nga ako ni Zehel dahil sa inasal ko kanina.
Pero siyempre, kahit medyo tanga... hindi naman siguro masamang i-try na magmukhang patay-malisya.
"Er... ano 'yun? A-anong ibig mong sabihin sa 'Sino ka?'" maang-maangan kong tanong kay Zehel na nakakunot ang noo.
"Who are you?" tanong ulit ni Zehel na namewang pa sa harap ko.
"In-english mo lang eh!" angil ko. "Ang ibig kong sabihin... paano mo natanong 'yan?! Of course, it's me! Liza! Your wife! Hello!" sagot ko sabay kaway ng kamay ko sa harap ng mukha niya.
Medyo nag-alangan pa ako dahil tumaas lang ang kilay ni Zehel.
"Oh really?"
Napalunok ako ng laway. Tinititigan ako ni Zehel sa paraang mala-Superman. 'Yung may x-ray vision, tagos sa bones.
"Oo?" sagot ko.
Naningkit ang mata ni Zehel. "'Cuz you know what? Feeling ko hindi ikaw si Liza..."
*gulp!*
"Feeling ko..."
*breathe breathe*
"Feeling ko, isa kang alien na nagpapanggap bilang asawa ko! Umamin ka na? Saang planeta ka galing?"
"Eh?"
Napamaang ako.
Ano raw? Alien? Ako?
"How can you be like that?! You are so different out there!" Tinapik ako nang malakas ni Zehel sa likod ko, muntik na tuloy akong tumalbog.
At nabitin sa hangin ang hininga ko dahil biglang ngumiti si Zehel bago ako inakbayan sa balikat.
"You are so amazing! Para kang si Wonderwoman kanina! Tinalon mo pa talaga 'yung tigre!"
Eh? Hala!
"'You can eat anything, but not my husband!' Haha! I like what you said out there! And you saved me!"
Pakiramdam ko namula ako nang bonggang bongga nung maalala 'yung ginawa ko kanina. Ang corny pa nung sinabi ko.
Napakamot na lang ako sa ulo. At least ligtas pa rin ang secret ko. Akala ko alam na niya.
"Ahehehe! Siyempre ililigtas kita... asawa kita eh. Tsaka hindi mo pa naiipamana sa 'kin lahat ng kayamanan mo kaya di ka pa pwedeng mamatay," sagot ko.
Tumawa nang malakas si Zehel.
"Silly!" sabi niya sabay hila sa 'kin palabas ng cage.
Pero pagkalabas namin, binatukan niya ako bigla. Nagulat tuloy ako dahil paglingon ko, seryoso na ang mukha ni Zehel.
"Pero huwag mo na ulit gagawin 'yun!"
"Huh?"
"Hindi mo pinag-iisipan ang ginagawa mo! Kahit confident ka na hindi ka kakainin nung tigre, tigre pa rin yun at unstable ang uri nila. She could just eat you up!"
"Pero---"
"Hindi pa ako tapos, babae! Nakakainis 'yung ginawa mo! Iniwan mo na lang ako bigla at basta ka na lang sumugod dun!"
"Eh kasi---"
Dinutdot ni Zehel ang noo ko. "Binabalaan kita! Oras na gawin mo ulit 'yun... ako mismo ang lalapa sa 'yo ng buo! You get that?!"
"Yes Sir!" sagot ko. "Eh teka... alin ba ang hindi ko pwedeng gawin ulit? 'Yung pagtalon ko ba sa tigre? Sorry. Sige, di ko na 'yun gagawin---"
"Hindi yun!" sagot ni Zehel na biglang nag-iwas ng tingin.
"'Yung iwan mo na lang ako nang walang pasabi... yun ang huwag mong gagawin!"
Napatilig ako.
Say whuuut!?Tahimik lang kami ni Zehel habang naglalakad pabalik sa Food Plaza ng Zoo. Pinapakiramdaman ko lang ang lalaki dahil kanina pa siya hindi nagsasalita.
Ewan. Parang meron na naman siyang malalim na iniisip. Si Zehel, nahulog yata siya sa kung anong malalim na isipin kung saan di siya makaahon.
At least, hawak niya ang kamay ko. Kahit naglalakbay kung saan ang utak niya, nararamdaman ko naman na kalapit ko lang siya. Hinayaan ko na lang siya na manahimik, wala rin naman akong ganang magsalita.
BINABASA MO ANG
Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)
ComédieAVAILABLE FOR PRE-ORDER! DM WESAPH OFFICIAL ON FB FOR SLOTS! May nag-offer sa'kin ng kasal, tinanggap ko. Malay kong para sa kakambal ko pala ang alok na'yun! At ayaw niyang maniwala na hindi ako ang kakambal ko! Bra, anong gagawin ko? -GodZila