Zila's Pov
Tsh! Eh ano ba kung magaganda at sexy sila? Lamang na lamang pa rin ako sa mga blonde na kapreng 'to! Kinulang man ako sa height... sagana naman ako sa talent.
Kaya ba nilang magpaamo ng nagwawalang toro? Makipag-apir sa gorilla o magpa-cute sa piranha? Tumalon sa bukana ng bulkan o rumaragasang tubig ng Ilog Nile? Wala! Panis sila! Hindi nila kaya 'yun! Ako lang may kaya nun. He He. Ako lang. Baliw ako eh. Tsk!
Mahahaba lang ang hita at binti nila... at kulay blue lang ang mata nila. Hmp! Mas cute pa rin ako.
So much for self-pity.
Nakinig na lang ako sa tsismisan ng mga linta at hindi na nag-react. Pinigilan ko ang pagkawala ni GodZila sa loob ko, masama ang pakiramdam ko. Tinatamad akong makipag-away.
"Zehel Devoncourt must be married and all, but you know that old man Cameron... he won't budge," sabi ng isa sa mga babae.
"Yeah. And there's a thing called 'divorce', you know!" sagot ng isa.
Nahigit ko ang hininga ko. Divorce? Pero sa Pilipinas kami ikinasal ni Zehel at walang divorce sa Pilipinas!
"Dummy, Mr. Devoncourt got married in the Philippines! And I heard that country has no divorce policy."
Exactly. Yun nga ang nasa isip ko.
The other woman smirked at her colleague. "Stupid! You think that will stop the old frog Cameron? With his money and power, he can buy the whole country!!"
Enedew?
Bakit para yatang gustong kumati ng paa ko at hanapin ang 'old frog Cameron' na yun? Sa sinasabi kasi ng mga babae na 'to, parang pinapalabas nila na gustong-gusto ng Cameron na yun si Zehel para sa anak niyang si Caroline Bang Bang to the point na kaya niya kaming paghiwalayin.
Da pak!!
Nasaan yang Cameron na yan?! Makakatikim yan ng malupet na flying kick mula sa nagbabagang paa ni GodZila. Subukan niyang paghiwalayin kami ni Zehel... iikot ang leeg niya! Gggggrrr.
Eh teka nga? Bakit ba ako nagagalit? Di ba dapat matuwa ako? Makakawala ako sa kasunduan namin ni Monster Zehel. Kakampi ko kung tutuusin ang matandang Cameron na yun, bakit ako nagagalit sa kanya? Hala!
"Well. Goodluck to him, though. It's still up to Zehel if he'll give in to Lady Caroline and the President. Our Boss is stubborn as he can be and it looks like he loves his wife."
"Right."
Huh? Love his wife? Ako? Mahal ni Zehel?
Pffft.
"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!" napatawa ako nang wala sa oras. Sobrang lakas ng tawa ko na nahulog sa sahig yung face mask ko at napasandal ako sa dingding ng elevator. "BWAHAHAHAHAHAHA!!"
Ako? Mahal ni Zehel? Hahaha! Marahil nga, gusto niya ako! Gustong-gusto! Gustong ingudngod sa semento at lunudin sa swimming pool! Bwahahahahaha!
Kunot-noong napalingon sa 'kin ang tatlong babae. Nagtataka siguro sila kung bakit bigla na lang akong nagtawa. Base sa nakakatawang expression ng mukha nila, iniisip ng tatlo na takas ako sa isang mental institution.
"Oh! Pardon," sabi ko sabay tikhim at pulot ng facemask sa sahig. Nilagay ko yun ulit sa mukha ko bago humarap sa mga babae. "Sorry, a funny thought passed by my head. And I can't help but laugh."
Sabay-sabay lang na umismid ang mga babae at inirapan ako bago muling nagkuwentuhan.
Pfft. Nakakatawa talaga.
Umayos ako ng tayo at nagkunwaring dedma ulit. Ang totoo kahit natatawa ako, hindi ko maiwasang mangamba. Kung para saan, yun ang di ko alam. Basta may kung anong emosyon ang namamahay ngayon sa dibdib ko at hindi ko yun mapangalanan. Parang... natatakot ako na nalulungkot na ewan. Halo-halo na.
Tsk! Epekto yata 'to ng sakit ko. Dapat talaga uminom ako ng gamot.
Nang makarating sa 110th floor, bumukas ang elevator at napangiti ako nang makita si Fujima at isang pamilyar na lalaki na papasok ng elevator. Napatda rin ang mga babae na kasabay ko sa elevator pagkakita sa dalawang guwapo at matangkad na nilalang.
Dream. Believe. Survive ang drama nila. Starstruck! Hahaha! Nganga with matching tulo laway.
Sabay ding natigilan ang dalawang lalaki nang makita ako. Mukhang nakilala nila ako kahit nakasuot ako ng face mask.
They recognized me by my oh-so-beautiful eyes! Whehehe.
De joke lang.
"Mrs. Devoncourt?!" maang na sabi ni Fujima na tinuro ako habang nakangangang nagmamasid lang ang lalaking kasama niya.
"Hi!" bati ko sabay kaway sa lalaki.
"Devoncourt!?" Ramdam kong gulat na lumingon sa 'kin ang tatlong babae sa tabi ko pero di ko sila pinansin.
Ha ha! O eh di mas nganga sila ngayon?
Pumasok sa loob ng elevator si Fujima at ang kasama niyang guwapong lalaki na hindi ko maalala ang pangalan.
"What are you doing here, Mam?" tanong ni Fujima. "And what happened to you? Why are you wearing a face mask?"
"She must be in disguise, dude!" agaw ng katabi niya sabay ngiti sa 'kin. "Hi! I'm Rau, remember me?"
O! Rau Freyman! Yung isang E.A. ni Zehel. Mas guwapo pala siya sa malapitan. Akala ko, americanized ang mukha niya. Hindi pala. He looked very chinese with blue eyes.
Ibinaba ko ang face mask ko at nilapitan ang dalawang lalaki. Tapos...
Inubuhan ko sila sa mukha. "Uhooo! Uhooooo!"
*ubo sa mukha ni Fujima* "Hindi ako nagdidisguise..." sabi ko. Iwas agad si Fujima sabay taklob ng folder sa mukha niya. Lol. Takot sa virus.
"Uhoooo! Uhooooo!" *ubo sa mukha ni Rau*
"May sakit ako, boys!" dugtong ko. Atras agad si Rau palayo, dumukot siya sa bulsa niya ng panyo at itinapal sa bibig ko.
"Hey, lady!! Have some manners!" reklamo ni Rau. Hinawakan ko yung panyo ni Rau. Mmmm. Bango ah. Pero mas mabango si Zehel. Hehehe.
Enedew sebe ke?
BINABASA MO ANG
Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)
HumorAVAILABLE FOR PRE-ORDER! DM WESAPH OFFICIAL ON FB FOR SLOTS! May nag-offer sa'kin ng kasal, tinanggap ko. Malay kong para sa kakambal ko pala ang alok na'yun! At ayaw niyang maniwala na hindi ako ang kakambal ko! Bra, anong gagawin ko? -GodZila