Zila's PoV
Nakanganga ako nang tumambad sa 'min ang isang dambuhalang mansion na nagliliwanag sa dilim ng gabi. No joke. Sobrang laki talaga niya. It reminds me of Taj Majal in Nepal, may man-made lake kasi sa harap ng Mansion kung saan nagre-reflect ang mala-kastilyong bahay.
"Devoncourt, ang laki ng bahay mo!" sabi ko lang.
Narinig kong sumaltak si Zehel. "That isn't mine. That's my parents."
"Warever husband! Tatlo lang kayong magkapatid sino pa ba magmamana niyan? Not your Kuya Castor certainly, mas mayaman yun eh. Not your Ate Hanna, blacksheep yun," Tumutulo ang laway ko sa pagtitig sa Mansion.
"Psh! Not me," sabi ulit ni Zehel.
"Ayaw mo? Sabihin mo sa Tatay mo akin na lang."
"Baliw."
Hahahaha! Tinitingnan ko lang naman kung makakahirit.
"Probably Cid, he's a favorite grandson," ani Zehel mayamaya. Malapit na kaming bumaba sa sasakyan.
"Eh si Soram?" tanong ko. Cid and Soram are the youngest grandsons of Devoncourts.
"Nah. That kid's too Americanized. He won't stay here. Si Cid yan, I bet. Mom and Dad love him much as their own sons and daughter," nguyngoy ni Zehel.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng Mansion at inaya ako ni Zehel na bumaba.
"Eh bakit tunog bitter ka?" sabi ko.
Sumimangot si husband at napatawa ako. "Ako? Nah. I don't need this Mansion you know. I have my own."
PSH! Yabang. Eh di kayo nang puro Mansion. Saksak ko sa puwet niyo yan eh.
"Eh ikaw wife? Do you have your own mansion?" nakangising sabi ni Zehel.
Inirapan ko siya. "Meron sana kaso may kumuha eh. Kaya ngayon homeless ako at baka sa bahay ng pusporo na lang ako tumira kapag pinalayas mo ako!"
Humagalpak ng tawa si Zehel. "Bahay ng pusporo? Hahahaha!"
Sige lang sa pagtawa si Zehel kaya amuse na nakatingin lang sa kanya ang mga guards at maids na nakaabang sa front porch ng Mansion. Parang first time lang nilang makita si Zehel na tumatawa. Ni hindi na nga kami makapasok sa mansion eh kakatawa niya.
"Don't worry,wife hindi kita papalayasin," ani Zehel na nagpapahid ng luha.
"Talaga? Eh parang kelan lang muntik mo na akong lunudin sa Pacific Ocean eh sa sobrang inis mo."
Tumawa ulit si Zehel. "Your fault though. Don't worry, that will never happen again."
"Subukan mo lang pati, susunugin ko yung mansion mo!" birong banta ko.
Zehel laughed again.
He was laughing like a mad man at yun ang eksenang nadatnan ng mommy at daddy niya.
"Zendrel, nandito na pala kayo. Why don't you go inside?" anang Daddy ni Zehel. Si Lord Emenrad Devoncourt. Na-tense ako bigla pero di ako nagpahalata.
Zehel stopped laughing but his face was red and his eyes were watery as he approached his parents. Natuod lang naman ako sa gilid.
"Sorry Dad. Hi Mom!" humalik si Zehel sa Mommy niya, si Mistress Vanessa na sa kung anong dahilan ay mukhang nagtataka habang nakatitig sa anak.
She looked very regal and very beautiful. Like a Queen, shiiit! Nakakatense. Parang back to square one ulit kami. Those times na kinasal ako at si Zehel at una ko syang nakita na mala-Donyang nakakatakot.
BINABASA MO ANG
Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)
HumorAVAILABLE FOR PRE-ORDER! DM WESAPH OFFICIAL ON FB FOR SLOTS! May nag-offer sa'kin ng kasal, tinanggap ko. Malay kong para sa kakambal ko pala ang alok na'yun! At ayaw niyang maniwala na hindi ako ang kakambal ko! Bra, anong gagawin ko? -GodZila