XIX

10.2K 379 54
                                    


  Zila's PoV

Napatakip ako sa bibig ko nang wala sa oras habang nakatitig kay Zehel. Hindi ako makapaniwalang nandito siya sa harap ko. In flesh and blood! As gorgeous as he look! Okay, erase that... joke lang yun.

Paano nangyaring natagpuan niya ako? Hello, sobrang laki ng lugar na 'to! Imposibleng mahanap niya ako. Well, maliban na lang kung meron din siyang GPS... sa puso niya? Whahahahaha! Okay, joke lang ulit yun!

Sige lang, Zila... aliwin mo lang ang sarili mo, mamaya patay ka na!

"Z-Zehel!" nauutal kong sabi. Yay! Nakakatakot na naman ang tingin niya.

Hinimas ni Zehel ang panga niya na inabot ng ka-chaaw ng kamao ko tapos nagtatagis ang bagang na tumingin siya sa mga lalaking nakagulong sa semento.

"Hindi ko alam na mahilig ka pala sa bugbugan!" angil ni Zehel sabay senyas sa mga MIB na kabuntot pala niya. Di ko lang agad napansin dahil madilim. "GET THESE BUNCH OF MUSTARDS, AND MAKE SURE THEY WILL BE THROWN IN JAIL!!" sigaw ni husband.

Agad na sumunod ang mga MIB at pinagdadampot ang mga amerikanong lalaki.

"Hey wait! Wait! We're not doing anything to that hella monstuh of a woman!" angal ng isa sa mga adik sabay turo sa'kin.

Ei wow. Hella na nga, monster pa. Ganun na ba ako kasama?

"NOT DOING ANYTHING?!" sigaw ko. "YOU ALL FOOLS FOLLOWED AND CHASED ME!!" Nabugbog ko pa tuloy kayo.

Sabay-sabay na sumimangot ang mga lalaki. "WE FOLLOWED YOU BECAUSE..." may inilabas ang isa sa kanila na isang bagay mula sa bulsa niya. "WE JUST WANTED TO GIVE YOU THIS THING, MISS! YOU DROPPED THIS!!" nanggigigil na sabi ng lalaki.

Nang tingnan ko yung iniaabot niya, nakita ko yung... wallet ko.

Oh shoot!

Kinapa ko ang backpocket ko at napansin kong wala nga doon ang wallet ko.

Ibig bang sabihin nun..... yay!

Naningkit ang mata ni Zehel. "You mean, you followed my wife because you just want to return her wallet in which she stupidly drop?!"

Ouch.

"HELL YEAH!!" sabay-sabay na sigaw ng mga Amerikano.

Napangiwi ako. Yay. Akala ko pa naman gagawan nila ako ng masama... turned out, isosoli lang pala nila ang wallet ko na aksidente kong naihulog.

Oh Zila... ano na namang katangahan ang ginawa mo? Assumera ka kasi agad! Neneng-praning!

"We told her we just wanted to give her something but she started punching as like a mad boxer!" reklamo ng isa.

"We have no choice but to fight her back though she's a monster!" dugtong pa ng isa. Lol. Monster daw ako, I'm a dino, you prat.

Buhol-buhol ang kilay na lumingon si Zehel sa 'kin. Wala akong nagawa kundi ang ngumiti. "He he he!" sabay ---> ^_^v

"Nakakahiya ang ginawa mo..." madiing sabi ni Zehel. "They could sue you, you know. Pwede ka nilang ipakulong sa pambubugbog mo sa kanila."

"Ui grabe ka naman, husband!" reklamo ko. "Wag mo namang sabihin yan. Federal case pa ba yun? Tsaka babae ako, pag nagsampa sila ng kaso sa 'kin, sila lang din ang mapapahiya. Imagine, apat na dambuhalang lalaki, pinataob ng isang payat na babae! Newsflash yun, husband! Pagkakaguluhan yun sa internet! Don't do me a favor, wag mo akong pasikatin sa madla!"

"Nangatuwiran ka pa," angil ni Zehel. Bumaling ulit siya sa apat na lalaki at kinuha ang wallet ko. "I really am sorry for incovenience that my wife had cause. If you want to sue her on court, feel free to do it---"

"Zehel naman!!" angal ko. Gosh payag siyang ipakulong ako.

"...since she's too stupid to realized that you just wanted to help." Di ako pinansin ni Zehel. Napanguso na lang ako.

Umiling ang apat na lalaki. "Nah. It's okay, man. No need for that."

Nakahinga ako nang maluwag ng hindi naman na nagreklamo ang apat. Hula ko, pinoprotektahan lang nila ang ego nila. Hahahaha.

Ayaw tumanggap ng bayad ang mga amerikano mula kay Zehel kaya inalok na lang sila ni husband ng trabaho sa kompanya niya.

"What company?" tanong ng isa sa mga lalaki.

"RedSphere Inc." simpleng sagot ni Zehel.

Sabay-sabay na nalaglag ang panga ng apat tapos bigla silang yumukod kay Zehel. "Wow men, you're technically a god! You owned RedSphere? That's insane!!"

Asus!! Sipsip. Si Zehel, god agad? Psh! God of bipolars! Bwahahahaha!

Binigyan ni Zehel ng calling card ang apat at sinabing hanapin lang siya kung gusto ng apat ng trabaho. Nagpasalamat naman ang apat.

"Man, you're wife is a monster... and you're a god..." sabi ng isa na nagpanguso sa 'kin. Ba't ako monster tapos si Zehel... god? Bugbugin ko kaya ulit 'to!?

"...so technically... you two are matched! Only god can handle a monster!" dugtong nga lalaki tapos nun nagpaalam na sila at umalis.

Naiwan kaming natitigilan ni Zehel.

Wew. Match daw kami ni husband? Malabo yata yung sinabi niya. Taena!

Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon