Zila's PoV
Kanina pa ako pabiling-biling sa higaan ko, hindi ako makatulog. Tinamaan na naman yata ako ng matinding pamamahay. Tsk! Hindi naman ako dating ganito. Hello! Sanay ako na matulog sa kung saan-saang lugar. Kahit sa bangketa nung nasa India ako, natutulugan ko. Nganga pa nga daw ako. Bakit dito hindi?
Arrrggh!
Dala na naman siguro ito ng pagiging Nene-praning ko. Feeling ko kasi... matindi na naman ang galit sa 'kin ni Zehel. Kanina nung pauwi kami galing sa San Jose, hindi siya nagsasalita. Hindi rin siya kumikibo. Ibang klase ng aura ang pumapalibot sa kanya. Parang sinapian na naman siya ni Vegeta, ang masungit na Sayan. Tsh!
Mukhang napuno na talaga siya sa 'kin. Pakiramdam ko tuloy, lulunudin na niya ako sa dagat sa katigasan ng ulo ko.
Kung bakit ba naman kasi hindi ko talaga kayang magpanggap bilang si Liza? Sobrang dali lang naman nun. Hello. Si Liza ang taong pinakamadaling basahin. Para siyang tubig sa batis, malinaw na nga... mababaw pa. Totoo yun, mababaw na tao si Liza. Kahit sabihin na nating may pagka-bitch siya, mabait ang kakambal ko. Kahit papano, hinawaan ko naman siya ng kabutihang asal. Nyehehe! Di ba mabait ako? Di ba? Di ba?
Ayaw niyong maniwala? Di wag!
Bumangon ako sa kama at lumingon sa bintana. Malakas ang hangin na nagmumula sa dagat, naririnig ko ang hampas ng alon sa dalampasigan. Parang nakakatheraphy ang tunog na yun. No wonder na ito ang pinili ni Zehel at Lesana na lugar para maging haven nila. Paraiso ang lugar na'to para sa mga tulad nilang nagmamahalan.
Tanong lang... bakit ako ang nandito imbes na si Lesana?
Ewan. Hindi ko alam kung ano ang balak ng tadhana sa amin. Ah! Nakalimutan kong extra nga lang pala ako, bakit ba ako nakikisali sa kwento? Paano ako aalis sa sitwasyon ko?
Tsk!
Dahil di ako makatulog, nagpasya akong lumabas ng kuwarto at kumuha na lang ng gatas. Guestroom yung tinutuluyan kong kuwarto, kalapit lang ng master bedroom kung saan natutulog ang mahal na hari. Nang tingnan ko ang malaking pintuan ng Master Bedroom, sarado yun. Baka tulog na si Zehel. Sa sobra yatang kunsumisyon sa 'kin, lumala ang migraine niya.
Bumaba ako sa hagdanan at naglakad sa medyo madilim na bulwagan ng Mansion. Sarado kasi ang mga ilaw, yun yata ang patakaran dito. Total lights out kapag oras na ng pagtulog.
Dumeretso ako sa kusina at kumuha ng isang basong gatas. Tapos nun, bumalik na ako sa taas. Along the way, napansin ko ang isang maliit na hallway na papunta sa kung saan. Bukas ang ilaw doon kaya na-curious akong tingnan kung anong meron dun. Dala ang isang basong gatas, nilakad ko ang hallway kung saan may bukas na pintuan sa dulo. Tumambad sa akin ang isang magandang garden. Napanganga ako.
"Whoah!"
Sobrang daming bulaklak sa paligid. Iba't ibang klase ng bulaklak mula sa buong mundo. May maliit na ilaw din sa bawat halaman kaya nagmukhang punong-puno ng alitaptap ang lugar. Meron din akong nakitang fountain, maliit lang siya at may estatwa dun ng sikat na Cygnus.
Sa di kalayuan ay natanaw ko ang isang pavillion at natigilan ako. Nakita ko si Zehel na nakaupo sa isang silya at nakaharap sa dagat. Sa tabi niya ay may mesa kung saan nakapatong ang isang bote ng alak at baso.
Mukhang... umiinom siya.
Gusto ko nang bumalik sa kuwarto ko at matulog na lang pero may kung anong mahiwagang kamay ang humila sa 'kin palapit sa kinaroroonan ni Zehel. Kusa ring lumakad ang mga paa ko. Hala! Pinagkakaisahan ako ng katawan ko. Help!
Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa lalaki. Iniwasan kong lumikha ng tunog dahil ayokong magambala siya. Gusto ko lang makita kung anong ginagawa niya. Thank god, hindi naman niya ako napansin. Masyadong malalim yata ang iniisip ni Zehel.
Pumwesto ako sa may fountain kung saan nakikita kong malinaw ang mukha ni Zehel kung saan tumatama ang liwanag ng buwan.
Napabuntung-hininga ako nang mamasdan ang kabuuan niya.
Tulala sa kawalan si Zehel, nakatitig lang siya sa malawak na dagat habang hawak-hawak sa kamay ang isang kumikinang na bagay. Parang isang sing-sing iyon base sa pagkislap ng makinang na diyamante.
Yun siguro ang singsing na dapat ay ibibigay niya kay Lesana para sa kasal nila. Hindi na nangyari dahil sa pagkamatay ng babae.
Hindi ko alam pero nalungkot ako bigla habang pinagmamasdan ang mukha ni Zehel.
His beautiful face was full of grief... and longing. Halatang nami-miss na niya si Lesana. At nahihirapan na siya. He missed her so, pero wala siyang magawa dahil wala na ang babae.
Ngayon ko nakita sa mukha niya ang katunayan, na kahit siya na ang pinakasucessful na tao sa mundo... he's still empty. There... inside his heart was a deep hole, a wound. Sugat na wala na yatang lunas.
Nakita ko ang padarag na pag-inom ni Zehel sa baso na may lamang alak. Mukhang kanina pa siya umiinom base sa bote na ngayon ay kalahati na lang. Gusto kong lapitan si Zehel at kausapin siya. Humingi ng tawad sa pagkawala ng mahal niya kahit pa wala naman talaga akong kasalanan sa nangyari. Gusto kong hawakan ang mukha niya... pero para namang ipinako ang paa ko sa pagkakatayo.
Isa pa, naisip kong tiyak na magagalit lang siya pag nakita ako. Sisigawan niya lang ulit ako at baka ipagtabuyan pa niya ako. Sa dami ng kasalanan at sakit ng ulo na binigay ko sa kanya, nagawa ko sa kanya baka kahit pagpapatawad ay di niya kayang ibigay sa 'kin.
Natulala ako nang makitang hinawakan ni Zehel ang mata niya, tapos huminga siya ng malalim. Next thing I saw... umiiyak na siya.
Para akong binaril sa noo habang pinagmamasdan ang tahimik na paghagulhol ni Zehel sa kawalan. Kita kong nanginginig ang buong katawan niya.
"Lesana..."
Kung kanina para akong binaril... ngayon naman may humampas yata sa ulo ko. Tinatawag ni Zehel si Lesana.
"Les... please come back..." parang nagmamakaawa ang tinig ni Zehel.
Napahawak ako sa bibig ko... tapos tumalikod ako. Nanginginig na din pala ang mga kamay ko.
God. I've never seen any crying man before nor dreamed of seeing one. Hindi ko akalaing makikita ko si Zehel sa state kung saan napakahina niya... ang pag-iyak.
Ngayon lang ako nakakita ng isang halimaw... na umiiyak at nagmamakaawa. Hindi ko kayang tingnan yun.
Naglakad ako palayo at may pagmamadali. Pumasok agad ako sa Mansion nang hindi na lumilingon.
BINABASA MO ANG
Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)
HumorAVAILABLE FOR PRE-ORDER! DM WESAPH OFFICIAL ON FB FOR SLOTS! May nag-offer sa'kin ng kasal, tinanggap ko. Malay kong para sa kakambal ko pala ang alok na'yun! At ayaw niyang maniwala na hindi ako ang kakambal ko! Bra, anong gagawin ko? -GodZila