Rau Freyman's PoV
Yes! Yes, ladies! This is me, Rau. One and only. My name must have sounded very foreign to you, but I'm telling you... just like Zehel, I'm a half blooded.
Half-filipino, half-god. Hahahaha!
Nah. Halata naman sa itsura ko di ba? I'm freakin' resembled the sun god, Apollo? Nakakasilaw ang kaguwapuhan ko! Correct? Ha ha! Kidding. Half-filipino, part-british part-chinese, ako though I grew up in Heathrow, I grew up with my filipina grandma so technically, Pinoy ako by heart.
Zehel is my dormmate at Harvard, yeah. Harvard. Actually, tatlo kami. Me, Zehel and Firenze. Hindi kami magkakakilala noon pero dahil sa pagiging dormmate, naging close kami at magkakaibigan.
Matagal na rin yun kaya masasabi kong kilala ko na ang dalawang yun. Zehel is actually the scariest guy I've met on my entire life, next to grandma, of course. Kahit nung college days namin, seryoso talaga si Zehel. Hindi siya ngumingiti ng basta-basta, kaya kahit guwapo din siya gawa ko... maraming babae ang naiintimidate sa kanya. Pero may sikreto akong sasabihing sa inyo tungkol kay Zehel... aside from his weird fear of zombies, he hates brocolli... to death! Ayaw niya sa gulay na yun!
May isa pa... yan si Zehel, may hobby na para makatulog... nagkakamot muna sa talampakan. Hahahaha! Nung college kami, si Fujima ang madalas na taga-kamot niya. Not me! Na ah! Sinasadya kng madaling araw na umuwi para di niya ako mautusan.
Si Fujima naman... that bastard. Pa-mysterious effect lagi ang isang iyon, hindi mahilig magsalita at madalas na tahimik sa sulok. Pero sinasabi ko sa inyo... hindi yun ang tunay na siya. Sira-ulo talaga ang isang yun. Siya ang nagpasabog ng Chemistry Lab namin dati dahil lang ayaw niya sa lab partner niya. Fujima is a very complex man, hanggang ngayon nahihiwagaan pa rin ako sa kanya at wala rin akong maiitsismis sa inyo tungkol sa kanya dahil talagang masikreto ang lalaking yun.
Nung third na namin sa Law, nagpasya si Zehel na lumipat ng school. Pumasok siya sa Stanford University to study Modern Technologies and Robotics, kaya nahiwalay siya sa min ni Fujima. We both pursue Law in Harvard.
May RedSphere na noon si Zehel, I think highschool siya nang itatag ang foundation ng RedSphere Inc. Lumago pa yun during his college at mas nag-boom bilang corporation. After we graduated, dun na kami nagtrabaho ni Fujima bilang E.A. ni Zehel sa magkaibang division. International Affair si Fujima at ako naman para sa Silicon Valley Charter. I'm telling you, nakakatakot na boss si Zehel... pero galante siya kaya tiis-tiis kami ni Fujima.
One more, we wanted to help Zehel because he's our friend and more than that he's a brother we never had. Okay enough, baka maiyak na ako. Haha!
It's lunchbreak, katatapos lang ng meeting namin sa mga representative ng GTE-Axis Company. Ang totoo, sumakit ang ulo ko sa meeting na yun. Gusto ng GTE-Axis na i-merge ang Company nila sa RedSphere Inc. Interesado ang Presidente ng GTE-Axis kay Zehel at sa kompanya niya.
Makapangyarihan na ang GTE-Axis sa larangan ng modern technologies kaya nagtataka pa ako kung bakit gusto pa nilang makipagsanib sa'min.
Halata ko ang pag-init ng ulo ni Zehel sa meeting kanina, hindi lang siya nagsalita dahil ayaw niyang sumama ang reputasyon niya sa mga representative ng RedSphere Inc. Sinabi lang niya na hindi for sale ang RedSphere.
Tsk. Hula ko, masama na naman ang timpla ng isang yun kaya napagpasyahan ko na puntahan na lang siya.
Natagpuan ko si Zehel sa Lounge Room kung saan may minibar at nakita kong umiinom na naman siya. Must be red wine, mainit nga ang ulo niya kung ganun. Nakaupo sa tabi niya si Fujima na umiinom din... ng tubig. Not surprising at all. Si Fujima ang taong di alam ang function ng alak sa society.
Here's what surprising... nasa tabi nila ang isa pang lalaki. I recognized him as RAVE ALAISTER DEVONCOURT, Zehel's celebrated nephew. College student pa lang din si Rave at ang alam ko, pumapasok di siya sa Stanford ngayon. Sumusunod siya sa yapak ng tiyuhin niya dahil sa murang edad nakapagtayo na rin siya ng sarili niyang kompanya, ang MERCURY G.O.C. commonly known as Wade PhilRx. Isang medical related company na nagfofocus sa pagdevelop ng mga gamot at kung anu-anong drugs.
Devoncourts. Those lucky bastard. Bakit sobrang yaman ng angkan nila? So unfair. Hahaha!
BINABASA MO ANG
Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)
HumorAVAILABLE FOR PRE-ORDER! DM WESAPH OFFICIAL ON FB FOR SLOTS! May nag-offer sa'kin ng kasal, tinanggap ko. Malay kong para sa kakambal ko pala ang alok na'yun! At ayaw niyang maniwala na hindi ako ang kakambal ko! Bra, anong gagawin ko? -GodZila