XLI

10.1K 367 29
                                    


  Zila's PoV

Hindi ko alam kung halusinasyon lang ang nakikita kong lalaki sa harap ko at epekto lang ng gutom ang lahat.

Pero hindi ilusyon ang sakit ng tenga ko dahil sa sigaw niya kaya naisip kong... totoo nga! Nasa harap ko si Zehel!

The jerkest husband ever!

"What are you lying there for?" kunot noong tanong ni Zehel na humalukipkip.

"Wala lang..." sagot ko. "Tinetesting ko lang kung anong mas masarap higaan. Kung 'yung kama o 'tong sahig."

Tumaas ang isang kilay ni Zehel sa pagkakatingin sa 'kin. "And what did you find out?"

"Well, natuklasan ko na... mas okay kung tutulungan mo akong tumayo kesa titingnan di ba?" asik ko.

Sumaltak si Zehel at sa pakitingin ko ay ngingiti siya bagaman at di niya ginawa. He just stretch his hand and took my arm.

The moment his hand touched my skin, I felt a tingling feeling sparking from him to my core. Eeeh. Scary.

Hindi ko pinahalata na nailang ako bigla sa hawak ni Zehel. Nagpadala na lang ako sa lakas ng kamay ng lalaki hanggang sa maibagon niya ako. At dahil sa pwersa ng paghila ni Zehel... nasubsob ako sa dibdib niya.

I smelled his over-familiar minty scent... so addicting.

Hanuba, Zila!! Di ba galit ka sa halimaw na 'yan, bakit nanlalaki na naman ang ilong mo sa pagsinghot sa amoy niya?! Ano, deranged ang utak mo?

Bumitaw ako kay Zehel at dedma kunwaring bumalik sa kama para humiga. Pasimple ko ring sinulyapan 'yung water dispenser... hindi na gumagalaw 'yung tubig.

Nakahinga ako ng maluwag.

Good. Umalis na 'yung multo.

Natakot sa halimaw... kay Zehel. Lol.

Nang makahiga ako lumingon ako kay Zehel. Nakita kong matiim ang pagkakatitig niya sa 'kin at mabilis ang naging pagtibok ng puso ko kaya mabilis din akong nagbawi ng tingin.

Tumitig na lang ako sa kisame at pinagmasdan ang mga butiki.

"Ano palang ginagawa mo dito?" tanong ko sa lalaki.

Narinig kong bumuntung-hininga si Zehel at sunod kong narinig ang footstep niya na palapit sa 'kin.

Syet naman!! Lumalapit siya sa 'kin. Panic attack!

"Bakit hindi mo sinabi na may sakit ka?" narinig kong tanong niya.

"Huwag mong sagutin ng tanong ang tanong ko!" mahina kong asik pero hindi pa rin ako lumingon kay Zehel kahit alam kong nasa kalapit ko na siya. "Anong ginagawa mo dito? Di ba may meeting ka?"

"Bakit hindi mo sinabi na may sakit ka?" ulit na tanong ni Zehel.

Grabe lang. Ang tigas talaga niya.

Tiim-bagang akong lumingon sa asawa ko. "F.Y.I. MR. HIGH AND MIGHTY... SINABI KO SA'YO NA MASAMA ANG PAKIRAMDAM KO KANINANG UMAGA! NAKALIMUTAN MO LANG YATA!" Tumatalsik ang laway ko sa lakas ng boses ko pero wala akong paki.

Inis ako.

Tumikwas ang gilid ng labi ni Zehel habang nakatingin sa 'kin. "I'm busy. Nakalimutan ko."

Gustong umigkas ng paa ko at sipain sa noo niya si Zehel, pinigilan ko lang ang sarili ko.

"Tsh! Paano mo nga naman maaalala na may sakit ako? Nung makita mo si Lady Caroline, tiyak na nabura na 'yun sa memory bank mo..." bulong ko sabay iwas ng tingin. "Asa pa 'ko."

"What?" tanong ni Zehel.

"Wala! Kinakausap ko lang ang sarili ko."

"Psh. Stupid."

Dukutin ko kaya mata ni Zehel? Ako pa talagang stupid. Ggrrr.

"Anyway... how are you feeling now?" tanong ulit ni Zehel.

Tumagilid ako ng higa, patalikod kay Zehel. Ayoko makita mukha niya... naiinis ako.

"Awa ng Diyos, buhay pa naman. Lagnat lang 'to... hindi nakakamatay ang simpleng ubo at sipon," sagot ko.

"I won't say sorry na may sakit ka... kasalanan mo rin naman 'yan. Matigas ang ulo mo."

Ay grabe lang. Hudas talaga siya. Watta jerk!

"Hindi ko naman hinihingi ang sorry mo, husband. Baka magkasakit ka pa kapag sinabi mo 'yun! Baka lumala ka rin at mamatay tapos multuhin mo ako. Sa takot ko magbibigti na rin ako! No thanks, I don't need your sorry!" asik ko.

Dedma lang si Zehel. Tahimik lang siyang nakatingin sa 'kin. Ewan kung pinoproseso pa ng utak niya 'yung sinabi ko.

Tsk!  

  "Paano mo pala nalaman na nandito ako?" tanong ko matapos ang mahabang katahimikan.

"GPS," simpleng sagot ni Zehel na sa kakatuwang dahilan ay nakatitig pa rin sa 'kin.

Ayan na naman kami sa mahiwagang GPS na 'yan. Saan ba kasi nakalagay ang kapiranggot na device na 'yun?

"Ah okay."

Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon