Zila's PoV
Huminga ako nang malalim bago pinihit ang seradura ng pintuan ng kuwarto ni Lesana. Hindi ko alam pero medyo feeling anxious na naman ako. Kinakabahan na di mawari.
Ewan ba. Hindi naman siguro dito nagtatago ang kaluluwa ni Lesana, ano? Isa pa, hindi dapat ako matakot. Tirik na tirik ang araw.
Dahan-dahan kong tinulak ang pinto pabukas at sumalubong agad sa 'kin ang malamig na hangin. Nanirik tuloy ang mga balahibo ko nang wala sa oras. Yay! Hindi naman siguro yun ang pa-welcome ni Lesana, ano?
Zila, para kang tanga! Kung anu-ano ang pinagsasasabi mo!
Humakbang ako papasok, mabilis... para wala na akong oras para matakot.
Dag! Dag! Dag! Dag! Lakad ko.
Tumambad sa 'kin ang isang malaking kama, sa gitna ng isang napakalaking silid. At automatic na bumagsak ang panga ko dahil sobrang ganda ng buong kuwarto...
...sana....
...kund di lang ito madumi at puno ng alikabok. Madilim din ang buong silid at nakaka-suffocate ang hangin sa loob. Mukhang matagal na ngang hindi napapasok ang silid na 'to, napabayaan na o mas tama siguro sabihing pinabayaan.
Triple ng silid na tinutulugan ko ang laki ng silid ni Lesana. At nakita ko na konektado ito sa isang saradong pinto. Hindi ko alam kung ano ang nasa kabila ng pintuan na yun. Iginala ko lang ang paningin ko sa paligid.
Marami ang nagkalat na gamit sa loob ng silid at kalimitan sa mga yun ay mga basag na flower vase, libro at kung anu-ano pang kalat. May nakita pa akong tambak ng bote ng alak sa sulok. Mukhang ito ang ginagawang hang-out inuman ni Zehel pag trip niyang magpakalasing o magwala.
Tsk! Hindi ko siya masisisi, he must have missed Lesana a lot kaya ganun. Wala sa kaayusan ang paligid, parang dinaanan ng delubyo ang silid.
Bakit hinahayaan ni Zehel na magulo ang kuwarto ng babaeng mahal niya? What? To keep his own counsel? Ayaw niyang pakialaman ng ibang tao ang lugar na 'to dahil ito ang haven nila ni Lesana? This is a private place for Zehel.
Maybe, if he can built a wall outside this room then he would... para lang walang ibang tao na makapasok dito. Gaya ko.
Hehe! Zila... tigas talaga ng ulo mo! Yari ka sa asawa mong mahilig kumunot ang noo.
Tsh!
Humakbang ako papalapit sa bintana at hinawi ang kurtina doon. Sumabog ang liwanag sa buong paligid. Paglingon ko sa silid tumawag agad ng pansin ko ang isang malaking portrait ng babae na nakasabit sa isang bahagi ng dingding.
Si Lesana.
Perpekto ang pagkaguhit sa painting. Parang buhay na buhay ang babae sa larawan. Nakuha ng kung sinumang nagpinta noon ang ganda ng mga mata ni Lesana, pati na ang mga ngiti niya. She was really beautiful, that woman. With her sweet smile, lagi siguro niyang napapangiti si Zehel. Para sa 'kin napakamahal ng ngiti ng lalaking yun, pero ngayon sa nakikita ko kay Lesana... kung ganyan kaganda ang ngiting ibibigay niya sa 'kin, mapapangiti rin ako nang wala sa oras.
Tsh! I wish I have your enigmatic smile Lesana... so I can make Zehel smile, too. Yun lang naman ang gusto ko.
Medyo nalulungkot na naman ako kaya pinilig ko ang ulo ko para ma-distract.
"Maganda nga ang portrait mo, but look... punong-puno ka naman ng alikabok. Tsk! Ang mabuti pa... maglinis na lang ako dito!"
Tutal wala naman akong gagawin kaya maglilipit na lang ako ng kalat sa silid ni Lesana.
Ang kaso... tumutol agad si Mana sa ideya ko.
"Naku! Magagalit na nga si Sir Zehel pag nalamang pumasok ka dun... tapos lilinisin mo pa? NAhihibang ka nang bata ka!" sigaw niya sa kin.
Sinabi ko na ako na ang bahala kay Zehel kaya wag siyang mag-alala. "Kung magagalit si Zehel, don't worry ako ang mananagot, Mana! Basta hayaan niyo akong linisin ang silid na yun."
"Alam mong importante kay Sir ang silid na yun... hindi ko maisip kung ano ang pwede niyang gawin sayo oras na malaman niyang pumasok ka doon!"
"Gaya nga po ng sinabi ko... ako ang mananagot kay Zehel..." pilit ko. "Alam kong pribado ang silid na yun, Mana... pero palagay ko... iyon ang isa sa dahilan kaya hindi makamove on si Zehel sa pagkawala ni Lesana. He's still holding to his past. Hanggang kelan niya gagawin yun? Isa pa... sa palagay niyo matutuwa si Lesana pag nakita niyang wala sa ayos ang silid niya?"
Sumaltak na lang si Mana habang nakatingin sa kin na parang di na naman siya makapaniwala. "Hindi kita maintindihan na bata ka!"
Eh? Mukha ba akong equation sa Math na hindi masolve? Akala ko ba dinosaur lang ako.
"Kay Lesana ang silid na yun, tapos pagmamalasakitan mo? Hindi ka ba... nagseselos sa kanya? Na kahit patay na siya eh----"
"Mana naman! Bakit ako magseselos sa kanya?! Juice kow! Hahaha! Alam niyo... wala naman talaga akong pakialam sa kanila ni Zehel, ano? Kung hanggang walang hanggan ang pag-ibig nila, labas na ako dun dahil di ako naniniwala sa poreber.Eeew. Basta ang ginagawa ko'y pakikipagkapwa-tao!",sabi ko agad.
Mahirap na, baka ma-misinterpret ako ni Mana. Hah!
Sa huli, pinayagan din ako ni Mana sa gusto ko. Binigyan niya ako ng cleaning materials. Gusto akong tulungan ni Joyce pero sinabi kong wag na lang para hindi na sila madamay kung sakali man na magalit nga si Zehel sa gagawin ko at bugahan ako ng apoy.
BINABASA MO ANG
Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)
HumorAVAILABLE FOR PRE-ORDER! DM WESAPH OFFICIAL ON FB FOR SLOTS! May nag-offer sa'kin ng kasal, tinanggap ko. Malay kong para sa kakambal ko pala ang alok na'yun! At ayaw niyang maniwala na hindi ako ang kakambal ko! Bra, anong gagawin ko? -GodZila