Zila's PoV
My heart feels like it was struck by a passing silver arrow as I heard my own voice. No, I mean... Liza's voice behind the line.
"Zila? Are you there?" said the voice.
And realization flooded inside my head. Anak ng pitong pating!! Si Liza nga talaga siya!
"L-Liza?" tanong ko sa nangangatal na tinig.
"Yes, it's me!"
Oh god.
"K-kamusta ka... n-na?"
Narinig kong humugot ng hininga si Liza. "Wait... are you actually stammering on me, Zila? Bakit paputol putol ang salita mo? Akala ko pa naman sisigawan mo ako and all. Oh dear! What is your problem ba?"
So conyo.
Grabe. Ganun pa rin magsalita ang kakambal ko. Parang nakikita ko sa isip ko na umiikot ang mata niya. Maarteng Liza.
Sa naisip ay parang nawala bigla ang dagling anxiety attack na tumama sa 'kin. At narealized ko na... na-miss ko din pala talaga ang kakambal ko. She's the only living relative I have, why should I not?
"AAAHHH!! LIZAAAA! ANAK KA NG SAMPUNG GAGA!! BAKIT NGAYON KA LANG NAGPARAMDAM?! SAANG KUWEBA KA BA PUMUNTA HA? NASAAN KA NGAYON?! PUPUNTAHAN KIT---"
Eff. Nasa America nga pala ako. -___-
"ALMOST THREE MONTHS NA 'KONG NAGHAHANAP SA'YO! AKALA KO INABDUCT KA NA NI PICCOLO AT DINALA SA PLANET NEMEK!! ANO?! MAGSALITA KA?! SABIHIN MO SA 'KIN KUNG ANONG DAHILAN NG PAGKAWALA MO AT NAGAWA MO PANG ISANGLA ANG COMPANY NI PAPA!!? TALK LIZA, TALK!!"
Hiningal ako sa pagsigaw ko pero lampake. Gusto kong marinig ang sagot ni Liza.
"Brute. How can I talk if you already blastered my ears with nonsense?!"
Eh? Nonsense? Sampalin ko kaya 'tong si Liza via phone?
"Tsh! Magsalita ka, Liza... huwag kang magpalusot!" sagot ko.
Kung alam mo lang kung anong nasuutan kong gulo dahil sa kagagawan mo. I never could have met that man of your dreams, Zehel. Tsk! At hindi ko alam kung ipa-pagpasalamat ko sa'yo 'yun o ano.
"Zila... I'm sorry," narinig kong mababang tinig na sabi ni Liza.
Yes. Liza must be a first class Prima Donna. Pero kilala ko ang kakambal ko, mabuti siyang tao. When we were young, siya ang mas tagapagtanggol ng mga classmates namin na biktima ng bullying. She's a president, a leader. That's why everyone adored her.
Ako... I'm just the shadow. Ako 'yung mas madalas na nasa sulok at may sariling mundo. Liza and I dreamt of different worlds. At 'yun din ang dahilan kaya magkaiba kami ng ugali.
But I know Liza as a person who never let other down. Kaya nga nagugulat ako sa mga akusasyon ng mga tao na 'bitch' ang kakambal ko. Lalo na 'yung 'murderer'. Hindi ko agad agad 'yun matatanggap.
I heard Liza sighed.
"Sis... patawarin mo ako kung naisangla ko sa bangko ang Legacy nina Papa. I never intended to do it," sabi niya.
"Then why did you?" tanong ko.
"Because... because I have no choice, I lost a lot of money to... gambling."
"WHAAAAT?! GAMBLING?! LIZA NARIRINIG MO BA ANG SINABI MO?!" sigaw ko. Hindi ko akalain na natutong magsugal si Liza. "MARYOSEP KANG BABAE KA!!"
"I know. I know. Sorry na. Depressed na depressed lang talaga ako nung panahon na 'yun. Zehel is about to marry Lesana and I was brokenhearted. Malungkot ako. Wala akong malapitan. Wala naman akong kaibigan, tapos wala ka pa... malayo ka..."
BINABASA MO ANG
Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)
HumorAVAILABLE FOR PRE-ORDER! DM WESAPH OFFICIAL ON FB FOR SLOTS! May nag-offer sa'kin ng kasal, tinanggap ko. Malay kong para sa kakambal ko pala ang alok na'yun! At ayaw niyang maniwala na hindi ako ang kakambal ko! Bra, anong gagawin ko? -GodZila