Zila's PoV
After a series of examinations, kinumpirma ng mga doktor ng Callaway Hospital na healthy na ulit ako at flu-free na kaya pinayagan na din nila akong ma-discharge.
Nakahinga talaga ako nang maluwag. Ayoko kasi ng athmosphere ng hospital eh. Kung tutuusin hindi naman ako kailangang i-ospital. Nagkataon lang na maarte si JM kaya doon ako bumagsak, tapos ginatungan pa ni Zehel na mas maarte ng 50 percent kesa kay JM kaya tumagal pa ako ng tatlong araw samantalang simpleng lagnat lang 'yun.
Kung katulad pa rin ako noon, at hindi ako napapalibutan ng maarteng lalaki, hindi ko papansinin ang sakit ko at magse-set ng appointment sa mga tigre at oso para sa photoshoot nila. Ang lagnat, flu, ubo at sipon para sa 'kin ay normal occurence lang, kaya madalas ako noong sigawan ni JM dahil napaka-careless ko daw pagdating sa sarili ko.
Ang katuwiran ko naman, this is my body at kung may mangyari man sa katawan ko, ako ang may kasalanan nun at wala naman akong ibang sisisihin kundi sarili ko lang din. As easy as that.
Ang mga M.I.B. ang sumundo sa akin sa Callaway Hospital at naghatid sa Vendomme neighborhood kung saan kami nakatira ni Zehel. Ay mali, kung saan pala ako kasalukuyang nakikitira.
Zehel was busy this days at hindi ko naman aasahan na siya pa ang sumundo at maghatid sa 'kin. That would be too much, considering na puro sakit lang naman ng ulo ang dulot ko sa kanya.
I'm still lucky dahil hindi pa niya ako pinapa-salvage sa kabila ng matinding inis niya sa 'kin.
Isa pa, kailangan niyang bumawi sa trabaho dahil dun sa mga panahon na inilagi niya sa tabi ko nung may sakit ako. Yeah, nagulat talaga ako nang todo ng malamang si Zehel mismo ang personal na nagbantay sa 'kin. Inisip ko na siguro ginawa niya 'yun dahil nagi-guilty siya sa nangyari sa 'kin, but then sa isang banda... he doesn't look like he was guilty nor obliged to took care of me just because I'm his wife and it was his fault that I'm sick.
Instead, Zehel look like he was... happy. Alam kong imposibleng masaya siya na bantayan ako, pero 'yun kasi ang pakiramdam ko.
The entire time that he was with me, he was just silent like before. Pero hindi tulad ng dati, hindi na siya nagbubuga ng itim na aura. There's always this small smile at the side of his lips. Na parang lagi siyang may naiisip na masaya.
Hindi na rin ganun kadalas ang pagkunot ng noo niya o pagsimangot.
Kapag iniinis ko si Zehel, hindi na siya nagagalit, he'll just sighed then smile a bit. Madalas tuloy na napapatunganga ako dahil sa ngiti niyang 'yun. Konti pa at talagang mawawala na ako sa katinuan.
Kapag naging politiko ako, una kong ipapanukala ang batas na nagbabawal kay Zehel na ngumiti. Concern lang kasi ako sa future ng kababaihan sa mundo. Zehel's sinful smile was just unacceptable. It is a form of torture for women like me.
Kung anu-anong sinasabi ko ano? Epekto ito ng ngiti niya, nawawala na ang dinosaur sa sarili niya.
Nang makabalik ako sa Vendomme, tudo bonding ang nangyari sa'min ni Mana at ni Joyce. Sabi nila nag-aalala daw sila sa 'kin. Kaya humingi ako ng tawad sa kanila... na ikinagulat nila.
"Why are you saying sorry?" 'yun ang sabi ni Mana.
"Because I made you worried," sagot ko dahilan para magtinginan ang mga mga katulong.
Narinig ko na lang na nagbubulungan sila. "Is she really Liza? I heard Liza won't say sorry over trivial things like that!" sabi ng isa.
"Maybe hindi naman talaga siya masama at maldita gaya ng kuwento ng iba," dagdag pa ng isa.
BINABASA MO ANG
Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)
HumorAVAILABLE FOR PRE-ORDER! DM WESAPH OFFICIAL ON FB FOR SLOTS! May nag-offer sa'kin ng kasal, tinanggap ko. Malay kong para sa kakambal ko pala ang alok na'yun! At ayaw niyang maniwala na hindi ako ang kakambal ko! Bra, anong gagawin ko? -GodZila