Zehel's PoV
Something's wrong with Liza... again. She's leaning on her seat and looking outside the window of the airplane blankly. Binibilang ko ang oras na hindi siya gumagalaw at kalahating oras na ang lumipas. Para sa isang babae na punong-puno ng sugar sa katawan, that's a record.
I knew (just recently) that Liza is a squirming worm to the root of her hair. Ang pagtulala niya nang ganyang katagal na oras ay himala.
Well may panahon na saglit kukunot ang noo niya bago bubuntunghininga nang malalim. Parang may pinoproblema talaga siya dahilan para mas mabahala ako.
"Liza..." I called on her.
No response.
"Liza..." I called again.
Wala.
Humugot ako ng hininga at hinawakan na siya sa braso niya. "Liza!"
"Kabayo mong Liza!!" biglang sigaw ng asawa ko. Napaigtad siya tapos ay nanlalaki ang mata na lumingon sa 'kin. "Bakit ka nanggugulat, Zehel?!" angil niya sabay hampas sa braso ko.
"Your fault, tatlong beses akong tumawag sa 'yo di mo ako pinapakinggan," sagot ko.
Umirap lang si Liza bago muling bumuntunghininga at sumandal sa balikat ko. "Sorry."
"Occupied ba masyado?" Tanong ko. Di ako nagpahalata na nabagabag ako sa pagbabago ng mood niya.
"Tsk! Di mo lang napapansin, husband pero may mga alien na kumukonekta sa isip ko kaya ako natutulala. Mula daw sila sa Planet Bombola at kailangan nila ng tulong ko," mahinang sabi ni Liza.
Napasaltak ako. Ayan na naman siya sa mga ka-wirduhan niya. Pero sinakyan ko na lang yung sinabi niya.
"Ah talaga? What did you told them?"
"I told them na hindi pwede dahil hindi mo ako papayagan na pumunta sa planeta nila kahit sunduin nila ako," sagot niya. "Isa pa, wala akong maitutulong sa kanila. I'm just a mere human in goddess-like form and I'm hella too gorgeous for them to---"
Tinakpan ko ang bibig ni Liza tapos tumango-tango ako. "Are you sure you're not a writer? Ang galing mong gumawa ng kwento," tawa ko.
Tinabig ni Liza ang kamay ko at sumimangot. "I ain't no writer, am a photographer!"
Huh?
Napamaang ako. At napanganga naman si Liza. Umiwas siya ng tingin sa 'kin at nagkamot ng ulo niya.
"I-I mean... I'm a model who works with photographer! Saan mo naman nakuha yang idea na writer ako?" She looked very flushed medyo nagduda ako. I mean what was she trying to imply, that she's a dignify model or a... hiding photographer?
Whatever.
Tumawa lang ako. "Relax Liza, I just told you that cause you made stories so great they sound so real! One thing, they're all funny," I smirked.
Liza just scowl and hid her face behind the curtain of the window.
"Maglaro ka na lang ng Zombie Game kesa makipag-usap sa alien Liza. I hate it when you're that silent," sabi ko. Seryoso na ako. I really hate it when she's acting like that. All troubled-looking and distant.
Ngumiti lang si Liza bago umiling. "Tutulog na lang ako. Takot ka sa zombie ayoko namang mag-panic ka bigla gaya nang ginawa mo nung unang flight natin!"
Pakiramdam ko'y nag-init ang pisngi ko nang maalala ang byahe namin papuntang America dati. When she was playing this zombie game and suddenly gave me almost a heart attack.
BINABASA MO ANG
Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)
HumorAVAILABLE FOR PRE-ORDER! DM WESAPH OFFICIAL ON FB FOR SLOTS! May nag-offer sa'kin ng kasal, tinanggap ko. Malay kong para sa kakambal ko pala ang alok na'yun! At ayaw niyang maniwala na hindi ako ang kakambal ko! Bra, anong gagawin ko? -GodZila