XXVIII

9.6K 346 2
                                    

  Zila's PoV

Okay. I'm back. We're back from the town. Grabe, sobrang fun ng experience ko habang namimili ng kung anu-ano sa Supermarket. Bihira akong magawi sa ganung lugar. I'm not fond of market, you know.

Hindi ako ang taong mahilig mamalengke. Kaya nga nabubuhay ako sa mga pagkaing instant. Like noodles, canned goods at kahit anong pagkain na bubuksan mo na lang. Sa trabaho ko na 'always on the go', wala na akong panahon na mamalengke at magluto ng maayos na pagkain.

Tawa ako nang tawa kanina at saglit kong nalimutan ang tungkol sa sulat na nakita kong nakasingit sa mga lumang libro ni Lesana.

Ang totoo, yun ang dahilan kaya naisip kung tumawag kanina sa opisina ni Zehel. Itinaya ko ang buhay ko para lang dun, ano ka! Alam kong titirisin na naman ako ni Zehel pag ginawa ko yun pero ginawa ko pa rin. I just want to check on him. Kahit papano, may concern na tumubo sa dibdib ko dahil sa natuklasan ko.

I mean it could be na... matagal nang niloloko ni Lesana? Di ba? Di ba? Kasi base sa mga pananalita nung Martin na 'yun sa sulat niya, it sounds like matagal na ang relasyon nila at mahal naman ni Lesana ang lalaking yun.

Damn! Dapat alamin ko kung anong totoo.

Pagkatapos kung tumulong sa pag-aayos ng mga pinamili namin sa market, bumalik ako sa third floor ng mansion. Dun sa kuwarto ni Lesana at itinuloy ang paglilinis/pag-iimbestiga.

Inuna kong halungkatin yung mga lumang libro at isa-isang tiningnan kung may nakasingit pang mga love letter kaso no luck, wala akong nakita. Mukhang isa lang talaga ang love letter ni Martin na naligaw sa mga gamit dito.

Kinuha ko na lang ulit yung love letter at muling binasa yun.

Ayon sa sulat ni Martin, pabalik na rin siya para makipagkita kay Lesana isang buwan pagkatapos maipadala ang sulat. Ibig sabihin, posibleng bumalik si Martin dun sa panahon kung saan namatay si Lesana. The question is... nagkita kaya sila? Naabutan pa kaya ni Martin na buhay si Lesana? O nahuli na siya at hindi na ito nakita?

Nasaan na ngayon si Martin? Heartbroken din kaya siya gaya ni Zehel? Umiinom ng alak kapag nalulungkot? O nakahanap na siya ng iba?

Tsk! Eh bakit ko ba kasi iniisip si Martin? Ano bang kinalaman ko sa kanya?

Si Liza ang dapat inaatupag ko! Kailangan ko nang mahanap ang pesteng kakambal ko na yun! Gggrrr! Hindi naman ako dapat kasali sa mala-tangled na love affair ng mga taong 'to.

Zehel, Lesana, Martin, Liza. Arrggh! Nakakabaliw sila!

Kesa mabaliw ako, itinuloy ko na lang ang paglilinis at itinago ang sulat ni Martin kay Lesana. Baka sakaling kailanganin ko yan in the future.

Nalibang na naman ako sa pag-aayos ng buong ni silid ni Lesana at habang ginagawa ko yun, nag-iisip ak nang kung anu-anong bagay... at tao.

Tulad ni JM. (OK, technically, JM is actually a name derived from Miss A. Halata naman diba? JM is not-so-important character kaya please lang... wala sanang magtatanong kung available siya. Haha!)

Siguradong may ideya si JM kung nasaan si Liza ngayon, ang kailangan kong gawin ay kontakin lang ang lalaking yun. I hope hindi pa siya nakakauwi sa Pilipinas. Siya lang ang alam kong makakatulong sa 'kin.

Si JM ang lifeline ko para makawala sa kamay na bakal ni Zehel. Whehehe.

Sobrang engrossed na naman ako sa paglilinis hindi ko namalayan ang oras. Lubog na ang araw at madilim na ang paligid subalit hindi ko yun pansin. Kumikinang na ang buong silid ni Lesana pero sige pa rin ako sa paglilinis. Feeling Cinderella ang inyong lingkod.

Nagpapagpag ako nang kamay ko nang maramdaman ko ang bilang pagbigat ng athmosphere sa paligid. At napatuwid ako nang humalo sa hangin ang pamilyar na mabangong amoy niya.

Amoy-Zehel!!!

Freak!

Dumagundong ang kaba sa dibdib ko habang unti-unti akong lumilingon sa likod ko kung saan nanggaling ang madilim na aura.

Napasinghap ako nang magtama ang paningin namin at unti-unti ring nanigas ang kalamnan ko sa tindi ng pressure na natanggap ko mula sa mata niya.

Si Zehel... my husband. Dumating na siya, craaaap!

Nakatayo si Zehel sa harap ng pintuan at nagbabaga ang mata na nakatingin sa 'kin. First time I saw... nasabi ko, he's truly a demon! Totoo ang tsismis!

Patay ako!!

"Who gave you permission to enter this room?!!" madiing sabi ni Zehel. Sobrang diin nun na parang literal na sumugat sa loob ko. "HOW DARE YOU!!!?"

Oh mother earth, ibibigay ko lahat ng yaman sa mundo. Pakiusap lang... lamunin mo na ako ng buo!

-----  

Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon