XLVI

9.6K 366 37
                                    


  Zila's POV

Huh?

Napalingon ako nang wala sa oras kay Zehel dahil sa sinabi niya. Wrong move. The moment my head turned, I came face to face with Zehel. And his lips were just breath away from mine. Para tuloy akong tinamaan ng kidlat.

Hindi lang pala ako. Even Zehel looked surprise, bahagyang nanlaki ang mata niya. Pero hindi siya nagpatinag, instead he just smirked.

Napasinghap ako.

"Ui wife, lumalaki ang tenga mo! Tsk! Sinabihan ka lang mabango eh," ani Zehel. Tumama sa mukha ko ang mabangong hininga niya. Amoy mint.

Para itago ang dagliang pagkabog ng dibdib ko, sumimangot ako at mabilis na lumayo kay Zehel. "Lakas ng loob mong sabihan akong lumalaki ang tenga, eh ikaw nga itong MALAKI ANG TENGA!!" sigaw ko.

Napamulagat si Zehel. At bigla ang pamumula ng mukha niya. "A-anong sinasabi m-mong---"

"Huwag ka nang tumanggi, husband! Alam kong 'yan ang dahilan kaya ka nagpapahaba ng buhok mo!! You want to cover up for your BIG EARS!!" turo ko sa kanya.

Gusto kong bumunghalit ng tawa ng lalong namula ang mukha ni Zehel.

'Yun ang dahilan kaya sinabi kong hindi rin perfect si Zehel. Napansin ko kasing bahagyang malaki ang tenga niya sa karamihan.

"H-hoy!" nanlalaki ang matang turo ni Zehel sa 'kin.

"Bleeeeh!" Binelatan ko siya para inisin.

"You!" Nagulat ako nang tumakbo si Zehel at habulin ako.

Napatakbo tuloy ako dahil tiyak na pipisatin ako ni Zehel oras na abutan niya ako.

"Kyaaaaah! Tengang-dagaaaa!"

"Shut up!!"

"Bwahahahahaha!"

Naghabulan kami ni Zehel sa buong kabahayan. Mabilis ako kaya hindi niya ako maabutan, kaya lang... inabot ako ng kamalasan. Sa dadaanan kong makipot na hallway, biglang sumulpot si Mana na halatang nagulat nang makitang nagtatakbuhan kami ni Zehel.

"Manaaaa! Harangin mo ang dinosaur na 'yaaaan!" sigaw ni Zehel sa likod ko.

Kahit nagulat si Mana, sinunod niya si Zehel. Nanlaki ang mata ko nang ibuka ni Mana ang braso niya at harangan nga ako.

"Mana! Padaanin niyo ako!" Pagmamadali kong sabi. Malapit na akong abutan ni Zehel. Pero di sumunod si Mana. Ngumiti lang siya sa 'kin ng nakakaloko.

Oh no!

Hanggang sa dumating nga si Zehel at abutan ako. Humarap ako sa kanya at nag-peace sign. "Sorry na, husband---"

"Hindi ako tumatanggap ng sorry, alam mo 'yan," Zehel smirked.

Napasigaw ako nang bigla akong buhatin ni Zehel at bitbitin na parang pusa.

"Waaaaah! Ibaba mo ako!!"

"Ayoko!"

"Sorry na nga eh," nguso ko.

"Sorry my ass! You need to be punish!"

Genen?

"Saan mo ba ako dadalhin!?" tanong ko.

"You choose, sa swimming pool...?"

Na naman? Paglalanguyin niya ulit ako? "

"... O sa kuwarto?"

Whuuuut?!  

 Kuwarto?
Kuwarto?
Kuwarto?!!

Nagulat ako nang bigla akong hikitin ni Zehel at pasanin na parang sako palabas ng kusina.

Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon