XXIX

9.2K 341 7
                                    


  Zila's POV

Sa pagkakatingin ko kay Zehel... mabilis kong inaalala ang pagkakasunod-sunod ng Abaginoong Maria. Kailangan kong magdasal dahil katapusan ko na!

Napahigpit ang kapit ko sa hawak kong basahan. Nalimutan ko na rin ang function ng lungs ko dahil hindi ako makahinga. Bakit laging ganito ang nangyayari? Gagawa ako ng kalokohan na sinasabi kong di ko pagsisisihan, pero oras na makita ako ni Zehel at natitigan ang nagbabaga niyang mata. Bigla akong magsisisi at hihilingin ko na sana pala di ko na lang ginawa. Kaso huli na.

Nakita na niya ako.

"Z-Zehel.." nauutal kong sabi habang nakatingin kay Zehel na kasalukuyang nagtatagis ang bagang sa pagkakatingin sa 'kin. "Magpapaliwanag ako---"

"ANONG KARAPATAN MONG PUMASOK SA KUWARTONG 'TO?!!!"

Ouch. Galit siya. Positive.

"Z-Zehel... ano kasi... ahm...na-curious lang ako nung makita ko ang kuwarto na 'to kaya hiniram ko kay Mana yung susi. At... at n-nakita ko lang na madumi 'tong kuwarto na 'to---"

"MANAAAAAA!!!!" sigaw ni Zehel. His voice magnified, I bet it reached the neighborhood within ten phase. "MANAAAAAA!!"

Humahangos na dumating si Mana na agad pumasok sa kuwarto. Halata ang pagkataranta at takot sa mukha niya. "S-sir..."

"Sino ang nagbigay ng permiso para makapasok ang babaeng yan dito?!!" galit na tanong ni Zehel sa mayordoma.

Babaeng yan. Tinukoy ako ni Zehel bilang 'babaeng yan'. Hindi Liza. Hindi wife. Hindi asawa. Ouch naman.

Hindi agad nakasagot si Mana, lumingon lang ang matandang babae sa 'kin na parang nag-aalangan.

"TELL ME, MANA!!! DI BA SINABI KO NA BAWAL PASUKIN ANG KUWARTONG 'TO?! HINDI BA YUN MALINAW SA INYO?! BAKIT NIYO BINIGAY ANG SUSI SA KANYA?! HOW COULD YOU DEFY ME?! KUNG HINDI KAYO MARUNONG SUMUNOD SA SIMPLENG UTOS, MIGHT AS WELL... I SHOULD FIRE YOU!!"

Napanganga ako.

"Zehel... ako ang may kasalanan! Ako! Ako ang nagpumilit na pumasok dito kahit sinabi ni Mana na ipinagbabawal mo yun! Sa 'kin ka magalit, wag mong tanggalin si Mana, please..." humakbang ako palapit kay Zehel para sana hawakan siya pero natigilan ako nang lumingon siya sa 'kin at tingnan na parang gusto niya akong lamunin ng buo.

Natakot ako. Totoo. Takot na talaga ako. Pero ayokong magpadala sa takot. May gusto lang akong sabihin kay Zehel, may gusto akong ipaunawa sa kanya.

"How dare you?!" madiing sabi ni Zehel. Nagtatagis ang bagang niya. He now resembled half a demon.

"I'm sorry!" sabi ko. Tapang-tapangan ako kahit pa nga nangangatog na ang tuhod ko sa intensity ng titig niya. "I just thought that this room needs to be clean up. Maraming kalat at basura at---"

"How dare you!!" sabi pa rin ni Zehel na parang di ako naririnig. "This is Lesana's room! Wala ka ni isang karapatan para pumasok dito o galawin kahit isang gamit dito! How could you lay your hands on her things?!"

Aray naman. Ano ba ako? Marumi ba ako? Maraming germs? Masisira ba ang mga gamit ni Lesana kung hahawakan ko? Bakit naman ganun siya magsalita?

"Asawa mo ako!" sagot ko. Pinipilit ko pa ring wag malunod sa umaapaw na presensya ni Zehel. "May karapatan ako sa kahit anong parte ng bahay na 'to! This room must be Lesana's room but---"

Napaatras ako nang humakbang si Zehel papalapit sa 'kin at hawakan nang mahigpit ang braso ko. Tapos tinitigan niya ako sa mata. "Masyado ka nang nanghihimasok, babae! Dapat alam mo kung saan ka lang lulugar! You must be my wife. But you're nothing but a shrew from trash who clings to a man for money and fame!"

Pakiramdam ko ay may tumarak na kutsilyo sa dibdib ko dahil sa sinabi ni Zehel. Sinabi niya lang kung gaano kababa ang tingin niya sa 'kin bilang babae. Yeah, asawa niya ako. Asawa sa papel. At kahit ganun ang sitwasyon namin, for him... si Lesana lang talaga ang nasa puso niya. Wala nang iba. Me? I'm as good as trash.

Wow. Watta word. Basura.

Bakit parang naiiyak ako? Shet lang! Hindi naman dapat para sa 'kin ang salitang yun. Shutang-ina lang!!

"Ang sakit mo namang magsalita..." sagot ko. "Ano bang masama sa ginawa ko?! Kung tutuusin nga dapat magpasalamat ka sa'kin!"

"Magpasalamat?!" nang-uuyam na sabi ni Zehel at mas humigpit ang kapit niya sa kamay ko.

Mashakeeet na, mehn!

"Oo! Magpasalamat! Dahil nilinis ko ang kuwartong 'to! Sa palagay mo ba matutuwa si Lesana pag nakita niya ang hitsura ng kuwarto niya---"

"DON'T TALK AS IF YOU KNEW HER! DON'T!!" tinulak ako ni Zehel at napatama ang likod ko sa pader. Hindi naman malakas pero masakit pa rin. Na-shock ako.

"HINDI MO SIYA KILALA!! YOU DON'T FUCKING KNOW HER SO STOP USING HER NAME PARA LANG MAKALUSOT KA!!"

"Nagpapalusot? Hindi ako nagpapalusot!" sigaw ko. Ni hindi ko na namalayan na wala na pala si Mana. Lumabas na siya ng kuwarto, siguro sa takot kay Zehel kaya umalis na siya. "Hindi ako marunong magpalusot, Zehel! At lalong hindi ko ginagamit ang pangalan ni Lesana! I know you... you love her!"

Zehel's eyes narrowed as he looked down on me. He bared his teeth like a lion about to attack his prey. "Yeah. You knew I loved her... kaya pinatay mo siya!!"

Oh my god. Here we go again. Back to square one na naman kami.  

Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon