Zila's PoV
Anak ng penicillin... natuloy din yata ang sakit ko. Mabigat ang pakiramdam ko at gusto kong mahiga na lang. I want to sleep all day! Kaso pag ginawa ko yun, lalo lang akong magkakasakit kaya mas mabuti pang gumalaw-galaw na lang ako. Sinasabi ko sa inyo, ayoko talaga ng feeling na may sakit. Bihirang-bihira kasi talaga na magkaroon ako nun. At thanks to that bastard husband of mine, tinalaban ako sa oras na 'to.
Tsk!
Tumulong na lang ako pagluluto ng lunch kay Mana at sa ibang katulong. Yung iba parang naiilang pa rin sa 'kin pero nun makita nilang nakikipagtawanan ako kay Joyce at Mana, minsan nakikitawa na rin sila. At hindi na nila ako tinataasan ng kilay gaya nung unang dating ko dito.
Siguro naisip nilang isa talaga akong anghel na pinadala ng langit para putulin ang sungay ng amo nilang inampon ni Lucifer mula nang pagkabata. Hahaha! Anghel ako, walang kokontra!
Nagluto ako ng adobo dahil... wala lang. Feel ko lang kumain ng Filipino food. Gusto ko ng maalat dahil wala akong panlasa ngayon.
Tapos biglang pumasok sa utak ko si Zehel, hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi... naiisip din niya ako? Hahaha! Echos lang! Malay mo naman, totoo. Kaya napagpasyahan ko na dalhan na lang siya ng lunch sa office niya. At para hindi siya magalit, isasama ko ang MIB.
Si Mana ang naghanda ng pagkain, nilagay niya yun sa isang sosyal na basket. Maarteng lalaki daw kasi si Zehel, dapat laging presentable.
Kasama ang MIB, pumunta ako sa Silicon Valley labit ang basket na may lamang pagkain para kay Zehel. Tsk! Wish ko lang na hindi pa siya kumakain, sabagay maaga pa naman. Baka subsob pa ang lalaking yun sa mga papeles niya. Dyahe kasi, dapat talaga tumawag muna ako. Di bale, pag busy siya... uuwi na lang ako, pwede naman yun di ba? Hindi na lang ako magpapakita. Hehehe.
Nagsuot ako ng face mask, nakakahiya kasi... sinisipon na nga ako, inuubo pa. Ayoko namang manghawa ng inosenteng mga nilalang. Okay lang kung si Zehel ang mahawa, di naman siya inosente.
Pfft!
Eleven thirty nang makarating ako sa RedSphere Tower. Medyo na-shock pa ako dahil mainit ang panahon, nahilo tuloy ako pagbaba ng kotse at muntik nang matumba. Buti to the rescue ang MIB Boys.
"Are you okay, Mam?" tanong agad ng isa sa MIB Boys.
Tumango ako bago ipinilig ang ulo ko. "I'm okay, just a little bit dizzy. The sunray is blinding and my name is not Mam. I'm Zila--- I mean Liza. So please do call me Liza, not Mam!"
Kinuha ko ang basket sa loob ng kotse. "Wait for me at the Parking Lot. I'll be right back," sabi ko.
Nagreklamo ang mga MIB Boys at sinabing sasama sila sa 'kin sa opisina ni Zehel pero nagmatigas ako. "Wait for me at the parking lot! Don't be hardheaded boys or I'll runaway from you like before and Zehel the monster will all kill you for being dummies!" sabi ko.
Walang choice ang MIB Boys kundi ang sundin ako. Whahahaha! Panis talaga sila kay GodZila!
Naglakad ako papasok ng RedSphere Tower at hinarang pa ako ng guard dun sa entrance. Tinatanong niya kung sino ako.
"Liza Madrid..." sagot ko.
"You are not in the guest list nor in any---"
"Devoncourt," dugtong ko sabay ngiti sa matangkad at guwapong Caucasian Guard. "I don't need to be in the guest list. I'm a Devoncourt."
Napamulagat ang guard sa sinabi ko.
"Oh! Right, I saw her with Mr. CEO last time. She's the wife!" sabi ng kasamahan niya na agad nag-bow sa harap ko. "We're sorry Mam, he's a newly hired security and..."
"It's okay. No need for apology," sabi ko. Ayoko na nang maraming paliwanag at kuskos balungos.
Pinapasok ako ng mga guard at nakahinga na ako ng maluwag nang dumampi sa mukha ko ang malamig na buga ng centralized aircon. Nahihilo na kasi talga ako sa init ng panahon. O siguro masama lang talaga ang pakiramdam ko.
Napansin ko na parang busy ang mga tao sa buong building. Anong kayang meron? Nagkibit-balikat na lang ako at tinungo ko na lang ang elevator.
May nakasakay ako sa elevator na mga babaeng ng-uusap. Mga empleyado din sila ng RedSphere base sa uniform nila at sa I.D. nila na may tatak ng Evaluation Department. Hindi naman nila ako pinansin dahil masyado silang engrossed sa pagtsi-tsismisan sa kung ano.
"That Caroline... she dared to used her father for her own gain! The nerve of that woman!" inis na sabi ng isa sa mga American woman.
"True. Her style is somewhat a touche. Hah! She's a slut in disguise of an angel---"
"Sssh! Quiet! If the Gunfords hear you lot, you're dead!" saway ng ikatlong babae.
"Oh! I'm scared!" sarkastikong sagot ng isa. "Tsh! Lady Caroline Moreen Gunford, that angel bitch. It's obvious that she's interested with our dear CEO, Zehel!"
ANO DAW?!
Napamulagat ako. Zehel daw. Interasado daw yung Caroline Bang Bang sa asawa ko? Asawa ko? He he. Yeah boi!
"Of course! And that old monkey Cameron, her father wants Zehel to be her husband! Goodluck to them, though. Zehel got married. Hah! Caroline will be disappointed."
Huh? Yung tatay daw nung Caroline Bang Bang, gusto si Zehel na maging asawa nung anak niya. Pero siyempre malas nga naman ni Caroline Bang Bang, may asawa na si Zehel. At ako yun! Ha ha! Tsismis pa more!
"Have you seen his wife? Liza?" narinig kong tanong ng isa.
"No. Not yet but they said she's not pretty..."
Not pretty?
Gggggrrrrrr!
"Not even sexy..."
Not sexy?
Tiningnan ko ang katawan ko. Ahehehe! Nga naman. Compare sa mga babaeng kalapit ko, parang alalay lang ako. Sexy nga sila at sopistikada samantalang ako... still a Godzila!
Saklap!!
-----
BINABASA MO ANG
Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)
HumorAVAILABLE FOR PRE-ORDER! DM WESAPH OFFICIAL ON FB FOR SLOTS! May nag-offer sa'kin ng kasal, tinanggap ko. Malay kong para sa kakambal ko pala ang alok na'yun! At ayaw niyang maniwala na hindi ako ang kakambal ko! Bra, anong gagawin ko? -GodZila