LXI

9.3K 369 12
                                    

  Zila's PoV

Ngumuso ako at minasdan na lang ang papalayong si Zehel. Hindi ako sumunod sa kanya. Iintayin ko na lang na dumaan siya dito kapag nakuha na niya 'yung kotse.

Luminga ako sa paligid, at nagulat ako nang makita ko si Fujima na nakatayo malapit sa 'kin.

"Oh! Nandito ka pa?" nasabi ko.

"No, I'm not here. I'm just a figment of your imagination," nakangising sabi ni Fujima.

-____-

"Ganun? Sige... bumalik ka na sa imahinasyon ko. Shoo! Shoo!"

"I'm not a dog, don't shoo me."

Tch!

'To talagang si Fujima, manang-mana sa bestfriend/amo niya.

"Sabi mo eh," ismid ko.

"FIRENZE! SINO 'YANG BABAENG KASAMA MO?! TUMALIKOD LANG AKO, MAY KABIT KA NA AGAD NA HIGAD?! ANO NA LANG SASABIHIN NINA MOMMY 'PAG NALAMAN 'TO!!?"

Napapitlag ako nang biglang pumailanglang sa ere ang matinis na boses ng isang babae.

Luminga ako sa likod namin ni Fujima. A stupid thing to do may I say. Alam ko nang pamilyar ang tinig ng babae. Sinasabi na nang instinct ko na kilala ko ang babae pero lumingon pa rin ako.

Napasinghap tuloy ako nang tumambad sa 'kin ang pamilyar na bulto ng isang babae.

A petite-sized, equally chinky-eyed woman on her mid-twenties, with straight sleeky black hair, small nose and small lips.

Her small figure somewhat gave her an aura of a pixie creature... but I know better.

Kilalang kilala ko ang babae.

"Georgie..." bulong ko.

"George," tawag ni Fujima sa babaeng papalapit. "It's not what you think!"

"AH TALAGA?! NOT WHAT I THINK WHAT I THINK KA DYAN?! EH HAYAN NGA AT EBIDENSYA NA NAKIKIPAGLANDIAN KA SA BABAENG KASAMA MO!! PANGITI-NGITI KA PA SA KANYA! AT IKAW NAMAN BABAE..."

Napangiwi ako nang lumingon ang babae sa 'kin at magtama ang aming paningin.

Hindi na kataka-taka ang biglaang pamimilog ng mata nito nang makita ako.

"AAAAAAHHH!!" sigaw ng babae na biglang lumapit sa 'kin at hinawakan ako sa braso. "ANAK NG DINOSAUR!! ZILA, ANONG GINAGAWA MO DITO?!!"

Hindi ako nakapagsalita. Nalunok ko yata ang dila ko.

Para lang akong bubuyog na umugong.

"Mmmmmm..."

Georgessa is in front of me. Goodness! Maghuhukom na!

Like I told you before... Georgie is my colleague from National Geographic. In other words, kalahi ko siya. Isang babaeng nakikipagbuno rin sa mga higanteng mammal. If JM is my male bestfriend, Georgessa is my female bestfriend.

"Mmmmmmmm..."

"ZILAAA!" Inalog ni Georgie ang braso ko. "HOY!!"

"Excuse my presence, George. But who's you're calling 'Zila'? Her name is Liza!" singit ni Fujima na hinikit si Georgie palayo sa 'kin.

Umigkas agad pataas ang mga kilay ng babae. "Excuse me rin ha? Liza?"

Lumingon si Georgie sa 'kin. "Kelan ka pa naging si Liza? Ang maarteng supermodel mong kakambal?! Haha! You're funny, Fujima! That woman is Zila! Kilala ko siya mula kuko niyan sa paa hanggang sa split-ends niyan sa buhok. Isang extinct na dinosaur ang babaeng 'yan kaya wala 'yang katulad!"

Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon