Zila's PoV
Nakatingin lang ako sa repleksyon ko sa salamin at pinagmamasdang maige ang sarili kong imahe. Nasa loob ako ng Powder Room kung saan ako pumuslit nang matapos ang conference kanina ng mga miyembro ng Board.
My face is still flushed. Pulang-pula dahil sa nangyari kani-kanina lang. I still can't believe that my crazy idea were now being use as GTE-Axis's anniversary theme. Isang ideya na pinulot ko lang sa loob ng tenga ko. At ang hindi ko mapaniwalaan pa ay 'yung sinabihan ako ni Old Frog--- este, President Gunford na "genius".
Genius?
Weeeeh.
Si Zila na may utak itlog ng dinosaur... isa pala talagang henyo! Hooray!
Personal achievement para sa 'kin ang purihin ng tulad ng Presidente. Pero 'yung pagsasabi ni Zehel na "asawa" niya 'ko... 'yun ang muntik nang PUMATAY sa 'kin.
Sa kilig.
Zehel was so proud that I am his wife. 'Yun ang gusto niyang sabihin kanina. Tokneneng talaga!!
Napangiti ako nang wala sa oras... at nung marealized ko na mukha akong bangag, inayos ko ulit ang ekspresyon ng mukha ko.
Binuksan ko ang gripo at naghilamos ng mukha. Kailangang mawala ang pamumula ng mukha ko. I need to stay cool na para bang natural lang ang nararamdaman ko at hindi masyadong flattered sa nangyari.
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay muli akong tumingin sa repleksyon ko.
At hindi maiwasang magsalimbayan ang lahat ng mga bagay na gumugulo sa utak ko.
First was Liza. Then, the death of Lesana... then that strange guy called Martin. Dumagdag pa ang panggulong ex-lover ni Liza na si Len Sagara.
Arrrggh.
At si Zehel mismo. Ang pinakamalaki kong suliranin sa ngayon. Whatever happens in the future... hindi ako ang pinakang maaapektuhan nun kundi si Zehel.
Si Zehel na ang tanging hangad lang ay hustisya... ngayon, isa na rin siyang biktima. At sa pagkakataong ito... ako na ang salarin.
Bumigat ng todo ang dibdib ko. Parang biglang bumagsak sa 'kin ang buong langit. I realized that I've been caught in a nasty situation where the only way out is to hurt Zehel.
Parang hindi ko naman yata siya kayang saktan. He'd been hurt before, tama nang isang kutsilyo ang nakatarak sa kanya. Hindi ko na yun dapat dagdagan pa.
So it's the other way around. Ako na lang ang dapat ang masaktan. Ako.
Me as Zila. I'm a daredevil anyway. Surely I can handle the hell's own wrath. My punishment.
Kanina magaan ang pakiramdam ko... pero ngayong may mga panibagong bagay akong narealized, parang may sako akong pasan pasan ngayon sa likod ko. Mahirap humakbang palabas ng C.R.
Huminga ako nang malalim.
"Time to get out of the rat's hole and face the world out there, Zila. The cat's bell is ringing," bulong ko sa sarili ko bago ako humakbang palabas ng Comfort Room.
I put a smile on my lips as I open the door.
And there...
I saw...
Waiting for me outside...
Is a man...
Who always take my breath away.
Zehel... leaning on the wall like a model from a thousand dollar magazine.
"There you are," he said, grinning from ear to ear.
BINABASA MO ANG
Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)
HumorAVAILABLE FOR PRE-ORDER! DM WESAPH OFFICIAL ON FB FOR SLOTS! May nag-offer sa'kin ng kasal, tinanggap ko. Malay kong para sa kakambal ko pala ang alok na'yun! At ayaw niyang maniwala na hindi ako ang kakambal ko! Bra, anong gagawin ko? -GodZila