Zila's PoV
I saw the tiger approaching, mailap ang mata niya at alerto. Mukhang alam niyang may taong nakatingin sa kanya. Humawak ako sa sanga ng puno at maingat na kinuha ang camera sa leeg ko.
Hehe. This will be a great spoof-- este, scoop pala... a white tiger! Siguradong pagkakaguluhan ang magazine namin sa buong mundo oras na ma-feature ang famous at napakailap na white tiger na 'to. At siguradong pagbibigyan na ako ng Boss ko na i-increase ang sweldo ko. He he.
Maingat kong binalanse ang sarili ko sa taas ng puno. Makitid lang ang sanga na inaapakan ko. Isang maling hakbang at sa bibig nung white tiger ako pupulutin. Hindi ako dapat maging kampante. Kasing-alerto din dapat ako nung tigre.
Tatlong araw na naming sinusubaybayan ang white tiger na ito sa kagubatan ng Namibia, Africa. Pero mailap siya at hindi nagpakita. Ngayon lang. Kaya hindi ko na palalampasin ang pagkakataon na ito.
Napangiti ako nang makitang humiga ang puting tigre para mamahinga. Nilalaro pa nito ang damo na tumatama sa ilong nito.
How cute. Cute pa siya ngayon, ewan ko lang kung cute pa rin siya pag nakita niya ako dito sa taas ng puno na nagi-stalk sa kanya.
Goodluck, Zila. Kaya mo yan! Fighting!
Iniumang ko ang camera at kumuha ng larawan ng naglalarong tigre. Buti naka-off ang shutter ng camera ko, at least di niya ako naririnig. Halos hindi ako huminga wag lang makagawa ng ingay na tatawag sa atensyon ng tigre papunta sa 'kin.
I got hundred frames from the tiger. Nang ma-satisfied ako, ibinaba ko na uli ang camera at nagmasid na lang sa tigre na ngayon ay nakapikit na.
The white tiger looked so beautiful and magnificent. Napakaganda niyang pagmasdan at hindi ako magsasawa na gawin yun. This white tiger is a special case, he's an albino tiger named by the locals as 'Pinac-an' meaning 'white' or 'pure'.
Pinac-an let out a great snores. Pinigilan ko ang mapatawa, kahit pala tigre... humihilik. At sobrang lakas ng hilik niya. It was like a booming sound. Precious.
Everything was peaceful, the wind, the trees, the tigre at kampante lang ako sa pagtitig sa tigre nang biglang....
"YOU HAVE AN E-MAIL!! I REPEAT YOU HAVE AN E-MAIL---"
Nag-alert nang malakas ang cellphone ko. Sa pagkagulat ko, humulagpos ang pagkakatapak ko sa sanga at bumagsak ako sa lupa. Una mukha.
Sumakit ang ilong ko dahil dun pero bumangon agad ako nang maalala ko yung tigre. Ini-off ko ang cellphone ko at kulang na lang eh ibato ko yun sa malayo sa pagmamadali, kaso huli na. When I turn to look at the sleeping tiger. Hindi na siya 'sleep', si Panac-an ay 'awake na awake', at masama ang tingin niya sa 'kin.
"Oh boy!" wala sa loob na sambit habang naninigas ang katawan ko. I'm probably six meters away from the great white tiger at kahit tumakbo ako... alam kong maaabutan lang niya ako kaya hindi na ako nag-abalang tumakbo.
Inilagak ko na lang ang nalalabing oras ng buhay ko sa pagdadasal. Hindi ako gumalaw nang bumangon ang tigre sa damuhan at mataman na tumingin sa 'kin. At napalunok ako nang ilabas niya ang pangil niya at umungol. Shet! Heto na. Zila, mamamatay kang virgin sa kamay ng isang puting tigre. What a glorious way to die.
When the tiger move its feet towards me, nakatingin lang ako sa kanya at nakikipagtitigan sa dilaw niyang mata. May hepa?
Then the tiger jumped so fast, nasa harap ko na siya bigla. Napahiga ako sa lupa, hindi pa rin ako gumagalaw. Ni hindi na nga din yata ako humihinga at hindi rin ako nagmulat ng mata, hinintay ko na lang ang paglapat ng pangil ng tigre sa katawan ko.
BINABASA MO ANG
Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)
HumorAVAILABLE FOR PRE-ORDER! DM WESAPH OFFICIAL ON FB FOR SLOTS! May nag-offer sa'kin ng kasal, tinanggap ko. Malay kong para sa kakambal ko pala ang alok na'yun! At ayaw niyang maniwala na hindi ako ang kakambal ko! Bra, anong gagawin ko? -GodZila