XL

9.6K 325 5
                                    


Zila's Pov

  The clock struck at seven o'clock. Parang alarm clock na humuni ang tiyan ko. Nagwala ang mga dinosaur Anak ng tokwa, gutom na ako.

Nasaan na ba kasi si JM? Iniwan na lang ako basta. Ang lalaking 'yun hobby rin ang ma-disappear. Parang... ako.

Hehe.

That's the truth. JM is like the male version of me. Kaya nga kami naging mag-bestfriend eh. Patok na patok kaming magkasama. Iisa ang ugali namin maging sa mga gusto. Tulad ko, wala ring pakialam si JM sa maraming bagay ang mahalaga sa kanya'y ang camera niya at siyempre... si Liza.

Umupo ako sa gilid ng kamang inuukopa ko at tumitig sa pintuan kung saan lumabas si JM.

Johan Michael a.k.a. JM is Liza and mine's childhood buddy. Pero nang madeveloped ang simpleng crush ni JM kay Liza into LOVE, lumayo si JM sa kakambal ko.

Mas ginusto niyang tingnan na lang sa malayo si Liza na lumaki namang walang pakialam kay JM. Ewan ba sa kakambal kong 'yun. Naturukan yata ng matinding pampamanhid. Ni hindi man lang niya nahalata ang matinding pagkagusto sa kanya ni JM. Ang iniisip pa ni Liza nun, girlfriend daw ako ni JM.

Eeeww.

JM and I are very close. Pero yung gf-bf thing na 'yun... di nage-exist sa 'min. Kadiring isipin na maging kami. Isa pa, bata pa lang kami alam ko nang si Liza ang gusto ng unggoy na JM na 'yun.

Akala ko nga liligawan ni JM si Liza pagka-graduate namin ng college. Kaya nagtaka na lang ako nung malaman kong sumunod si JM sa 'kin sa London at nag-apply din bilang Photographer ng National Geographer. Nabatukan ko nga si JM nun, natorpe pala siya eh.

Tsk!

Ayan tuloy... si Liza kung sinu-sino na lang ang nakarelasyon. May matanda, may bata, may tao at may halimaw.

Si Zehel. -____-

Pabagsak akong humiga sa kama at tumitig sa puting kisame. Doon ay nakikita ko ang mukha ng asawa ko na nakakunot ang noo.

Tsh! Kahit sa ilusyon... nakasimangot pa rin siya.

Haaay. Ano na kayang ginagawa ni Zehel ngayon? Baka nasa RedSphere pa rin at nagta-trabaho. O siguro kumakain ng dinner kasama si Fujima at Rau... o baka si Caroline Gunford! Hah! Eh di ba nag-lunch date nga sila kanina!?

Tsh!

Kumukulo na nga ang tiyan ko, gusto pa rin yatang kumulo ang ulo ko sa naisip.

Tsk! Hindi ko na siya dapat isipin. Hihiwalayan ko na naman siya eh. Who knows baka di na kami magkita. Ayoko na talaga. Ayoko na sa ugali ni Zehel.

JM promised to help me and I never doubted his ability to search for Liza. Alam kong in no time, makikita niya ang kakambal ko. Then it'll be over. Me as Liza will be over.

Tumagilid ako at nakipagtitigan sa water dispenser na nakapuwesto sa may tapat ng kamang hinihigan ko. Gutom na talaga ako. Asan na ba kasi si JM?

-klug klug-

Napapitlag ako nang biglang umalog ang tubig sa loob ng dispenser. At bigla... inatake ako ng matinding anxiety.

Bakit biglang gumalaw yung tubig sa dispenser? Gagalaw lang dapat 'yun kung may kukuha ng tubig. Pero wala namang lumalapit dun.

Hala!

Bigla na-paranoid agad ako at inatake ng matinding kaba. Tumambling sa utak ko ang kuwento ni JM nung bata pa kami na marami raw multo sa hospital dahil sa dami ng namamatay sa lugar na 'yun araw-araw. Sakitin kasi si Liza nung bata pa kami kaya madalas siyang ma-confine sa hospital. Siyempre kasama ako pero dahil sa unggoy na JM na 'yun, mas nauuna pa akong i-admit sa emergency room kesa kay Liza. Nahihimatay ako sa takot.

Callaway Hospital is not an exemption. Binilang ng utak ko kung ilan na ang namatay dito sa silid na kinalalagakan ko ngayon.

Eeeiiih. Sinasabi ko sa inyo... matindi talaga ang takot ko sa multo. Nanginginig ako pag pumapasok sa utak ko ang imahe ng babaeng lumulutang sa ere at may mahabang buhok.

Hinikit ko 'yung kumot ko at tinaas yun hanggang sa leeg ko habang parang tanga na palinga-linga sa paligid.

Eeeiih! JM, asan ka na kasi? Pektus ka sa 'kin oras na makita kita!

Naparanoid ako lalo at nanlaki ang mata ko nang makitang gumalaw ang malaking kurtina na tumatabing sa bintana.

Aaah! Bakit gumalaw 'yun? Hangin? Imposible! Sarado ang mga bintana dahil may heater ang silid, paano magkakaroon ng hangin?!

Eeeeeiihh!

Nang maulit ang paggalaw ng kurtina. Di na 'ko nakatiis... bumaba ako ng kama at parang tanga na nagtatakbo palabas ng pintuan.

"Waaaaah! Multo! May multo sa silid ko!"

Parang di ako nahihilo kanina, halos liparin ko ang pinto makalabas lang agad ng silid.

Kaso dahil sa pagmamadali ko... di ko na napansin na meron din palang nilalang na tumatakbo papasok ng silid. Bago pa ako napapreno, dumaplak na ang mukha ko sa matigas na dibdib ng pigurang papasok.

*baaaaag!*

Napaatras ako sa lakas ng impact sabay higa sa sahig. Lalo na 'kong nahilo. Ano ba 'yung bumundol sa 'kin... pader?

Na mabango? Parang amoy-Zehel.

Nagmumuni-muni pa ako at dinadama ang lamig ng sahig sa likod ko nang dumagundong ang boses niya.

"ANONG HINIHIGA-HIGA MO DYAN?!!"

Napamulagat ako. Boses 'yun ng halimaw na asawa ko. Si Zehel!

"Anong---?!"

Nanlaki ang mata ko nang masilayan sa harap ng pintuan ang lalaking isinumpa ko yata ng isandaang beses ngayong araw na 'to.

Si Zehel Devoncourt!! In flesh and blood!!

*faint*

De joke lang... di ako nahimatay. OA.

-----  

Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon