XLIII

10.4K 378 76
                                    


  Zehel's PoV

The Bodyguards lined up when they saw me. Agad nilang tinanong kung kamusta na si Liza. All of them looked pretty concern, medyo nagtaka tuloy ako. Hindi ba naiinis ang mga bodyguards na 'to dahil lagi silang tinatakasan ni Liza?

"I hope Mrs. Godzilla will soon be fine..." sabi ng isa sa mga bodyguard na natatandaan kong pinakabata sa grupo.

Huh? Anong tinawag niya kay Liza?

"Godzilla? Why are you calling my wife like that?"

Nagtinginan ang mga MIB--- damn! Bodyguards sabi... sa isa't isa. Bago mahinang nagtawanan.

"It's because she's always making that 'rawr' sound. Haha!" sagot ng Head ng mga bodyguard. "And she wants us to call her Godzilla, we don't know why but it's fun. She's a funny woman too, Sir."

"Yeah. She always makes us laugh on duty, telling us jokes about different countries in the world," dugtong ng isa.

Natigilan ako. Base sa sinabi ng mga lalaki, mukhang nakuha na agad ni Liza ang loob nila. Ang nakakapagtaka lang... paano nagawa 'yun ng bruhang babaeng 'yun? Tinubuan siya bigla ng sense of humor? Unthinkable.

Come to think of it, kahit ako... napapatawa niya. Saan nagmula ang abilidad niyang 'yun? Tsk! Liza, Liza, Liza... you are now a mystery to me.

"Your wife is something, Sir..." anang isa pa dahilan para tingnan ko siya. "I hope I'll find someone like her, too in the future."

"Wait... are you telling me you have a crush on my wife?" tanong ko.

Nagtawanan ang mga lalaki. "Actually... all of us have a crush on her, Sir!"

"Whaaat?!" di ko mapigilang sigaw. "You... you what!?"

Hinahangaan nila si Liza? Paano nangyari 'yun? Bulag na ba ang mga lalaking 'to?

"It's just an infatuation with respect, Sir... you have nothing to worry about."

Tiningnan ko isa-isa ang mga lalaki. Tumatawa sila pero halatang totoo yung sinabi nilang 'crush' nila ang asawa ko. Tsk! Hindi 'to dapat malaman ni Liza... baka lumubo ang ulo n'un sa sobrang saya dahil taga-hanga niya ang mga MIB.

Sinabi ko na lang sa mga bodyguard na umuwi na lang sila at bumalik bukas ng umaga. Sinabi ko rin na ako na lang ang bahala kay Liza at magbabantay ngayong magdamag.

Sumunod naman ang mga lalaki at umalis na nga sila.

Bumalik na rin ako sa room kung saan naka-admit si Liza. When I enter the room, I saw my wife... still sleeping. Mukhang malalim na ang tulog niya.

Kanina, namangha ako nang makita kung paano napataob ni Liza lahat ng mga pagkain na in-order ko. Sobrang dami noon pero wala pang limang minuto eh naubos na niya. I never knew she has this dinosaur-appetite. Ni hindi niya ako naisip alukin nung pagkaing binili ko. Basta kumain siya na parang wala ng bukas.

Take note, hindi niya ako kinausap sa buong panahon na kumakain siya. Kaya wala akong nagawa kundi ang tumayo lang at tingnan ang pagkain niya.

Tsk!

I find that traits of her so strange... and new. Ewan pero sobrang laki ng pinagbago niya simula nung makasama ko siya pagkatapos ng kasal namin. If I didn't know her, I would say na... hindi talaga siya si Liza, kundi isang babae na carbon copy lang ng asawa ko.

Pwedeng isa talaga siyang alien na nagmula sa ibang universe at ginaya lang ang mukha ni Liza. Sobrang alien ng ugali niya eh.

"Hrrrrrrkkk..."

Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon