Zila's PoV
Lumala yata ang lagnat ko, mas uminit ang ulo ko.
"Excuse me?" angal ko. "Me? Stupid?!" Lumapit pa ako sa matanda at namewang sa harap niya.
"Miss, you're making a lot of trouble---"
"I don't care!" baling ko sa isang lalaki. "You shut your thin mouth or I'll zip it for good, you wouldn't be able to kiss your girlfriend for centuries!!"
Natahimik ang lalaki kaya hinarap ko ulit ang matanda na hindi natinag sa pagtataray ko.
Tinaasan ko siya ng kilay. "I maybe stupid, Sir... but you're more stupid than me!"
Automatic na tumalim ang mata ng matandang lalaki. Pasalamat ako, namanhid na yata ako sa 'deathglare' ni Zehel kaya walang epekto sa 'kin ang ganung nakakahilakbot na tingin.
"How did you said that? Me, stupid?!"
"I'm looking at the floor, there's no chance I could see you approaching," sabi ko. "Hence, it should be you who see me walking. Unless, you're looking at the ceiling... Sir!"
Nagtagis ang bagang matanda pero nakita kong may kumislap na kung anong liwanag sa mata niya at bigla ring nawala. Hindi ako sigurado... but it almost like a glint of amusement. Pagkatapos nun, his eyes grew ice cold.
Bumaling siya sa lalaking sa tabi niya. "Get this girl away from me!"
Whuuut?!
Hinawakan ako sa braso ng dalawa pang lalaki na sumulpot mula sa kung saan at kinaladkad ako palayo sa matanda.
Natural nagwala ako. Ano ako, basura na itatapon nila?! "Get your dirty hands off me, you mongrels!" sigaw ko. At nakatawag kami ng atensyon sa mga tao sa paligid.
Thank god, I'm still wearing my face mask. Nakakahiya kung makikita ng mga empleyado ang mukha ko.
"Get your ruddy hands off---"
"WHAT'S HAPPENING HERE?!!"
Natigilan ang lahat nang dumagundong sa lobby ang pamilyar na tinig ng isang lalaki.
Syeteng talong!! Boses yun ni...
Lumingon ako sa pinanggalingan ng tinig at napatda ako nang makita si Zehel...
Gorgeous in silver-gray business suit. Man, he really looked dashing in gray. Pero gaya ng lagi kong nakikita, galit na naman ang expression ng mukha ni Zehel.
Teka lang... bakit parang gusto ko ring magalit sa nakikita ko ngayon? Gusto niyong malaman kung ano 'yun? Wag na, baka magalit rin kayo!
Hah!
Sige, sasabihin ko na rin. Di ako nakatiis.
Tangna juice! May anghel na babaeng nakaangkla ang kamay sa braso ng asawa ko!!! Gets niyo ako?! Isang nakangiting magandang babae ang nakahawak kay Zehel at mukhang... ayos lang yun sa lalaki.
The bastard!!
Si Lady Caroline Bang Bang ba ang babaeng 'yun?! Freak!
Lumapit si Zehel sa gawi namin at labit niya ang magandang babae sa tabi niya. Hindi ako ang taong marunong ma-insecure o whatsoever, dahil mataas ang tingin ko sa sarili ko. Pero nang mamasdan ko ang kabuuan ng babae, parang gusto kong tumakbo palayo. Tumubo lahat ng insecurities sa katawan ko.
Lady Caroline... is absolute perfection. Baka kahit sa libag niya, wala akong panama. Gosh! Bumalik ulit yung sakit ko.
"What is going on here?" Maawtoridad na tanong ni Zehel sa mga lalaki, ni hindi niya agad ako napansin. Sabagay, paano niya ako mapapansin eh may anghel sa tabi niya.
"This woman, Mr. Devoncourt," turo sa 'kin ng lalaking alalay nung matanda. "She's harassing Lord Gunford!"
Sinipa ko sa binti niya ang lalaki, hindi lang umabot dahil kinulang sa stretch ang binti ko, nahawakan din ako nang dalawa pang lalaki sa braso ko.
"Harassing your face, liar!! He bumped into me and all I wanted was his apology! Instead he called me stupid! Now, who's harassing, dingbat!? Where's your brain?! You left it inside the trash!" sigaw ko.
May bahagi ng utak ko ang nagflashback. Feeling ko kasi may sinabi ang lalaki na hindi agad na-process ng utak ko. Ano yun? About the old man... wait. Anong tinawag niya sa matanda?
Lord Gunford?
Gunford?!
That Gunford!
"Old frog!" wala sa sarili kong turo ko sa matandang lalaki.
"I'm sorry, but what did you just called me?!" galit na baling sa 'kin ng matanda na naningkit ang mata.
Nanlaki naman ang mata ko. Anak ng butong pakwan, ang ungas ko! Nasabi ko ba yung nasa isip ko? Wew. At least, nagsabi siya ng I'm sorry.
"There! I got my 'sorry'! Exit na ko!" sabi ko sabay tabig sa humahawak sa 'kin. Pero di nila ako pinakawalan dahil masama ang tingin sa 'kin ng matandang Gunford.
Tortang crab! Ang matandang 'to pala ang Cameron Gunford na yun.
Napadako ang tingin ko kay Zehel at medyo nagulat ako dahil nakatitig siya sa 'kin. At oo, palagay ko nakilala niya ako base sa espesyal na pagkunot ng noo niya. Hindi ko magawang bumati sa kanya. Hello! Alangan namang sabihin kong... 'Hi, husband? How's your lunch date with Miss Beautiful? Good?' Nah! Sound so tanga nun, kaya nanatili lang nakatikom ang bibig ko. Hindi rin ako nagpakita ng kahit anong recognition na nakikilala ko siya.Nag-iwas ako ng tingin sa kanya kaya dumapo ang mata ko sa babaeng katabi niya.
Wow ha! Enjoy na enjoy ang Caroline na 'to na nakahawak sa asawa ko! Hindi ba niya alam na married man yang kinakawitan niya? O wala rin siyang pakialam. Grabe! What? Is she another Lesana? Angel-looking, Maria-Clara woman pero dinaig pa si Madonna sa pagiging... slut?
Opps! Di ako ang nagsabi nun! Yung mga babae sa elevator ang nagpauso nun.
May pumitik na kung ano sa sentido ko, napangiwi ako sa sakit. Saglit din na nagdilim ang paningin ko. Nakalimutan ko bigla kung sino ako at kung anong ginagawa ko.
That snap on my head stayed for seconds. May naririnig akong nagsasalita pero nanatili akong nakapikit. Masakit na masakit ang ulo ko. Gusto kong umiyak. Hudyong bakulaw, may nagsasayaw na demonyo sa loob ng utak ko!
"Who's this woman, anyway?!" Narinig kong galit na sigaw ng matanda. "How dare her called me 'old frog'?! Tell me, Zendrel... is she an employee here? How could you employed a random crazy girl?!"
Pasalamat ang matandang 'to, masakit ang ulo ko. I could show him how crazy I am.
Tumingin ako kay Zehel... walang expression amg mukha niya habang nakatingin sa 'kin. I can't read his face nang bumaling siya sa matandang Gunford.
"Don't trouble yourself with her, President Gunford," wala ring emosyong sabi ni Zehel. "Base on her face mask... she must be from the Maintenance Department."
Whuuut? Maintenance Department? Sinabi ba niyang taga Maintenance Dept. ako? Dahil lang naka-face mask ako? Tangna mu! May face mask ako dahil sa kagagawan mo!!
I'm not expecting him na ipakilala ako bilang asawa niya dahil alam kong babagsak muna ang mga bulalakaw bago mangyari yun. But... Maintenance? MAINTENANCE?!!!
BLOODY HELL!!
Na-shock ako ng todo kaya di ako agad nakaugok. Napaubo lang ako at mas dumilim ang paningin ko. Gosh! Kailangan ko nang umuwi... ayoko na!
Ayoko na dito! Uuwi na ako sa Pilipinas!
"A maintenance girl and she dared to speak those words in front of me!?" sabi ng matanda. "She needs to be punish!"
Punish mong mukha mo, unggoy!
"Dad... you're scaring the girl," sabi ng babae sa tabi ni Zehel. She sounded very concern kaya napatingin ako sa kanya. Lady Caroline Moreen Gunford. An epitome of beauty and kindness. Aminado na 'ko, she and Zehel looked good together.
Bagay sila.
Bagay silang pag-untugin at ibala sa kanyon papunta sa umuusok na bunganga ng Swahili Volcano sa Alaska.
Shit sila! I don't deserve this kind of treatment. I'm a photographer and did nothing with their lives! How could he...
Nagpumiglas ako sa hawak ng dalawang lalaki tapos humarap ako sa matandang lalaki. "I'm sorry, Sir! For the harsh language. You see, I'm just a stupid maintenance girl anyway! I didn't even graduated from college so pardon my bad mouth! I'm sorry for the trouble and disturbances I'd caused..."
Deretso lang ang tingin ko sa matandang lalaki. Tang na! Di na ako takot sa kanya. Ang gusto ko lang ay makaalis na sa lugar na 'to kaya kahit labag sa puso ko, ako nang nagpakumbaba.
"It won't happen again." Lumingon ako kay Zehel at parang robot na lumapit sa kanya. Huminga ako ng malalim at tumitig sa mata niya. Yung tipong minumura siya ng 'fvck you, husband'. Ni hindi man lang siya natinag, alam niyang ako ang asawa niya pero heto at may ka-abrisyete siyang iba!
"Sir... I deeply am apologizing for this scene. For repentance, I'm resigning for my work as MAINTENANCE GIRL in your precious company effective today! Thank you so much for accomodating me in very short time. I enjoyed working here. As for now, I must say... goodbye Boss! Good riddance amd may you have many more birthdays to come!"
Nag-bow ako sa harap niya at tinanggal ang face mask sa mukha ko tapos tumalikod ako at nagmamadaling tumakbo palabas ng RedSphere Tower.
Hilong-hilo na ako at masakit na masakit ang ulo ko kaya hindi ko na pinuntahan ang MIB sa Parking Lot. Sumakay ako sa unang taxi-cab na nakita ko.
"Where are you heading to, Miss?" tanong ng driver.
"To hell!!" sigaw ko.
Nganga ang lalaki.
-----
BINABASA MO ANG
Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)
HumorAVAILABLE FOR PRE-ORDER! DM WESAPH OFFICIAL ON FB FOR SLOTS! May nag-offer sa'kin ng kasal, tinanggap ko. Malay kong para sa kakambal ko pala ang alok na'yun! At ayaw niyang maniwala na hindi ako ang kakambal ko! Bra, anong gagawin ko? -GodZila