XVIII

9.5K 379 2
                                    

  Zila's POV

"Hey Miss, you're runnin' like hell, eh? Why? Me just wan' to give you somethin' but we don' like chasin' girl..." sabi ng isa.

O em! Mukha siyang... hayok!

Napaatras ako ng lumapit sa 'kin ang isa sa apat na lalaki.

"Don't come near me!!" sigaw ko. "I'm telling you, I'm a certified black belter in taekwondo! You don't want to hurt your neck, don't you?!"

Nagtawanan ang mga amerikanong lalaki.

"Black belter, huh? You sure is funny, baby! With that small arms of yours..."

Hinawakan ako ng lalaki sa braso ko. Pumiksi ako at mabilis na hinawakan siya sa braso niya sabay hila at ikot. Kahit maliit ako... nagawa kong ibalibag ang lalaki sa semento. Sigaw siya nang lumagabog sa matigas na pavement ang likod niya.

"Aaah! You bitch!!"

"Nagbabala na ako sa inyo, mga gago!" sabi ko sabay pagpag sa mga daliri ko. "It's been a long time since I fight... this is a good warm-up!"

Pumwesto ako at tinaasan ng kilay ang mga lalaki.

Oo natatakot pa rin ako, pero ito ang paraan ko ng pagpapakalma sa sarili ko. Dahil isa akong dinosaur, sanay ako sa karahasan. Maaaring takot ako... pero hindi nangangahulugan yun na duwag ako. (<--- This dialogue is brought to you by Ejay from MWLS. xD)

"Fire up, m'boys. Go ahead and make my day!" Ngayon pa, naghahanap ako ng mapapagbuhusan ng inis ko sa sitwasyon ko.

Naalarma ang mga lalaki at parang nag-alinlangan sila nang makita ang kasamahan nila na di pa rin makabangon.

Unang sumugod ang isa sa mga lalaki at inumbayan ako ng suntok. Thank God, maliit ako, nagawa ko siyang iwasan tapos inumbayan ko siya ng suntok sa mukha.

Napaatras ang lalaki nang tamaan siya panga. Napangiwi naman ako feeling ko, nabali ang daliri ko sa tigas ng mukha ng lalaki. Mashakeet!

Magkasunod na sumugod ang dalawa pang lalaki. Sinalubong ko ng sipa ang nauna kaya bumangga siya sa lalaking kasunod niya at parehas silang napagulong dun sa lalaking bago pa lang babangon sa semento. Buhol-buhol sila.

May humawak sa braso, paglingon ko... yung lalaking nasuntok ko sa panga. Buhay pa pala siya.

"Maling kamay ang hinawakan mo, Dude!" sinuntok ko ulit siya gamit naman ang kabilang braso ko.

For the second time, ngumiwi ako. Masakit talaga sa kamay ang mukha niya.

Hinimas ko ang daliri ko. "Oh my poor poor hand! Pasensya na kayo."

Bumangon ang tatlong lalaki.

"You fvckin' monstuh!" sigaw ng isa na pinanlisikan ako ng mata.

"Yeah. I'm a monster... but I don't fvck! I'm a virgin, you mudbloods!"

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakikipagbugbugan sa mga adik. Gulong na sila sa kalsada pero no surrender pa rin ang mga ogags.

"Monstuh! We just want to..."

booogsh!

Nasuntok ko sa mukha niya ang lalaking nagsalita.

"Fvck!" mura niya sa sakit.

Hah! Beastmode ako! Gusto kong manakit, narinig niyo? Gustong manakit ni GodZila! Raaawr! Kakainin ko kayo!!

May humawak ulit sa braso ko. Pumiksi ulit ako at walang babalang sinuntok ang lalaki sa mukha niya.

"Aaaah! Damn!" sigaw ng lalaki.

Hinarap ko ang lalaki.

" Hah! I told you to--- OMO!"

Napanganga ako. Bakit hindi... eh si ZEHEL pala yung nasuntok ko!! Waaaah!

"Husband!" hindi humihingang sabi ko. "Anong ginagawa mo dito?"

Hawak-hawak ni Zehel ang pisngi niyang tinamaan ng kamao ko... at masama na naman ang tingin niya sa 'kin. Holly molly!

"You're dead, woman!" galit na sabi ni Zehel.

"Oh so dead," bulong ko.

-----  

Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon