XLII

10.6K 349 16
                                    

  Zila's PoV

Kulang na lang bumaba ako sa kama at sumayaw ng Kumbaya sa gulat kay Zehel. I'm really not expecting this, not at all. Siya ang nagsabing hindi siya hihingi ng sorry, pero ginawa niya! At hindi lang 'yun, he said he was feeling sorry.

Feeling sorry for me!

Waaaah. Sinong may sabing hindi worth ang pagkakaroon ng lagnat? :-P

Namumula ang mukha ni Zehel sa pagkakatingin kay JM. Mukhang hindi niya inaasahan ang mga salita na lumabas sa bibig niya.

Haha! Too late para bawiin, totoy. Nasabi mo na. Sorry! He said sorry! Hindi na ako babalik sa trabaho ko. Sa tabi na lang ulit ako ni Zehel like... forever!

Haha! De joke lang. Wala daw forever eh.

But still, I can't believe it... really!

I saw JM's expression changed from flush to I-got-you-bro-slick kind of expression. May gumuhit kasing ngisi sa pisngi niya. Parang nagsasabing 'huli ka!'

"There you go. 'Yun lang naman ang gusto kong marinig eh..." ngising sabi ni JM. "For you to say that you're sorry, Devoncourt."

Parang nilulon ng sawa ang expression ni Zehel. Hahaha! Gulat na gulat ang mata niya sa pagkakatingin kay JM.

"I-I say what?" ani Zehel na awang ang labi. "I didn't---"

"Hep! Hep! Hep! Walang bawian!" agaw ko. "Touch move, husband. You said 'sorry', dinig na dinig ng lahat ng butiki sa kisame kaya wag ka nang tumanggi, okie?"

Ngumiti ako nang matamis kay Zehel. Bakit ba? Di ako makatiis eh. Pang Guinness World Record ang ganitong mga moment kaya dapat i-enjoy ko. Hehehe.

Nakita kong lumingon si JM sa 'kin at base sa pagtaas ng kilay niya, nanganganib na batukan niya ako dahil sa pagngiti ko kay Zehel.

Sa huli, napailing na lang si JM sabay saltak at tingin sa asawa kong mukhang di pa rin matanggap na nagsalita siya ng 'sorry'. Lol.

"Tsk! Well then... maiwan ko na kayo dyan," ani JM na nakay Zehel ang paningin. "I don't want to say it's nice to meet you, Devoncourt... Because I'm not glad meeting you."

Madiin ang pagkakasabi ni JM nun kaya tumiim ang bagang ni Zehel.

"The feeling is highly mutual," sagot ng monster.

Wew. Hayan na naman sila sa mga stunning deathglare nila.

JM smirked, bago siya muling lumingon sa 'kin. "I should go, dinosaur. Tutal nandito na ang ASAWA mo. Stop making trouble, and stop being a stubborn cat, di ka na natuto sa mga experience mo!"

Napanguso ako. "Opo, tatay."

"Tigilan mo na rin ang pang-aasar mo. Aish! At 'yang pagsagot-sagot mo..."

"She's a smartmouth-buttheaded shrew..." singit ni Zehel sa tabi.

"Dapat sa'yo ibartolina eh," dagdag ni JM.

"Or have her admit in a Mental Hospital," tumatangong dugtong ni Zehel. "She's crazy."

"I agree with you," sang-ayon naman ni JM.

"Utot niyo!" sambit ko.

Dalawang 'to... akala ko ba sila nagsasagutan kanina? Bakit pinagtutulungan na nila ako ngayon? Pag-umpugin ko sila eh. "Kung lalayas ka JM... bilisan mo! Hindi 'yung magpapaalam ka lang, bubuskahan mo pa ako. May isang nilalang tuloy ang ginaganahan sa panlalait sa 'kin," sabi ko sabay tapon ng tingin kay Zehel na nakahalukipkip.

Ngumiti si JM at inisang-hakbang ang pagitan namin. He hugged me quickly, hindi agad ako naka-react. "Ako nang bahala kay Liza, Zila. Wag ka nang mag-alala, okay?" mahinang bulong ni JM sa may tenga ko. "I'll contact you once na magkakuha ako ng impormasyon sa kakambal mo. So just relax and---"

Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon