LIX

10K 374 29
                                    


  Zila's PoV

Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain sa loob ng McDo kahit pa nga iniwan na ako nina Cid at Soram. Kailangan ko ng lakas, hahanapin ko pa ang Mister kong baka nilapa na ng mga buwaya.

Yum. Yum. Yum. Yum.

I was about to munch a piece of chicken leg when someone hit me lightly on my back.

"Hey!" angal ko sabay lingon sa likod.

There I saw...

"Zehel?!"

Yeah. Si Bunny Hubby nga. Nakatayo sa likod ko habang nakakunot ang noo. May hawak siyang paper bag mula sa isang kilalang pizza house na nahihinuha kong naglalaman ng pagkain. Sa isang kamay ay may hawak siyang dalawang stuff toy. Ang sikat na character na si GODZILLA at ang isa ay si BUGS BUNNY! At 'yun ang inihampas niya sa likod ko.

"Devoncourt! Saan ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap!!" bati ko.

Nangunot nang lalo ang noo ni Zehel.

"Ako rin! Kanina pa rin kita hinahanap," lumapit si Zehel sa silyang binakante ni Cid at umupo dun. "Ang sabi ko sa'yo huwag kang kang aalis dun! Kung hindi lang dun sa GPS sa... hindi na sana kita nakita."

"Eh kasi ang tagal mo. Muntik na akong tubuan ng ugat dun, no? Namumuti na yung mata ko sa gutom," reklamo ko.

Tumitig si Zehel sa 'kin nang matagal bago bumuntung-hininga. "Sorry. Na-meet ko kasi sa daan si Fujima at 'yung fiancee niya. They're on date, too. Ayun, napakwento ako. Ang daldal kasi ni Georgessa. She's just like you, you know!"

Eh? Georgessa? Ah. Yung fiancee ni Fuji-desu. Nice. May kaibigan din ako na Georgessa ang pangalan. Kasamahan ko sa NatGeo. Take note: madaldal din siya.

"Nag-date din sila sa Zoo?" tanong ko sabay halungkat nung mga pagkaing dala ni Zehel.

"Yeah. Georgessa loves animal. I remember, she's a researcher from National Geographic Channel so that's a given," sagot ni Zehel.

Nabitawan ko bigla yung hawak kong box ng pizza na aktong bubuksan ko.

"Hey careful!"

"S-sorry..."

Georgessa from National Geographic?

Ibig bang sabihin... si Georgie na kaibigan ko at ang Georgessa na fiancee ni Fuji ay iisa?

Preposterous!!

"Nasaan sila?" tanong ko.

"Water Park," sagot ni Zehel na ibinalik sa paper bag yung pizza box.

Malapit lang ang Water Park dito. May tyansa na makita ako ni Georgie. Oh no!

"Let's go!" bigla kong aya kay Zehel sabay hablot sa mga pagkain.

"What? Pero kumain muna tayo!"

"Doon na lang. Punta tayong Wildlife! Balita ko, maraming wild animals dun, bilis! Doon na natin 'to kainin!"

Wala nang nagawa si Zehel.

Lumabas kami ng McDonals at tinahak ang daan papunta sa Wildlife section ng Zoo.

Along the way, inabot ni Zehel sa 'kin 'yung stuff toy na Bugs Bunny. "Here! This is for you. Nakita ko sa sideway, binebenta ng isang matanda."

Saglit na nawala sa isip ko ang pagkabagabag dahil kay Georgina at inabot ang stuff bunny mula kay Zehel.

"Wow. Thanks!" Niyakap ko ang stuff toy at hinimas. "Ang lambot! At ang laki ng tenga niya, Devoncourt... parang ikaw."

"Shut it!"

Haha!

Nakita ko na hawak ni Zehel ang stuff toy din na Godzilla. "Uh! Dinosaur! Eh iyan? Sa'kin din ba 'yan?"

"Sa 'kin 'to!" simangot na sagot ni Zehel. "I'm going to put this beside my collection. I like Godzilla a lot."

Ngumiti ako. "Don't worry, hubby. She like you a lot, too!"

Tinaasan lang ako ng kilay ni Zehel.

Nilakad namin ni Hubby ang direksyon ng wildlife. Saktong maraming tao at medyo malayo ang Water Park sa bandang 'to.

I don't want to be seen by Georgessa. Napakadaldal ng babaeng 'yun. The least thing that could happen kapag nagkita kami ay malaman ni Zehel na may kakambal si Liza. Kapag nangyari 'yun, magkakaroon ng hinala ang asawa ko na hindi talaga ako si Liza.

Masyado nang naguguluhan si Zehel sa pagkatao ko. Ayoko munang madagdagan pa 'yun.

Haay! Kung bakit ba naman kasi sa dinami-dami ng pwedeng maging fiancee ng singkit na Fujima na 'yun.... eh si Georgessa pa talaga?

Genius talaga ang tadhana, ang galing magplano ng mga bagay bagay.

Parang gustong tumubo ng kulaba sa ulo ko. Sumasakit ang bangs ko, my gash!

Niyakap ko na lang si Bugs Bunny dahil napa-frustrate na talaga ako.  

   "PHYTON!" biglang sigaw ni Zehel na nagpatalbog sa mga earwax sa tenga ko, sabay turo sa loob ng cage na nasa entrance ng Wildlife.

"Pwede ba, Devoncourt... huwag kang sumigaw! FYI, nasa tabi mo lang ang tenga ko, mabibiyak ang eardrum ko! At FYI ulit, hindi yan Phyton... BOA CONSTRICTOR YAN!! BOA!! HA? HA?! HINDI PHYTON!" sigaw ko din kay Zehel.

Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon