Zila's PoV
"Ay naku! Ako nga'y tigilan mo niyang paghawak-hawak mo!" piksi ng matanda sabay pagpag sa kamay ko. Pero di ako bumitaw at ngumiti lang ako.
"Hayaan niyo na po akong humawak sa inyo. Nami-miss ko si Nana, yung nagpalaki sa'min ng--- I mean nagpalaki sa 'kin. She died last year, siguro kaedad niyo din po yun at blah blah blah blah blah blaaaaaahh..."
Kinuwentuhan ko lang ang matanda ng kung ano-ano at wala tuloy siyang nagawa kundi ang hayaan akong nakahawak sa braso niya na parang bata.
Hehehehe. May titigas pa ba sa ulo ng nag-iisang God-Zila? Waley!
Kung ano nang pinagsasabi ko sa matanda, pati yata yung inimbento ng lolo ko na bisekletang lumilipad, naikuwento ko.
"Taga-saan ba ang angkan niyo?" tanong ng matanda. Nakalimutan niya yatang galit siya sa 'kin.
"Mariveles, Bataan. Bayan ng magigiting---"
"At matatapang!" dugtong ng matanda. "Pagawaan ng da best na puto!"
"At ng pinakamatibay na pustiso sa buong mundoooo!!" dugtong ko sabay taas ng kamay.
Napatingin ang matanda sa 'kin at ngumiti siya. "Sa Mariveles gawa 'to!" turo niya sa ngipin niya.
"Eh wow! Pustiso po yan? Di halata ah."
Ngumiti ulit ang matanda at ramdam kong tunay ang ngiti na yun. Para tuloy may mainit na kamay na humaplos sa puso ko. Kahapon lang tinatarayan niya ako. Ngayon, nginingitian na niya ako.
Zila, fight! Bukas... si Zehel naman ang ngingiti sa'yo ng ganyan!
"You seemed to be a different woman from what I heard..." sabi niya.
Ngumiti ako at dumikit pa sa matanda. "Wag kasi kayo agad maniniwala sa tsismis."
Tumango tango ang matanda. "Nalulungkot lang naman kasi ako para kay Mam Lesana, napakabait niya tapos..."
"Alam ko po ang nararamdaman ninyo... inuulit ko po, hindi ako ang dahilan ng pagkamatay niya. Hindi ko kayang pumatay ng tao. Maaaring mahal ko si Z-Zehel pero di ako ganun ka-selfish para patayin si Lesana makuha lang siya. Desperada at tanga lang ang gagawa nun.
Hindi nagsalita si Mana, halatang reserbado pa rin ang judgement pero ayos na sa akin yun basta hindi na niya ako tatarayan.
Hawak ko lang ang braso ng Mayordoma hanggang makarating kami sa komedor. Nang makita yun ng ibang katulong, nagtaasan ang kilay nila.
Si Zehel, dedma lang. Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin, busy lang siya sa pagbabasa ng isang diyaryo.
"GOOD MORNING, HUSBAND!!!!" bati ko.
Gaya ng inaasahan ko na, hindi nagreact si Zehel. Hindi rin siya tumingin dahilan para magngititan ang mga katulong.
Tsk! Isa na naman akong hangin sa mata ni Zehel. Invisible. Naiintindihan ko yun, siguradong na-refresh na naman sa utak niya ang galit niya sa 'kin. Kung sana'y kaya kong isiksik sa utak niya ang katotohanang hindi ako si Liza at wala siyang karapatang magalit sa 'kin dahil ibang tao ako. Tsk! Kaso nga'y di ganun kadali ang lahat.
All he need from me is my egg cell and ovary, yun ang katotohanang ibinalandra na niya sa mukha ko sa una pa lang. Baby-developer, that's me. Hindi nga naman niya ako kailangang pakitunguhan ng maayos at umaktong asawa sa 'kin, dahil sa papel lang kami mag-asawa, at invalid pa ang kasal na yun sa pananaw ko.
Oh well, the hell I care! I got Mana smiled at me this morning kaya walang sisira ng araw ko.
"GOOD MORNING, HUSBAND!!" mas malakas na bati ako.
Lumingon si Zehel sa 'kin habang humihigop ng kape. Dumilim ang expression ng mukha niya at hindi ako nagpatinag.
"Oh come on, husband. Don't give me that look. Parang gusto mo na naman akong ipakain sa pating kung makatingin ka dyan!"
Umupo ako sa silyang-tapat ni Zehel at balewalang tumitig sa kanya.
Zehel really looked gorgeous with his wild hair. So hot. Para siyang katuparan ng lahat pangarap ng babae sa mundo, guwapo, matalino, mayaman. Pero hanggang dun lang yun, kung sa ugali... nay, wag na lang. Mas pipiliin ko yung nanlilimahid na tricycle driver sa Tondo o magsasaka sa bukid kesa sa nilalang na 'to.
"Zehel... pupunta ka ba sa Silicon Valley?" tanong ko.
Nagpatuloy sa pagbabasa ng diyaryo si Zehel at naghintay naman ako ng sagot.
Walang sagot.
Grrrr.
"Hey husband, I'm asking you. Papunta ka ba sa Silicon Valley?!" ulit kong tanong.
Wala pa ring sagot.
Dinampot ko ang kutsara at malakas binato yun kay Zehel. Gusto kong makita na lumanding yun sa noo niya pero nadismaya ako nang iwasan lang yun ni Zehel.
Sayang.
BINABASA MO ANG
Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)
HumorAVAILABLE FOR PRE-ORDER! DM WESAPH OFFICIAL ON FB FOR SLOTS! May nag-offer sa'kin ng kasal, tinanggap ko. Malay kong para sa kakambal ko pala ang alok na'yun! At ayaw niyang maniwala na hindi ako ang kakambal ko! Bra, anong gagawin ko? -GodZila