Zila's PoV
"Achooooooo!!" napapikit ako dahil sa pagsakit ng ulo ko dala ng malakas na paghatsing. "Huuuuuuu! Buwisit!" Kumuha ako ng tissue at inilagay yun sa ilong ko tapos lumabas ako ng kuwarto nang nakaapak at naglakad ng walang pakialam.
Nakasuot pa ako ng pajama at magulo pa ang buhok ko. Kagigising ko lang at masakit ang ulo ko. Bakit? Dahil sinisipon ako!! Tengene talagang Zehel yan. Kasalanan niya pag nagkasakit ako.
Gggggrrrr. Kahit kelan, hindi ko makakalimutan ang ginawa niyang paghagis sa 'kin sa nagyeyelong swimming pool. Na naka-bra at panty lang!! Shutang mother talaga!! Shit lang ang walang ganti!
Pero on the hand, thankful ako na yun ang nangyari imbes na yung baby-dinoster-making-scene. Eeeek. Sinasabi ko sa inyo, di pa ako ready para dun. Bigyan niyo pa ako ng konti pang panahon para maghanda tapos ako na mismo ang dadagan kay Zehel at mangre-rape sa kanya.
Deal?
"Achooooo!! Huuuuu! Anak ng tinapa naman!" reklamo ko sa sarili ko habang naglalakad pababa ng malaking hagdanan.
Ah! Hindi ko pa pala nasasabi kung pano ako nakaahon sa nagyeyelong swimming pool na yun. Well, si Mana at si Joyce ang tumulong sa 'kin. Bago ako tuluyang magyelo, dumating sila na may dalang mainit na tubig at makapal na towel. Sila ang naging lifesaver ko thanks to them.
Mabigat ang pakiramdam ko at pakiramdam ko eh magkakasakit ako. Pero hindi pwede. Pinaka ayoko sa lahat eh ang magkasakit. Sa klase ng trabaho ko bilang wildlife at nature photographer, bawal sa 'min ang magkasakit. Minsan nga kahit maysakit, talgang sumusugod pa rin kami sa assignment.
Naalala ko, may lagnat ako noong umakyat kami sa tuktok ng K2 Summit. Mamamatay matay ako nun pero nung makarating ako sa tuktok at makita ang napakagandang tanawin, nawala ang sakit ko. Gumaling ako bigla. Ang trabaho sa 'kin ay isang uri ng theraphy. Kaya ngayong wala akong trabaho, goodluck sa 'kin. Baka lumala ang sakit ko. Hahahaha!
Mmmmm. Nababaliw na naman ako.
Tumingin ako sa wristwatch ko. 6:10 am. Ang aga pa pala. Gising na kaya si Zehel? Tsh! Sana hindi pa. At sana... hindi na siya magising pa!!
Kaso asa pa ako... matagal mamatay ang masamang damo!
Pagpasok ko ng komedor, nakita ko agad si Zehel sa nakaupo at nagbabasa ng kung anong ano sa laptop niya habang sa harap ay may nakahain na mga pagkain.
So the bastard is already having breakfast.
Dere-deretso akong naglakad palapit sa kanya. Umangat naman ng tingin si Zehel at tumaas agad ang kilay niya ng makita ako, tapos gumuhit ulit ang nakakalokong ngiti sa labi niya. The smug!
"Morning..." bati niya. Hindi ako nagsalita. Galit ang dinosaur.
Zehel scoffed and stared at me. "What a cold welcome," sabi niya sabay sandal sa upuan niya.
Yeah. I catch a cold, dahil sa kagagawan mo, gago ka!
"Come on!" untag ni Zehel nang makaupo ako sa tabi niya. "You looked stupid with that tissue on your nose."
Lampake. Pero tinanggal ko yung tissue sa ilong ko.
"Hey! Galit ka?" tanong niya. I saw hint of smile on Zehel's lips and I can't help but felt good. Masaya ba siya? Dahil naghihirap ako? Tang na juice naman!
Tiningnan ko lang si Zehel ng masama. "RAWR!!" angil ko.
Sa pagkagulat ko biglang tumawa ng malakas si Zehel. He laughed so much that he fell backward on his seat. Nakatingin siya sa kin tapos tawa siya ng tawa na parang bata na nakakita ng clown. Nakikita ko ang mapuputi niyang ngipin na nakalantad dahil sa paghalaklak niya. Natulala ako. Bakit? Eh mas bagay sa kanya ang tumawa ng ganyan.
Laughing suits his beautiful face better that scowling. It makes him look very... sexy. Kyaaaah!
Hindi ko inaasahan ang reaksiyon niya sa sinabi ko.
"Anong nakakatawa?" tanong ko sabay punas sa ilong ko. Mamaya niyan may sipon na pala ako kaya siya nagtatawa.
"Hahaha! That 'Rawr!'..." nagtatawa pa rin si Zehel. "You looked very...."
Very...?
"...stupid while saying that! Hahahaha!"
Ganun? -____-
Tumayo ako sa pagkainis at lumapit kay Zehel bago tumunghay sa mukha niya. Naparanoid siya ata bigla dahil tumigil siya sa pagtawa. Humawak ako sa pisngi niya at mabilis na hinalikan siya bago pa siya makapagsalita.
I kissed him full on his lips, quick, deep and wet. And I tasted... peanut butter? Huh?
Lumingon ako sa mesa at nakita ko ang toasted bread sa harap niya na punong-puno ng butter. So, kumakain pala siya ng butter. Most men hated those food.
"The hell did you do that for?!!" sigaw bigla ni Zehel sa isang tenga ko.
"Aray naman!! Walang sigawan sa tenga..." angal ko. Kunwari di ko narinig yung sinabi niya. Dedma kong kinuha yung tinapay na may butter sa plato ni Zehel tapos naglakad na ako palabas ng komedor.
"Hey! Hey! Spongebob!" tawag ni Zehel kaya lumingon ako sa kanya.
"Ano?"
"Why did you kissed me?" tanong ni husband. Ayeeei. Feeling ko nagba-blush siya. There's red spot visible on his cheeks. Haha!
"Ah! Yun ba? Ang totoo, may sipon ako ngayon at feeling ko magkakatrang-kaso ako dahil sa ginawa mo kagabi. Para makaganti ako... ayan, hinawaan na lang kita ng virus ko! Bleeeeh!" Bumelat ako.
Nang mukhang parang sasabog na bulkan na naman ang expression ni Zehel, nagtatakbo na ako palabas ng komedor.
"Lizaaaaaaa! Get back here, damn you!!" narinig kong sigaw niya.
WHahahaha! Ano ka? That is what we called... sweet revenge! So sweet, lasang butter! Wahahahaha!
Okay na 'ko, magaling na. Na kay Zehel na 'yung virus ko. Now, who's the devil?
BINABASA MO ANG
Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)
HumorAVAILABLE FOR PRE-ORDER! DM WESAPH OFFICIAL ON FB FOR SLOTS! May nag-offer sa'kin ng kasal, tinanggap ko. Malay kong para sa kakambal ko pala ang alok na'yun! At ayaw niyang maniwala na hindi ako ang kakambal ko! Bra, anong gagawin ko? -GodZila