XXXVIII

9.8K 364 16
                                    


  Zehel's PoV

I brush off Caroline's arm away from me as we were walking to the evelator. Enough of courtesy, marunong naman siyang lumakad mag-isa. I'm wondering why did she have to cling on me.

Kung wala ang ama niya sa tabi namin, tinulak ko na sana siya palayo kanina pa. Kating-kati na ako sa hawak niya.

I hate it when women touch me, especially those women who show their utmost interest in me. And this Caroline is no exception. Unang kita pa lang niya sa 'kin, di na maipagkakaila ang pagkagusto niya. Hindi ako manhid at hindi rin ako dense, alam ko kapag nilalandi ako ng babae o hindi.

"I guessed, you'll be fine walking on your own," turan ko sa babae. Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko pero di ko na siya pinansin, umuna na lang ako papasok ng elevator katabi ng President ng GTE-Axis.

This old frog, isa pa ang matandang 'to. Hindi ko alam kung nyang gusto niyang mangyari. Ang dami niyang gustong ipahiwatig kanina habang nagla-lunch kami tungkol sa intensyon niyang pakikipag-merge ng RedSphere sa GTE-Axis.

Kung hindi ko pa siya prinangka na wala akong intensyon na gawing affiliate ng GTE ang RedSphere, hindi pa siya titigil.

Pero pinagdudulan naman niya sa 'kin ang anak niyang si Caroline. He bragged about how many bachelors from our industry want to have Caroline for wife. Kulang na lang sabihin niyang hiwalayan ko ang asawa ko at pakasalan ang anak niya. How pathetic! Isa na lang at sasabihin ko na sa kanyang siya na lang ang magpakasal sa anak niya.

Pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko dahil alam ko kung gaano siya ka-delikadong tao. Lord Gunford is a very powerful man, kahit ako aminado sa bagay na yun. I don't want to be on his bad side, kaya hangga't maaari... I'm playing safe on his good side.

But if the time comes in which I have to face him as enemy... hindi ako magdadalawang isip na labanan siya. He might be powerful and all... but he's not God. Huwag niyang ipipilit sa 'kin ang ayaw ko, dahil kaya kong ipakita sa kanya kung gaano talaga kahaba ang sungay ng isang Zendrel Devoncourt.

I saw how pissed the President was on the incident at the lobby. It looks like, nagalit siya nang tawagin siya ni Liza bilang 'old frog'. Hindi ko masisisi ang matandang ito. I knew how bad Liza's mouth can be. Ilang beses na ba akong nasampolan ng mga mapanirang adjective niya? She once called me chimpanzee, demon, bastard at kung anu-ano pa, bukod sa mapanglait niyang endearment na 'husband'. I don't know, but whenever she calls me 'husband', naiinsulto ako... at natutuwa. Kung saan galing yung tuwa, don't ask me. Di ko rin alam.

The truth was... nagulat ako nang makita si Liza kanina sa lobby na hawak-hawak ng mga bodyguards ni President Gunford. At mas nagulat ako dahil kahit nakasuot siya ng face mask, mabilis ko siyang nakilala dahil sa mata niya.

Why? I don't know. Probably because, I haven't seen anything like her eyes before. Almond-shaped, pitch black, dark as night... like a dangerous vortex that will pulled you to nowhere. That's Liza's eyes. Ngayon ko na lang yun napansin, pagkatapos ng kasal namin. I knew her eyes were brown kaya nagtataka ako kung bakit bigla iyong naging kulay itim. Contact lense? I don't think so, they were natural.

My initial reaction when I saw her was push away Caroline beside me, I just stopped myself and play dead. I acted like I didn't recognized her dahil yun ang alam kong dapat kung gawin.

Nagtataka ako kung anong ginagawa niya sa RedSphere at kung bakit siya nakasuot ng face mask. Naunahan din ako ng inis. Sinabi ko sa kanyang wag magpapagala-gala at wag aalis nang hindi nagsasabi sa 'kin. Pero hayun at gumawa na naman ang babaeng yun ng desisyon niya! Ang tigas talaga ng ulo!

Sobrang laki ng pinagbago niya simula noong makita ko siya para sa kasal namin. She's not the same Liza I know.

This Liza is different. She's stubborn, bad-ass, ill-mannered, ill-tempered, no poise and grace, and she doesn't care how she looks like, pig... yeah, a pig. Especially when she's eating, and she snores so loud I could hear her from my room.

Too many. Too many changes. Kung hindi lang dahil sa mukha niya at boses niya... iisipin kong peke ang Liza na pinakasalan ko.

Kung hindi lang dahil sa paghihiganti... hindi ko siya papakasalan.

Pero sa tuwing maaalala ko si Lesana, hindi ko pa rin mapigilang mamuhi kay Liza kahit na kapag nakikita ko ang mata niya ay saglit na nawawala sa utak ko ang paghihiganti. It was like a trance. Kapag wala si Liza, buo ang plano ko na pagdusahin siya. Pero oras na makita ko siya at ang pagnguso niya... wala na. Nalilimutan ko na kung anong sasabihin at gagawin ko.

She just look so... pure. And innocent. How could she project that when she's nothing but a murderer! A murderer.

Kaya nagpasya na lang akong bumawi sa pagsasabing gusto kong magkaanak sa kanya. It was just a threat, anyway. I'm just threatening her. Hindi ko intensyon yun... ang magkaanak sa kanya.

Pahamak lang talaga ang Spongebob-printed bra na yun! When I saw Liza almost naked in front of me... my head said, 'Yeah. Why the hell not!? I'm going to give her the Vixen for a child. I want her child!' I'm ready to take her last night. Tinuhod lang niya ako sa.... doon! Dahilan para matauhan ako at itapon na lang siya sa swimming pool.

But then... nakaukit na talaga sa utak ko ang Spongebob-printed na bagay na yun at yun ang kinaiinis ko ng todo.

I saw lot of women, in expensive bikinis and sexy lingerie, at di hamak na mas sexy sila kesa sa asawa kong ewan kung bakit naging straight ang katawan, pero bakit ang lakas maka-turn on ng Spongebob na yun? Somebody please tell me why?

And her lips... how can her lips be such a delectable delight? Kung yun ang paraan ni Liza para hawaan ako ng sakit... I'd risk dying then, mahalikan lang ulit siya.

Now what the bloody hell is happening to me?

I must be out of my mind. Nung makita kong nagagalit si Lord Gunford kanina, there's a huge urge for me to tell him that that 'random crazy girl' he was referring to, was actually my wife.

Hindi ko lang ginawa. Dahil oras na sabihin ko yun... para ko na ring pinatay si Liza. The old frog was so angry he won't hesitate to have her killed. Kung bakit ba naman kasi napakawalang-modo ng babaeng yun. Kahit sino babanggain, kahit yata si Satanas kayang-kaya niyang awayin.

Para hindi na pagtuunan ng pansin ni Lord Gunford si Liza, sinabi kong taga-Maintenance Dept. lang siya at wag nang pag-aksayahan ng oras. I tried to kept my face neutral and emotionless as possible, Malakas ang pakiramdam ng matandang yun. Any hint of recogniton would bring troubles for Liza.

Now now, baka isipin niyo na concern ako sa kanya. Hindi ganun. I still hate her... ang gusto ko lang, ako mismo ang magpapahirap sa kanya at hindi ibang tao.  

Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon